[Albert's POV]
Si lhyne 'yun diba? Kaso masyadong malayo para Makita ko yung kasama ni—f@#$!
Tama ba yung nakita ko? Hinalikan niya yung lalaking kasama niya?
Ano to, PDA? As in Public display of abnormality, este affection?
Malayo sila pero nakita ko sila, sadyang malinaw lang yung mata ko.
Sinundan ko naman sila para Makita ko yung kasama niya.
Noong nakakuha na ko ng magandang pwesto. Nakilala ko na yung kasama niya.. teka teka teka..
Si steven ba 'yun?
Kailan pa yun nandito? Akala ko ba nasa korea siya?
Pero pwede namang bumalik eh. Sabi ko nga eh.
Sila ba? Mukha kasi silang Masaya eh.
Pero paano si Jam- oo nga pala, hindi niya deserve si lhyne.
Minsan may pagka-engot rin ako eh.
Si james kay Ara na. Masaya na siya doon kaya naman sana wag na niyang guluhin pa tong dalawang to. Mukhang Masaya naman si lhyne kay steven eh.
Pero kung iisiping mabuti.. Si james din yung mali ehh.. He just used lhyne for his own happiness.
Hindi niya inuna yung kapakanan ng iba , especially lhyne.. Nung una akala ko seryoso siya kay lhyne. Kung matulala daig pa yung namatayan ehh.. Kalokohan lang pala !
Sobrang inis ko sakanya nung araw na sinabi niya yung tungkol dun sa pinapagawa ni Ara.. Sira ulo talaga yun..
Pero kung kay dating pinuno mapupunta si lhyne.. Mas okay... Dahil kay lhyne kaya niya iniwan ang grupo.. Nagpaubaya siya para sa ikasasaya ng kaibigan niya..
Sadyang sira ulo lang tong si James at sinayang yung Pagkakataon na binigay sakanya ni Steven..
Pero ngayon.. Sigurado na ko kung baket bumalik si Steven... Ano pa ? Edi para bawiin yung pinaubaya niya noon. Bawiin ang grupo lalo na ang pinakamahalagang tao sa buhay niya...
Siguro para talaga sila sa isa't isa. Hindi ba?
Ang sabi kasi, once na pinakawalan mo siya kahit mahal mo pero pagbumalik siya for this second time, you guys are meant for each other.
Tsk tsk.. Dapat na talagang pigilan tong si James sa mga katarantaduhang pinaggagawa niya. Hindi lang basta kung ano ang nakapusta dito.. Alam kong mahalaga din to sakanya.. Di man ngayon pero alam ko, balang araw, magiging mahalaga rin to.
Nagring bigla yung phone ko, tinignan ko kung sino... si James. Speaking of the super Devil talaga oh-oh.
"Bakit ka tumawag?"
"Al, Punta ka dito sa bahay.."
"Di ba sabi ko sayo, kausapin mo ko pag maayos na yang utak mo? Maayos na ba yan?"
"Just.. just go here.. hihintayin kita Al."
At shoot! Binaba na niya yung phone.
Wala naman akong magagawa kundi puntahan siya eh.
After 10 minutes...
Tinawagan ko siya sa cellphone niya, ilang beses na kasi akong kumakatok pero walang nagbubukas.
"Pinapunta-punta mo ko tapos wala naman palang magbubukas ng pinto. Aba, Masaya to james."
"Teka, nandito ako sa loob. Ito na, bubuksan ko na.." nagbukas na yung pinto nila. "Ayan, bukas na."
![](https://img.wattpad.com/cover/1104465-288-k885737.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly in Love with a Gangster
Romantiekit's all about a girl who will experience different trials to gain her happiness. Then she will meet this two gangster who will change her entire life.