Chapter 29

2K 42 4
                                    

[Lhyne's POV]

May kakaiba akong nasesense sa aura nitong dalawang gangster na to eh. Parang anytime, sasabog ang isa sakanila.

Kaya naman pagkabell na pagkabell, kinausap ko yung boyfriend ko.

"Tiffy, are you alright?" tumingin siya sa akin at ngumiti. No words.

What?!  Hindi to si Steven. Hindi siya to, I swear.

"Tara, labas tayo. Kakausapin lang kita sandali." Pagkasabi ko noon sumunod naman siya sa akin.

Pumunta kami sa lugar kung saan konti lang ang estudyante at siguradong walang iba na makakarinig samin.

"Alam kong may problema, Tiffy. Paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sakin?" sabi ko sakanya habang hawak hawak ko yung kamay niya.

Tumingin siya sa akin. Nag-alinlangan muna siya pero nagsalita din siya agad.

"I'm scared... I'm scared that I might lose you again."

"What? No you won't. I'm here. Di ako aalis. Di ako mawawala."

Ngumiti siya pero alam kong pilit lang yun. Ganyan lagi to pag ayaw niyang mag-alala ako.

"That's not what I mean. I'm talking about... nothing. Nevermind. Forget it. I love you, babes."

Niyakap ko siya, "I know." Pero hindi ko ata kayang sabihin na mahal ko din siya. "me too."

Hindi ko kayang bitawan yung salitang I love you too. Feeling ko magsisinungaling lang ako. Alam ko kung ano yung ibig niyang sabihin pero nagpanggap akong walang alam.

Ayoko ng ganito, masasaktan ko lang siya.

***

"Tignan mo to, ang takaw mo talaga kahit kailan."

"Kaya nga sorry diba?"

"Nagsosorry ka pala sa lagay na yan? Wow. Di ko kasi agad nagets eh." Sarcastic na sabi ni Steven kay Stacie.

Ano bang problema nitong dalawa? Himala ata at nag-aaway sila.

"Ewan ko sayo. Bahala ka, nagsorry na nga eh."

Sinubukan kong sumingit sa usapan nilang dalawa, "Ano ba yun, bakit hindi kayo magkasundo dalawa?"

"Yan kasing si Stacie eh, inubos yung isang plastic ng pagkain na binili ko. Eh para sayo yun, babes eh."

"Tignan mo to, ang sinungaling mo kuya. May dalawa pa kong tinira para sainyo no. Lahat ka dyan." Sabay irap niya kay steven.

"Magbati na nga kayo."  Parang mga batang paslit eh.

"Hindi!" sabay nilang sabi.  "O tignan mo, may mutual understanding pa kayo. Pareho pa kayo ng sinasabi. Kaya magbati na kayo." Pakikiusap ko sakanila.

Please lang, gusto ko ng katahimikan. Utang na labas. Sana manahimik sila. Masakit yung ulo ko dahil sa test namin sa math kanina.

"Nagsorry na nga kasi diba?!"

"Ang takaw mo kasi, DIBA?"

Aba, ayaw magpaawat nitong dalawang to sa pagputak. Dinaig ang manok. Loko to ah?

"Bwisit kayong dalawa, hindi niyo ba maintindihan yung salitang magbati na kayo? Ang ingay niyo, my gosh. Ang sakit na nga ng ulo ko dinagdagan niyo pa. Bahala kayo sa buhay niyo."

Secretly in Love with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon