PROLOGUE

344 24 47
                                    

PROLOGUE

“Do you believe in true love?” biglang tanong sakin ng aking kapatid na si Diane habang pareho kaming nagbabasa ng libro sa sofa.

Hindi ko siya inintindi sa tanong niya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro

“Do you believe in forever?” dagdag niya pa kasabay ng paglingon niya sakin

Nanatiling walang imik ako sa mga tanong niya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro habang nakataas ang isang paa.

“Do you believe about the perfect timing? Right man? Right love?” sunod sunod na tanong niya

Huminga ako ng malalim at binuklat sa kasunod na pahina ang librong binabasa ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng kapatid kong to at bigla na lang niya akong tinatanong ng kung ano ano. Napakabata pa niya para isipin ang ganoong bagay kayat sa halip na sagutin ko ang mga tanong niya ay hinahayaan ko na lamang siya.

“Do you also believe that everything happens for a reason?” tanong niya pa kahit na wala siyang nakukuhang sagot sa akin ay panay parin ang tanong ng kapatid ko. Napailing na lang ako habang nagbabasa at linipat muli sa kasunod na pahina ang librong binabasa ko.

“When do you think that you’re ready to have a relationship? How do we know that he is the one?” inosenteng tanong niya habang parehong nakataas ang paa na para bang may malalim na iniisip.

Sinilip ko ang librong binabasa niya ngunit napakalayo ng genre nito sa mga tanong niya sa akin. Horror story ang binabasa niya ngunit ang tanong niya sa akin ay pang love story.

Kumuha ako ng isang piraso ng cookies na nasa center table at uminom ng orange juice at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Sabado ngayon at pareho kaming walang pasok ng aking kapatid kaya para matanggal ang pagkabagot ay nagbabasa kami ng mga paborito naming libro. Hindi rin naman kami makalabas ng bahay para makagala ay dahil sa lakas ng buhos ng ulan na sinasabayan pa ng malakas na hangin

“May bagyo ba?” tanong ko sa kapatid ko ngunit nagkibit balikat lang siya. Sumilip ako sa may bintana at napakalakas ng buhos ng ulan, hindi rin gaanong nakikita ang mga tao o sasakyan na nasa labas dahil sa kapal ng ulan.

Alas tres pa lang ng hapon ngunit parang gabi na dahil sa madilim na ang buong paligid dahil sa lakas ng ulan. Kahapon pa hindi tumitila ang lakas ng ulan pero ang sabi sa balita ay makakaranas lang ng pagkalat kalat na ulan dito sa amin ngunit iba ang nararanasan namin ngayon.

Sinara ko ang bintana dahil may kaunting ulan na pumapasok at naglakad muli pabalik sa sofa. Kinuha kong muli ang librong binabasa ko kanina at pinagpatuloy ang pagbabasa. Huminga ako ng malalim at liningon ko muna sandali ang kapatid ko na ngayon ay tutok na tutok sa librong binabasa niya. Natatakpan na ng libro ang mata niya dahil sa sobrang lapit ng libro sa mukha niya.

Halos apat na oras na kaming dalawa ng aking kapatid na nagbabasa ng libro na paiba iba ang posisyon. Minsan nakikita ko siyang nakataas ang isang paa, minsan naman nakahiga, nakasandal ang dalawang paa sa  couch, o kaya nakapatong ang paa niya sa center table. Tumayo ako at nakita ko sa wrist watch ko na malapit na mag alas siyete ng gabi kumakalam na rin ang aking tiyan dahil bukod sa masarap ngayon kumain dahil sa ulan ay kailangan ko na rin magluto.

Hindi parin tumitila ang ulan bagkus ay lalong lumakas ang buhos at hangin. Binuksan ko ang ref at nakita kong walang laman ito. Nasapo ko ng dalawang kamay ko ang aking mukha dahil wala kaming makakain ng aking kapatid. Nakakagutom pa naman ngayon dahil malamig dulot ng ulan

Mabilis ako naglakad palabas ng pinto at kinuha ang itim na payong na nakalagay sa gilid. Diri-diritso akong naglakad papunta sa pinakamalapit na convenience store.

Basang basa akong pumasok at kumuha ng mga pagkain, pagkakuha ko ay agad kong binayaran at naglakad muli pabalik ng bahay.

Malapit na ako sa bahay namin ng biglang lumakas ang ulan at ang ihip ng hangin na sinabayan pa ng napakalakas ng pagkulog at kidlat. Tinakpan ko ang dalawang tenga ko dahil sa maya’t mayang pagkulog at at kidlat walang ibang taong naglalakad sa daan maliban sa akin na may hawak hawak pang dalawang plastic bag na binili ko kanina sa convenience store. Bumaliktad ang hawak kong payong at tinapon ko ito sa gilid kaya’t tuluyan ng nabasa ng ulan ang suot kong damit at kanina pa ako linalamig dahil sa napakalakas na bugso ng hangin.

Tumakbo ako papunta sa bahay namin pero mabilis akong napaatras nang malapit na ako dahil hindi ko inaasahan na may nabunggo pala ako. Hindi ko napansin ang biglaang pagsulpot ng isang lalaki dahil nakayuko ako kanina habang tumatakbo.  Nabitawan ko ang hawak kong plastic bag at nagkalat sa daan ang mga pinamili kong pagkain. Isa isa kong pinulot at linagay muli sa plastic ang mga basang pagkain at inaasahan kong tutulungan ako ng lalaki sa pagpulot ngunit hanggang sa maubos ko lahat ay hindi man lang siya nag aksayang tulungan ako.

Irita akong tumayo at humarap sa lalaki ngunit hindi ko makita ang kaniyang mata dahil natatakpan ang kalahati ng kaniyang mukha ng hawak niyang itim na payong. Nakasuot siya ng black button-down long sleeves polo habang ang isa niyang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng suot niyang slacks. Hindi siya nag abalang angatin ng kaunti ang hawak niyang payong para tingan ako.

“Excuse me, miss” malamig na sabi niya kayat lalong na inis ako

Sa halip na mag sorry siya sa akin ay hindi! Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko kahit pa kanina pa ako linalamig na para bang basang sisiw na dahil sa lakas na ulan.

“You’re standing in my way” dagdag niya pa saka naglakad, nagkadikitan pa ang mga balikat naming dalawa bago niya ako lampasan

Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang dalawang itlog na pinamili ko at binato ko yun sakaniya saktong tumama ito sa likod niya at nagkalat ang egg yolk sa suot niyang damit.

Liningon niya ako at nagtama ang mga mata namin. Akmang lalapitan niya sana ako ng bigla akong tawagin ng malakas ng aking kapatid na hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya. Inabot niya sa akin ang isang payong ngunit hindi ko na iyon kinuha pa basa na rin naman ako kaya para saan pa kung kukunin ko ang payong niya. Napansin ko naman na naglakad na palayo yung lalaki sa amin at naglakad na rin kami ni Diane pabalik sa bahay ngunit ang labis na nakakuha ng atensiyon ko mula sa lalaking iyon ay ang maliit na markang X sa may right thumb niya.

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong dumiretso ng banyo at naligo binigay ko muna sa kapatid ko ang mga pinamili ko at sinabihan ko siyang hugasan niya lahat ng iyon at hindi naman siya nag reklamo.

“Ate” naka ngiting tawag sakin ng aking kapatid ng nasa may tapat na ako ng pinto ng kusina.

“Bakit?” tanong ko naman sakaniya ngunit tiningan niya ako na para bang nanunudyo at kinikilig kinikiliti pa nga niya ako sa may tagiliran ko ngunit pintik ko ng malakas ang kaniyang kamay kayat tumigil rin siya kaagad

“Ayie ate!” kinikilig na sabi niya at akmang kikilitiin na naman ako sa tagiliranng mabilis akong naka ilag sakaniya

“Ano ba? Tigilan mo nga ako” inis na sambit ko sakaniya

May kinuha siyang isang color pink na sticky note na hugis puso at naka ngiting binasa ang naka sulat. Kumunot ang noo ko habang binibigkas niya ang mga salitang binibitawan habang binabasa ang nakasulat sa sticky note. Kinuha ko ng mabilis ang sticky note sa kapatid ko at binasa ang nakasulat

“ikaw pa din kahit masakit, ikaw pa din kahit ayaw muna, ikaw padin ang pipiliin ko kahit iba na ang gusto mo, ikaw padin kahit wala kana sa piling ko, ikaw pa din kahit sobrang nakakadurog, ikaw at ikaw pa din ang patuloy na pipiliin at mamahalin ko kahit hindi na ako”

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon