KABANATA 36

63 6 5
                                    

THIRD PERSON POV

"Mata a todos ( Kill everybody)" seryosong utos ng isang lalaki sa mga ka grupo niya pakatapos makatanggap ng tawag at isa isa ng pumunta ang mga kasamahan niya sa kani-kanilang posisyon at inayos ang kanilang mga armas

"Siyete, find the right spot" seryosong saad ni Dos

Mayroong sampung tao ang naka posisyon sa taas ng mansiyon at may mga hawak na sniper, habang ang mga nasa labinglimang tao ay naka pasok na sa loob para magmasid at nalagyan na rin ng mga bomba ang ibang bahagi ng mansiyon samantala ang iba pa ay nakapalibot sa buong paligid. Walang nakapansin kahit isa sa mga ginawa namin at masayang naghahalakhakan ang mga bisita sa loob

"Enjoy your last moment tonight" saad ko saka sinet ang bomba sa isang oras. Mayroong dalawang bomba ang nasa labas samantalang tatlo naman ang nasa taas ng mansiyon, pare-parehong naka set ang lahat ng bomba sa isang oras

"Later, we will surprise them" masayang saad ng empress at tumawa pa ito ng nakakaloka at pumasok na sa loob ng mansiyon para makibalik sa party

"Be ready" mahinang sambit ko sa mga ka-grupo ko at isa isa naman silang nagsipag tango at bumalik sa dating puwesto. Walang pagka alam alam ang lahat ng tao na mayroong magaganap na hindi nila inaasahan at may inihandang regalo sakanila ang empress na tiyak na magugustuhan ng lahat

JACOB'S POV

Sinundan ko ng tingin habang naglalakad papasok ng mansiyon si Kia habang nanatili kaming dalawa ng lalaking to sa dilim. Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginawa ng lalaking to kanina at pinipigilan ko lang ang sarili ko na wag suntukin ang lalaking to sa harap ng aking mahal. Akmang aalis na sana ako para sundan sa loob ng pigilan ako ng lalaki at ngumisi siyang hinarap ako

Pigil ang inis ang ginawa ko ng hinarap ko siya dahil sa ginawa niya! Inis ang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung paano niya nakukuhang ngisian lang ako. Ibang aura ang bumabalot sakaniya ngayon kumpara kanina.

"What do you want to her?" seryosong tanong niya sa akin. Inalis ko muna ang kamay niyang nakahawak parin sa kamay ko bago nagsalita

"Who the hell are you?" seryosong tanong ko rin sakaniya
"No need to know, I will not let you come close again to her" may pagbabantang saad niya sa akin saka naunang maglakad pabalik ng mansiyon

Naglakad na rin ako pabalik at nakita kong naka puwesto parin sa dati ang aking kapatid at si Amanda. Linibot ko ang tingin ko sa buong paligid at nakita ko sa isang dako ang empress at emperor na parehong naka ngisi at ang talim ng tingin nila kahit pa naka suot sila pareho ng maskara. Sinundan ko ng tingin kung saan sila parehong nakatingin at doon ko nakita kung sino ang taong nginisian nila walang iba kundi ang isang babaeng kasing edad lang ng empress na nagsasalita

Dahan dahan akong naglakad papunta sa gawi ng aking ama at ina at nagtagumpay naman ako dahil hindi nila napansin ang pagdating ko dahil nakatuon ang buong atensiyon nilang dalawa sa babaeng nagsasalita

Napansin kong napangiti ang aking ama habang tinitingnan niya ang babae ngunit hindi iyon napansin ng empress. Lalo pang sumilay ang mga ngiti sakaniyang labi ng ngumiti rin ang babae habang nagsasalita sa microphone at napatingin sa may gawi namin nagkibit balikat ako para hindi mapansin ng aking ama ngunit ang labis na nakapag pabagabag sa akin ay yung nakita kung ngiti ng aking ama. Isang ngiti na hindi ko pa kahit kailan nakikita. Ano ba ang meron sa babaeng ito at bakit napangiti ng ganoon ang emperor

Nagpalakpakan ang mga tao pakatapos magsalita ng babae at kasabay noon ay tinawag niya ang pangalan ni Kia at ng kapatid niya at sabay silang naglakad papunta sa entablado. Nagsalita pang muli ang babae at sabay nilang tinaas ang hawak nilang wine glass at nag toast. Ganoon din ang ginawa ng lahat maliban na lamang sa dalawang katabi ko na hindi sinabayan ang ginagawa ng mga bisita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon