KABANATA 35

61 5 2
                                    

Pasensiya na at ngayon lang nakapag update kinailangan ko lang tapusin ang sandamakmak na paperworks na naiwan ko bago nagkaroon ng lockdown.

Stay Safe, stay at home para iwas COVID-19, and don't forget to pray to God always




KIA’S POV

Nabigla ako ng ayain ako ng sayaw ni Klein, hindi rin naman ako nakatangi dahil bukod sa tinutukso ako ng kaibigang kong si Eliza sakaniya ay pansin kong may nakatingin na ibang mata sa akin. Hindi pa alam ni Eliza na butler si Klein ng aking ina, kaya’t kung ano ano na lang ang pinagsasabi niya sa akin kanina. Akala niya kasi ay liniligawan ako nito lalo pa siyang kinilig ng tawagin akong my lady ni Klein.

Sa gitna kami naka puwesto ni Klein at nakatutok din saamin ang spotlight, napansin kong pakonti ng pakonti ang sumasayaw ngunit mas lalo akong nagitla ng hawakan ni Klein ang beywang ko at ang isang kamay ko.

“Focus, my lady” naka ngiting sambit nito sa akin, napatango na lang ako at sinabayan ang kaniyang galaw at sayaw

“The empress and emperor are here, my lady” mahinang sambit nito habang sumasayaw kaming dalawa at dahan dahan niya akong pina ikot.

“Where are they?” tanong ko sakaniya ng makaharap ako, patuloy parin kami sa pagsayaw at sinasabayan ang ritmo at galaw ng kanta at hindi pinahalata sa mga tao ang pag uusap naming dalawa, tumingin siya ng madali sa kaliwang bahagi kung saan kita ko sa side view ang isang lalaking nakatindig ng matikas at titig na titig sa aming dalawa habang katabi niya naman ang isang babae na tinitiyak kong siya ang empress na naka ngising tinitingnan rin kaming dalawa ni Klein. Marahan niya muli akong pinaikot ngunit nabigla ako ng pagharap ko ay iba na ang kapareho ko sa pagsayaw

“Who are you?” tanong ko sa lalaki, lumingon ako ngunit napansin kong iba na rin ang kapareho ni Klein sa pagsayaw at ganoon din ang iba pang sumasayaw. Ito na pala yung punto na nagpapalitan ng partner sa pagsayaw. Mas lalo akong nabigla ng hawakan niya ang parehong kamay ko at ilinagay niya ito sakaniyang batok at hinawakan niya ako sa beywang atsaka sumabay na kami sa iba pang nagsasayawan

“I’m sorry, I forgot to introduce my name to you earlier, my amore” malalim ang boses na saad nito , halos magkalapit lamang ang mukha naming dalawa kayat amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya

“I’m sorry, but I don’t know you” mahinang saad ko at ilinayo ng bahagya ang aking katawan at mukha sakaniya ngunit namilog ng malaki ang mata ko sa gulat ng marahan niyang hilahin ako kayat nakadikit ang katawan ko sakaniya at .5 inch na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. Bagamat nakasuot ako ng gown ay ramdam kong nakadikit ang katawan ko sa matipunong katawan niya. Hindi naman ako makapalag para makaalis dahil alam kong sa amin nakatingin ang lahat ng mata ng mga tao kayat sinabayan ko na lang ito sa pagsayaw.

“Mi amore, te extraño tanto” (My love, I miss you so much) bulong nitong sabi sakin habang sumasayaw kami ng malumanay sa gitna at tinitigan niya ako sa aking mga mata na puno ng pagmamahal at galak habang sinasabayan ang kanta. Ramdam ko ang pag –ingat at pag alalay niya saking katawan at dahan dahan niya akong pinapa ikot.

“ Te ves hermosa esta noche, mi amore” ( You look very beautiful tonight, my love) bulong niya pa sa akin habang nasa likod ko siya at parang nakayakap na sumasayaw kaming dalawa sa gitna, hawak hawak niya parin ang isa kong kamay samantala ang isa pa naman niyang kamay ay nakahawak sa beywang ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa may side ng leeg ko habang naka patong ang kanyang baba sa balikat ko at dahan dahan kaming sumasayaw hanggang sa hindi ko napansin na dinala niya na pala ako sa labas

Marami rami na ang sumasabay sa sayaw kumpara kanina at bukod doon wala na rin saamin ang spotlight kayat hindi napansin ng mga tao at bisita ang pagkawala namin sa gitna ng sayaw at madali niyang nadala ako dito ng wala man lang kahit isang tao ang nakahalata at nakapansin

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon