KABANATA 29

59 5 5
                                    

ELIZA'S POV

Halos isang linggo na ang nakakalipas buhat nang nangyaring pagsabog sa gym ng BCA at isang linggo na rin nandito si Kia sa Bangtan Central Hospital.  Dalawang linggo sinuspende ang klase sa buong Bangtan Central Academy dahil iimbestigahan at kailangan masusi at detalyado ang lahat.

Pumunta narin dito para dumalaw si Dean at ang ibang staff at professor namin.  Lahat sila ay nag aalala para sa kalagayan ni Kia. Dumalaw narin rito at nagdala nang prutas at pagkain ang mga nang bu-bully noon kay Kia.

Nakahiga at walang malay si Kia habang nandito sa hospital ng BCH.  Maraming nakakabit sa kamay at katawan niyang gamit pang ospital na hindi ko alam kung ano ang mga tawag sakanila. Kakapalit palang ng nurse kanina ng dextrose dahil mabilis itong maubos. 

Puro pasa at sugat ang natamo niya sa buong katawan. May benda rin siya sa ulo na siyang ikinakabahala ko ng husto sa kalagayan niya dahil malapit lapit siya sa pinangyarihan ng pagsabog kayat maraming sugat at galos ang natamo niya.

F  L  A  S  H  B  A  C  K

Naka upo ako isa sa mga benches ng school habang hinihintay kung makalabas si Kia sa gym.  Nasa mahigit limang minuto na rin ako ditong naka upo at halos lahat ng estudyante ay nagsiuwian na dahil hapon na natapos ang patimpalak. Babalik na sana ako sa gym para sunduin si Kia dahil kanina pa siya nasa loob ngunit napatigil ako sa pagpasok ng mapansin ko ang isang lalaking naka suot ng purong itim na nasa may gilid ng gym.

Itim ang kulay ng kanyang suot na jacket,  pantalon at sapatos. Nakatalikod siya sa akin na mukhang may sinisilip sa bintana ng gym. Lalapitan ko na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone ko kayat agad ko itong kinuha sa bulsa ko ngunit pagtingin ko ulit sa may gilid kung nasaan ang lalaking naka itim ay wala na ito, naglaho siya nang parang bula.  Huminga na lang ako ng malalim bago isinuksok ulit sa bulsa ko ang cellphone saka naglakad na papasok ng gym.

"Oy Ian, anong ginagawa mo ditoBa't pawis na pawis ka? " takhang tanong ko kay Ian ng makasalubong ko siya papasok ng gym habang siya ay papalabas naman. Hindi niya ako napansin dahil nagmamadali siyang lumabas ng gym at gulat ng makita ako sa harap niya.

"Ba't narito ka pa? Kala ko kanina kapa umalis!  Nakita mo ba sa loob si Kia? tanong ko na naman sakanya. Ngunit gaya ng dati ay nagulat siya sa sinabi ko at halatang nagmamadaling lumabas.

"Hoy!  Tinatanong kita!"  saad ko saka hinawakan ang kanang braso niya para pigilan siya sa paglakad .

"H-huh?"  gulat niyang tugon. "A- ano nga
u-ulit yong s- sinasabi mo?"  utal utal niya pang sabi habang pa linga linga ng tingiy sa paligid. Huminga na lang ako ng malalim saka nagkrus ng kamay.

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon