KABANATA 11

78 19 3
                                    

KIA'S POV

Do you remember how it felt like?
I still remember how the days that end, the weeks and months
We were together for so long
I haven't noticed, that we're falling down to fast


If I could take it all back
I still want you by my side
If only I could bring you back to me
If I could go back in time promise me won't say goodbye
I never really move on,
No, not in time.....

Kanta ko ng nasa tapat na ako ng bahay namin at tanaw na tanaw ko na at na aninag ko na rin ang mga taong nasa loob. Alas otso palang ng gabi ngunit sobrang dilim na ng paligid at kalangitan. Napatigil naman ako sa paglalakad ng mapansin kong parang may mga naka itim ang kanina pa nakasunod sa likuran ko. Agad akong umakyat at nagtago sa taas ng puno ng mangga malapit sa bahay namin.

Umalis muna ako ng ospital para magpalit ng damit at icharge ng kunti ang phone ko. Wala naman akong masyadong tama at di naman malalim ang sugat sa tagiliran ko kaya madali akong pinauwi ng nurse at doctor. Si eliza ay magtatagal pa daw doon sabi ng doktor kasi madaming dugo ang nawala at madami rin na sugat ang natamo.

Isang linggo na ang lumipas simula ng mangyari yun at isang linggo na rin akong di nakaka pasok. Samantalang pa ikot ikot lang ang mga nasa limang lalaking naka itim na sumusunod sakin kanina sa may manggang katabi ng pinagtataguan ko.

"Nakita niyo ba?" tanong ng isang lalaking naka itim sa apat niyang mga kasamahan. Napailing naman yung apat. "Buwiset, kailangan natin makita ang babaeng yun! Di pwedeng di natin siya makita" dugtong pa ng lalaki.  " Mag hiwahiwalay tayo. Di pa nakakalayo yun" sabi pa niya. Tumango ulit yung apat sakanya saka naghiwalay na ng hanap.

Mabilis naman na akong bumaba ng puno at tumakbo palapit ng bahay. Naka ngiting papasok na ko ng gate nang biglang nakaramdam ako ng kaba ng di ko maipaliwanag. Tumigil muna ako saglit at hinawakan ang dibdib kong kay bilis na tila ay nagkakarerang kabayo sa bilis ng pagtibok. Na weirdohan ako saking sarili dahil dati pa naman ako nakakaramdam ng kaba tuwing tititigan ako ni Jacob sa mata ngunit sadyang kakaiba ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.

Nag aalinlangan akong buksan ang gate ng bahay namin dahil di talaga maganda ang pakiramdam ko. Nababalong ng katahimikan ang buong bahay namin dati rati naman kapag uuwi ako ng bahay ay sasalubungin na agad ako ni mama ng sandamakmak niyang galit at kurot. Huminga muna ako ng malalim at akmang bubuksan na sana ang gate ng biglang may sumigaw ng malakas sa bahay namin.

"Tulong!" malakas na sigaw na nanggaling sa loob ng aming bahay. Napaisip ako sandali ng biglang may malakas na tunog ng baril ang umalingawngaw.

BANG! BANG! BANG! BANG!

Sunod sunod na putok sa loob ng bahay namin. Agad kong binuksan ang gate ng marinig ko ang mga putok ng baril na nang gagaling sa loob ng bahay.  Tumakbo ako ng mabilis papalapit sa bahay ngunit biglang napatigil ako ng makarinig naman ako ng isa pang malakas na putok. Napaluhod ako sa gulat habang tulalang naka tingin sa may pinto ng bahay. 

BANG! isa pang malakas na tunog ng baril

Nagsisipatakan na ang mga luha ko sa lahat ng narinig kong putok. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akong hinatak ni yaya Lagring papunta sa gilid ng bintana at sinenyasan niya akong tumahimik. Bakas sa mukha ni yaya ang sobrang takot dahil nanginginig ang buong katawan niya habang hawak ang isa kong kamay.

"Yaya a-anong nangyayari?"  utal na tanong ko kay yaya Lagring. Di naman siya kumibo at nagsalita bagkus ay bigla niya akong yinakap ng mahigpit. " Tumakas kana hija, papatayin ka rin nila " takot na sabi sakin ni yaya habang yakap yakap ako.

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon