KABANATA 8

113 20 12
                                    

KIA'S POV

Papasok nako sa afternoon first subject ko ng walang ano ano'y biglang naisip ko na wag na lang muna akong pumasok di naman uso na ang cutting class pag college eh kaya maglilibot libot na lang muna ako sa buong campus mahigit dalawang linggo na rin kasi ako dito sa Bangtan Central Academy ay diko paman lang naiikot at nasisilayan ng buong buo to at mas mabuti na rin siguro to para makaiwas man lang ako kahit sandali sa mga mapang alipustang tao sa campus.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa kung saan ako dalhin ng aking mga paa hanggang sa nakita ko sa di kalayuan na may isang abandonadong bahay kayat agad kong pinuntahan at diretso nako pumasok dahil di naman naka lock at mukhang wala namang tao sa loob.

Nang nakapasok nako sa loob ay laking gulat ko sa nakita ko dahil malinis, maaliwalas at sobrang ganda ng bahay dimo aakalain na isang abandonadong bahay lang ito, at walang taong may nakatira o may nag aalaga ng bahay dahil mapapa nga nga ka talaga sa sobrang ganda at linis ng abandonadong bahay na to! at higit sa lahat parang hindi naman to abandonado dahil para isa itong mini house.

Linibot ko ang buong bahay hanggang sa kasuluk sulukan ay wala akong nakitang ni katiting na dumi man lang. Hinanap ko ang kusina para maghanap ng pagkain dahil nag rereklamo na naman ang aking mga alaga at saktong napuntahan ko ay ang kusina kayat agad kong linapitan ang ref at pagbukas ko ay punong puno ng laman ng masasarap na pagkain ang refrigerator.

Nagpaalam muna ako sa ref bago kumuha ng maiinum at pagkain pakatapos kong makukuha ay umalis rin ako kagad para libotin ang buong bahay dala dala ang ninakaw kong softdrinks na coke at cookies s tiyaka ko binuksan ang kada kwarto pero sobrang ganda talaga wala kang makikitang kalat o anu paman na dumi dahil naka ayos at organisado ang lahat ng gamit sa bawat kwarto nito hanggang sa nakarating ako sa pang huling kwarto.

Nakarinig ako na parang may nagsasalita sa loob kayat agad akong napatigil at nilagay ko ang kanang bahagi ng tenga ko sa pinto para pakinggan ng maayos ang sinasabi ng nagsasalita sa loob ng kwarto sa wari ko ay parang nanoonod lang ng palabas ang taong nasa loob kayat dahan dahan kong binuksan ang pinto para di niya ako mahalata at mahuli.

Pagbukas ng pinto ay nakita ko ang isang lalaking mahimbing na mahimbing na natutulog sa kama. Nakatulog ata ang lokong to habang nanoonod ng TV aalis na sana ako kasi baka magising at maistorbo ko ang pagtulog niya. Nakaka hiya naman diba? Nakikain na nga ako dito ng walang permiso galing sakanya eh mang iistorbo pa ko sa pagtulog niya tiyaka baka pag nagising siya ay mahuli niya ako edi patay na ko niyan kaya wag na lang.

Kaya lang saktong palabas na pala ng inaabangan kong korean drama ang Love in the moonlight kaya naisip kong makinood na muna ako dito total tulog naman ang may ari ng bahay na to eh. Diko naman siya aabalahin sa mahimbing niyang pagtulog at diko naman kasi nasusubaybayan si oppa Park Bo Gum at ang love story nina prinsipe Lee Yong at Hong Sam Nom kaya grab the opportunity na to para makinood kasama ang natutulog na lalaking to. Sana lang ay wag siyang magising habang kinikilig akong manood dito.

Humanap ako ng pwesto kung saan bwelo ang panonuod ko at walang may makakita sakin habang kinikilig ako sa mga pangyayaring nagaganap sa palabas ng drama.

Linibot ko ang aking paningin at nakita ko ang gilid ng kwartong to kung saan tagong tago at bwelong bwelo akong makakapanood kayat agad kong sinuksok ang aking sarili sa gilid kasi nag sisimula na ang palabas at nung nasa kalagitnaan na ay nagtatago lang ako dito ng kilig sa gilid habang nanoonod kay oppa sa moment na pag amin ni kutsarang pilak ki Sam Nom sa library na siya ang prinsipe ng joseon habang tinatakpan ko naman ang aking bibig kasabay ang pagpigil ng kilig at pagtawa sa reaksyon ng bida pakatapos sabihin yun ni oppa sa kanya. 

Diko namalayan na masyado na pala akong naaliw sa panonood at patapos na pala ang dramang aking pinapanood at nasa kalagitnaan na pala ng palabas ang naabutan kong panuorin. Hay!  Sayang naman. Napabuntong hininga na lang ako at umalis na doon sa pinagtataguan ko.

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon