KABANATA 25

22 9 8
                                    

ELIZA'S POV

"Ano ba Kia!  Ayusin mo ang tindig mo at kabilang pa yan sa pagbabatayan ng mga hurado para sa pagbibigay puntos sa atin"  inis kong sabi kay Kia.  Kanina pa siya di makafocus sa ginagawa naming pag eensayo para sa magaganap na patimpalak sa balagtasan.  Memoryado niya naman ang mga linya niya kaso ewan ko ba dito sakanya kung ano ang nangyari kaya't nawala siya sa focus.

Ilang araw na kaming nag eensayo at kung kailan naman malapit na ang kompetisyon ay saka pa nawawala sa focus si Kia.  Samantalang ang isa naman naming ka grupo pa ay di man lang nagpapakita sa amin kahit isang beses.

Hay!  Wala na kaming pag asang manalo
Tsk badtrip badtrip badtrip

"Kia okay ka lang?"  tanong ko sakanya. Tumango naman siya saka binigyan ako ng malapad na ngiti.  Umayos na siya ng tindig saka inumpisahan niya na ang pagsalita ng kanyang mga linya.

"Magaling binibining Cole!"  papuring sabi ni prof Mendez ng matapos na si Kia. Naglalakad siya papunta sa amin habang pumapalakpak kayat agad na nabaling ang atensyon namin sakanya. "Salamat po prof"  tugon ni Kia.  Tiningnan ko si Kia at nag thumbs up sakanya. Palihim naman kaming napangiti habang si prof Mendez ay linilibot ang tingin sa buong hall.

"Asan si Ginoong Higashadi?"  tanong samin ni prof na nakapamewang pa. Nagkatinginan naman kami ni Kia dahil pareho namin di alam kung nasaan ang magaling na Jacob na yun.

Lagot! Badtrip kasing Jacob yun!  Di man lang nagpakita maski isang beses!!

"Ang sabi ko nasaan si Ginoong Higashadi?"  pag uulit muli ni prof Mendez ng tanong samin pero may halong inis na sa kanyang mukha.

Tsk Tsk galit na si miss Minchin!

"Mukhang inaasahan ko naman na walang interes sa mga ganitong bagay si Ginoong Higashadi kaya naghanda ako sa mga ganitong sitwasyon at mukhang hindi nga ako nagkamali"  panimulang sabi ni prof Mendez habang naglalakad pabalik balik samin ni Kia at pinaglalaruan sa kamay niya ang ballpen.

Talagang di ka nagkamali prof!  Dahil maski anino nun ay di namin nakita!! Hay! Sa dinami dami ng pwedeng maging ka grupo e bakit yung isang tamad na Jacob pa!!Peste!!

Nagtaka naman kami sa sinasabi ni prof. Mendez dahil di namin naiintidihan ang sinasabi niya.  Wag naman sanang sabihin niyang tama ang iniisip ko. " Sa mga ganitong bagay ay dapat palagi kang handa dahil kung hindi ay tiyak na matatalo ka!" dugtong niya pa pero ngayon seryoso na ang kanyang mukha.

Girl scout dapat!!

"Prof!" mahinang sabi ni Kia kay prof Mendez. Liningon naman siya nito ngunit naka taas ang isang kilay at naka krus pa ang kamay. Terror talaga. Tumandang dalaga kasi kaya masyadong mainitin ang ulo at madaling magalit.

"Bakit?"  diin na pagkakasabi ni prof Mendez kay Kia.

Di naman agad nakapagsalita si Kia kayat inunahan na siya ni prof Mendez. Napa buntong hininga na lang ako sa kanilang dalawa.

"Nais ko sanang ipakilala sainyong dalawa ang bago niyong ka grupo para sa Balagtasan at ipapalit ko kay Ginoong Higashadi"  malakas na sabi ni prof Mendez dahilan para marinig sa buong gym ang sinabi niya.

WTH!  Kung kelan bukas na ang kompetisyon! Nag iisip ka ba talaga ng tama prof.?

"Ano?" gulat naming tanong kay prof Mendez sa sinabi niya dahilan para magkasabay pa kami ni Kia ng sabi.

Napangisi na lang siya sa naging reaksyon namin at nakatingin na sa may pinto. Tumingin naman kami doon at may nakita kaming isang lalaking nakatayo pero di namin makita ang kanyang mukha dahil madilim at masyadong malayo siya sa amin.

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon