KABANATA 26

26 6 1
                                    

RUSSELL'S POV

Wohoo!  First time! 
I'm Russell Edward Shinsuke!
Hahaha

"Oh king ba't ganyan kabusangot ang itsura mo?  Mukha kang brokenhearted wala ka naman lovelife bwahahaha.  Mukha kang tae sa itsura mo ngayon hahaha" asar na sabi ni Xander kay King na matamlay ang mukha at nakasampal ang dalawang palad sa pisngi na para bang pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura niya ngayon. Kanina pa siya wala sa hulog simula ng matapos ang pang umaga naming klase ay ganyan na ang itsura niya.

Bad mode ang loko!
Ano naman kaya ang iniisip nito?

"King!  Gusto mo hanapan kita ng chikabebs para maging masaya ka naman hahaha!"  pang aasar ulit ni Xander sakanya pero bumuntong hininga lang ito at tiningnan siya ng masama.

"Sama ka sakin mamaya sa bar marami doon na chiks hahaha!"  dagdag pa ni Xander saka humagalpak sa tawa.

"Manahimik ka nga Alexander Clyde Park! Kung ayaw mong busalan ko yang bibig mo ng kanyon" sigaw na sabi ni Xander at bigla na lang itong nanahimik na parang batang pingalitan ng kanyang nanay.  Kumuha na lang siya ng chips saka sinubo isa isa sa bibig niya saka susubo pa ulit hanggang sa mapuno at dina magkasya sa bibig niya.

Galit talaga amp!  Ano naman kaya ang problema nito? 

Gusto kong matawa sa itsura ngayon ni Xander dahil mabibilaukan na siya sa ginagawa niya pero patuloy parin siya sa pagsubo ng chips.

Isip bata talaga ito kahit kailan!! Tsk tsk tsk

Nandito kaming lahat ngayon saming mini house dito rin naman to sa may BCA pero nasa tagong parte lang ng campus kayat di masyadong nakikita ng mga estudyante at kung meron man ay walang may magtatangkang pasukin ito dahil pag aari naming pito ito. Napagdesiyonan naming lahat na pumunta dito at wag na lang pumasok dahil may paparating lang naman na bisita at alam namin na kilala naman namin ang dadating dahil halos lahat ng sponsor ng school na ito ay kilala namin at kilala rin kami.

Nasa computer room sina Ernest, Ivan at Ehmad na kanina pa abala sa paglalaro di nila naririnig ang pang aasar ni Xander kay King dahil tutok na tutok silang tatlo sa nilalaro nila.  Samantalang si Troy naman ay nasa salas nanonood ng TV habang may kausap sa cellphone niya panigurado akong isa na naman to sa mga babae niya.  Pinagsasabay ang panonood ng TV at pang bababae.

Multi tasking amp!

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nagbukas ng instagram account. Matagal na rin akong walang update sa IG ko at matagal na rin bago ko mabuksan ulit ito simula ng maging abala ako sa ibang bagay.

"Bwahahahahahahahaha" tawa ko ng malakas matapos kong makita ang sangkatutak na dami ng dinagdag na followers ko. 

Diko na inisa isang tiningnan kung sino man ang dumagdag na followers ko bagkus ay dumiretso na ako sa home at nagtitingin ng bagong post. Nag scroll lang ako pababa ng screen hanggang sa may nakita akong isang post na umagaw ng atensyon ko na umani  agad ng milyon milyong likes at libo libong komento. 

Napa nga nga ako sa gulat ng makita ko kung sino ang lalaki sa post walang iba kundi ang naka busangot ngayon na si King at may kasamang babae sa larawan at pareho silang naka ngiti at masayang masaya sa amusement park.

WTF!! Kailan pa ngumiti ng ganito kaganda at kasaya si King para sa isang babae? Unless she's special to King!! Hmm tsk tsk tsk.

Isa isa kong tiningnan ang sampung litrato sa post at bawat post ay pareho silang masayang masaya na kinuhanan pa sa Amusement park. Sa unang tingin ay mapaghahalataan mo silang may espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa. Binasa ko ang ilan sa mga komento sa post at lahat ay patungkol sa pag ibig.

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon