KABANATA 18

32 11 3
                                    

KIA'S POV

Maaga akong pumasok ng school para gawin yung super duper extra fantastic punishment kuno na yan ang maglinis ng walong CR. Dahil bwiset parin oh ako lang talaga ang napag tripan palinisin ng mga CR sa campus nato. Nangigigil ako ng husto sa hambog na Higashadi na yun inis kong sabi sa sarili habang pinupunasan ang kubeta. Nadagdagan pa tuloy ng isang buwan ang parusa ko dahil mahigit isang buwan di ako pumasok sa school.

Mahigit isang buwan na akong nag iisa at naghahanap ng mga sagot sa mga katanungan na patuloy na bumabagabag saking isipan. At mahigit isang buwan ko ng di nakikita sina mom, Diane at tita Stella. Nasa London parin sila patuloy parin ang gamutan sakanila.

Nahimasmasan narin ako sa mga nangyari dahil tama si Eliza kailangan kong humanap ng paraan para mabuhay at alamin ang dahilan kung bakit nangyari yun sa amin. Diko kailangan maglugmok sa bahay at hayaan na lang ang nangyari.

Mag isa nalang kasi ako sa bahay si yaya Lagring umalis na umuwi na sa probinsya nila dahil natatakot daw siya na baka anumang oras ay bumalik ang mga naka itim at naka mask na sumalakay sa bahay namin habang si tita naman ay nasa London kasama sina mom at Diane.

Haisst iniwan na nila akong mag isa malungkot kong sabi sa kubeta.

Dobi di dapdap dobi di dipdip ansabi ng jeep beep beep beep

Tunog ng cellphone ko habang nagma mop naman sa sahig ng CR.

Mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag. "Annyeonghaseyo chingu " masayang bati ko sa tumawag kahit diko alam kung sino ang nasa kabilang linya.

" Where the hell are you babae? your F*cking late in your first day! " galit at sigaw na sabi ng nasa kabilang linya kaya linayo ko ang phone sa tenga dahil sa nakakarindi nitong boses.

Nag isip isip ako saglit kung anong pinagsasabi nitong kausap ko, kayat tiningnan ko kung sino ang tumatawag pero number lang ang nakalagay kaya mabilis ko itong ini-end ang call baka kasi wrong call lang o kaya scammer pala yun tas bigla bigla maghihingi sakin ng malaking pera wala pa naman ako nun hay naku eh isa nga rin ako sa umaasa sa free data para maka connect sa online world tas maghihingi pa sakin ang caller na yun.. Hay naku beri wrong talaga beri beri wrong pagmamaktol kong wika saka huminga ng malalim at pinagpatuloy ang pag mop sa sahig.

I need you girl, wae lumpia shamporado lugaw na prinito macaroning adobo I need you girl lan la lala

kanta ko habang feel na feel ang kanta ng paborito kong Kpop group na BTS at ginagawang mic ang dulo ng mop habang sumasayaw.

I need you gi---

Diko na natapos ang susunod na lyrics ng kakantahin ko dahil sa biglang

Dobi di dapdap dobi di dipdip ansabi ng jeep beep beep beep

Epal na tunog ng phone kayat napangiwi nalang ako at buntong hiningang kinuha at sinagot ang tawag.

" Wala akong perang maibibigay at maipapang load sayo, kaya ikaw kung sino kaman sinasabi ko sayo wala kang makukuha sakin dahil isa ako sa umaasa sa free data para maka konek sa facebook at messenger, Okey dokey. "Sunod sunod kong sabi saka binaba ang tawag at pinagpatuloy ulit ang ginagawa.

Hello, hello tell me what you want right now

Panibagong kanta ko naman habang solong nag coconcert sa loob ng CR at kumakaway kaway sa harap ng malaking salamin na feel na feel ang pag concert at ini imagine na nasa loob ng arena.

Hello hello tell me what you wa--

Diko na ulit natapos ang susunod na lyrics dahil sa umepal na naman for the third time ang ringtone ko.

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon