KABANATA 17

43 11 0
                                    

Ernest POV

Mabilis kong pinaharorot ang kotse papunta sa tinext na lugar samin ni Troy.

" Shit like a bullshit! half an hour na lang at malapit na ang meeting namin sa emperor. But what a shit! Di parin namin mahagilap si King! " dabog kong sabi habang nagmamaneho.

" We're here Ernest. I'm in a position now! " sinserong sabi ni Ehmad na nasa kabilang linya ng telepono.

" Malapit na ko tsong!" tugon kong wika sakanya.

" Ok. Good! Andito na kaming lahat ikaw nalang ang kulang tol! " iritang wika niya.

" K. Fine " malimit kong tugon saka pinindot ang call ended.

Tiningnan ko muna ang wrist watch ko Bago bumaba ng kotse at dalawangpong minuto nalang pala at malapit na ang tinakdang oras bago mag alas siyete. Pero kaya namin to magawa ng limang minuto lang yun ay kung hindi papalpak ang plano.

Sinensiyasan kaming lahat ni Troy para pasukin ng sabay sabay ang abandonadong bahay at nakita naming nakagapos at tulog mantika si King sa gitna ng madilim na bahay na to at napansin naming walang ibang tao kundi kaming pito lang.

" Anak ng tokwa eh natutulog lang naman pala dito si King eh kung saan saan pa natin hinahanap! " Inis na wika samin ni Xander.

" Shut up Alexander" galit na wika ni Russel saka binatukan ang katabing si Xander.

" Araaay ko tsong!" naka ngiwing sabi ni Xander sakanya habang hinihimas himas ang ulo.

" Stop that nonsense fight of yours Xander and Russell. We're not here for nothing! " galit at diin na sabi ni Troy sakanila.

Agad na natahimik ang dalawa at dahan dahan linalapitan ni Troy si King para alisin ang gapos sakanyang katawan habang kaming limang naiwan ay alertong nagmamasid at nakikiramdam sa buong paligid ng abandonadong bahay.

" Be alert and always open your senses Clyde! " paalalang wika ni Ehmad kay Alexander na katabi niya lang.

" Areglado tsong! " nakangising sabi ni Clyde saka umayos ng pwesto.

Mabilis na naalis ni Troy ang lubid na nakagapos sa katawan ni King saka inalalayan maglakad papunta sa direksyon namin ang dalawa ng biglang lumitaw at humarang sa harapan nila ang nasa labinglimang naka hood at balot na balot ng itim na kasuotan.

" Whoaa si Alyas Robin Hood! " gulat na sabi ni Xander ng makita ang lahat ng nakakulay itim.  Agad naman siyang binatukan ulit ni Ehmad dahil sa katangahan niya.

" Ang tanga mo talaga tsong! " Inis kong sabi kay Xander at binigyan namin ng tig iisang batok.

"Ouch it hurts you know!" Inis na wika ni Xander samin.

" Black Phantom Hood! " nakangising sabi ni Ikematsu habang nakakuyom sa galit ang dalawang kamao.

" Black Pantomime Hood ba tsong " alinlangan tanong ni Alexander samin

" Tss. Tanga talaga" mahinang sabi ni Shinsuke.

Lumapit ng mabilis ang walong nakaitim samin at sabay sabay na sinugod kami habang ang natitirang pito ay linapitan at pinalibutan sina King at Troy.

" Shit!" dinig kong sinabi ni Shinsuke dahil napapalibotan na siya ngayon.

Mabilis na sumugod ang walo samin kayat agresibo namin silang linalaban one on one.

Sinipa at pinagsusuntok ko ang isang lalaking sumugod ka agad sakin. Natamaan siya sa dibdib ng hawak kong balisong kayat madali ko siyang napatumba.

WHAT AM I TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon