Chapter 1
Nad's POV
“So what kung single ako,di ko kailangan ng boyfriend nabuhay naman ako ng 18 years na walang love life ah, maghihintay na lang ako kung sino man yan” then I rolled my eyes. Sinubo ko na lamang yong kinakain kong pansit . Nasa cafeteria kami at ito na rin ang nagsisilbing tambayan namin kapag vacant time.
“Ang taray-taray talaga ng baklang ‘to! Nag-sa-suggest lang naman po para naman mabago na iyang ayos mo” sabi sa akin ni Ysabel. Tuloy pa rin ako sa pagkain.
“Para hindi ka na mapagkamalang tomboy” ani namin ni Sandra
“suplada” sunod naman ni Jane
“walang nanliligaw ” sunod na sagot din ni Annie
“at higit sa lahat PANGIT!!!” sabay-sabay na tugon ng mga chuwarewap kong mga kaibigan.
Napanganga na lang ako sa mga sinabi nila. Ubos ko na ang pansit na kinakain ko pero sila di pa kasi naman sermon dito sermon diyan ang ginawa nila sa akin. Tawa pa sila nang tawa nang pagkalakas-lakas. Tinakpan na ko lang ang mga tainga ko.
“Bakit di mo na lang kasi sagutin si Mr. Varsity, jackpot ka kaya don!”– sabi naman ni Jane. Tumango-tango naman ang chuwarewap kong mga kaibigan.
“Hindi kasi siya ang destiny ko, pwede ba? Tiyaka hindi niya napasa ang requirements na kailangan ko sa isang lalaki” - ako
‘Di ko talaga type yong mga nanliligaw sa sakin, sa katunayan nga ang daming nagkakandarapa sa kin (ahem!) at open naman ang parents ko sa mga ganito di ako pinagbabawalan kaya lang ayaw ko talaga dahil hinihintay ko pa ang destiny ko! Mahilig kasi akong gumawa-gawa ng signs kung ito ba talaga ang para sa kin. May nanligaw nga sa akin noong high school lahat ng signs na isinulat ko na kailangan magawa ng lalaki ay nagawa pwera lang ang last sign, kaya iyon nga naghihintay pa rin ako. -_-
“Alam niyo kaysa naman problemahin niyo ang love life ko bakit di niyo na lang gawin ang assignment niyo?” then I sipped my drink. “Alam ko di niyo pa nagagawa dahil sabay-sabay kayong nakipagdate sa mga jowa niyo”
Sabay-sabay kasi ang monthsary ng mga ito, di nga lang sila sabay-sabay na sumagot sa mga bf nila, plano talaga nila na kapag may natipuhan na ang isa ay kailangang sagutin niya sa date na kapareho ng isa iba nga lang ang month. Oh, di ba taray.
“Tapos na kaming nangopya” – proud na sabi ni Isabel. Aba't sila nangongopya lang samantalang ako naghirap doon! -_-
At nag-ring na ang bell, hudyat na iyon na kailangan naming pumasok sa klase obvious ba? haha. 5th floor pa ang aakyatin namin kasi sigurado namang punuuan ang elevator. Habang nasa hagdan kami paakyat may nakasabay kaming di pamilyar na estudyante. Emo style pero mukha namang gangster, di ko maintindihan ang itsura, he is wearing all black , in short he is weird. Napatingin lang ako dito, kinilabutan ako bigla. Kinalbit ako nito at napahinto naman ako sa paghakbang. I faced the guy and gave him a smile but the guy’s face was totally blank, no expression. ANo problema nito?
“Excuse me, there is a stain on your butt” tugon ng stranger na weird
“What?!” namula ako sa narinig ko. Sino ba namang hindi mamumula kung ang isang gwapong nilalang .. i mean isang weird na lalaking ito ay kanina pa nakatingin sa butt , alam niyo iyong feeling na yon? Bastos eh pero parang ay ewan.
“I mean, the back of your pants. Kanina ka pa pinagtitinginan, is that a catsup or blood?”. Naalala ko wala pa ko hanggang ngayon baka nga totoo, dali-dali akong napasandal sa pader. “Here, wear this” sinabit ng weirdong stranger ang sling bag nito sa akin at inayos patalikod, magaan lamang ito. Hindi ko alam ang gagawin nakatitig lamang siya sa kin, sa tansya ko magkabatch lang kami, buong Department ng Accountancy ay kilala ko kaya alam kong baguhan lamang ito. Paano ko nalaman? Basta sikat kasi ako, bakit ako sikat? I dont know and I dont care.
“Thank you” nakayuko lamang ako, di ko matignan ng deretso. Nauna ng umakyat ang tumulong sa akin at sumunod naman sa kanya. Grr kainis, bakit ngayon pa? At bakit lalaki pa ang nakakita tyaka nasaan na yong mga mokong na yon? Lagi na lang akong iniiwan ng mga kaibigan ko porke mahahaba legs nila naka teka bakit pinabitbit niya na lang ng basta- basta itong bag niya? Kapal! Teka maiinis ba ko sa kanya? Siya tumulong sa akin e.
Nakarating na rin kami sa 5th floor, oo, sabay kaming nakarating at pareho kami ng classroom, nakatayo lamang kami sa harap ng pintuan nakapasok na ang iba at nakaupo na ang mga kaibigan ko na nakatitig sa amin at nagbubulungan pa.
“My bag” napanganga lang ako sa kaniya. Nakatingin siya sa malayo.
“I’m still using it, wait me here ok? Punta lang ako sa C.R. doon lang oh” Nginuso ko ang direksyon kung saan ang C.R. Siyempre kailang ko pa ang bag niya noh. Sige nga kung kayo ang nasa sitwasyon ko siyempre gagawin niyo rin yon, i dont have a choice...
“You don’t need to go there” – sabi ng stranger, seryoso ang mukha
“Huh? But I have to, you know...” Tumawa ang lalaki, gwapo pala ito.
“So naniwala ka naman?” nakangiti ito ng nakakaloko.
F*ck!
As in sh*t!
“Ano?!” sabay tingin sa likod ko, wala nga. Hihirit pa sana ako at puputakan sana siya ng bonggang bongga ng biglang sumulpot ang instructor namin. Napapasok tuloy ako sa classroom. Pagkaupo pa lamang ay binulungan na ako ng katabi niya,
“Hanep ang kasama mo kanina ah, kanina ka pa pinagtitinginan ng mga classmate natin, ang swerte mo!” sabi ng seatmate kong si Tammy the chubby, obviously chubby siya
”Maswerte?! Hindi ah.. ang malas ko nga e.” Iritang iritang sabi ko
“Bakit? Hindi mo ba alam na-” naputol ang pag-uusap namim dahil sinita na kami ng instructor namin. Nasa 2nd row ako habang ang mga kaibigan ko naman ay nasa bandang likod dahil naka- alphabetical arrange ang seat plan namin. Hayss kainis parang highschool lang?
Pinakilala ng instructor namin ang bagong dating as usual di ako nabigla dahil kausap ko lang kanina ang sira ulo na lalaking ito. Bakit kaya iyong mga kaklase ko kinikilig? anong meron?
“You can sit beside Miss Baldueza” sabi ng instructor namin
“But sir, this seat is reserved for Ms. Abad” pagpupotistra ko. Ayoko siyang katabi, swear!
“Nagshift na si Miss Abad, remember” alam ko ang tungkol doon dahil kahapon ay nagpasama siya sa kin na pumunta sa instructors para magpapirma ng mga papers para makashift siya. Asar wala na akong palusot na pwedeng sabihin
“Hey, how’s your day?” ngumiti na naman ito ng nakakaloko
“Pagkatapos ng ginawa mo sa ‘kin? You’re asking me how’s my day, well Mr.? Who are you again?” pagtataray ko
“You are not listening are you?”
“EHEM!” ani ng instructor namin. Natahimik na lang ako at di siya nagsalita ng buong oras, buti na lang din at sa ilang subjects ko lang siya kaklase kasi kung buong class ko siya kasama hay naku! hindi ko alam.
*****************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Since Birth (under renovation) :)
Teen FictionPaano kung nainlove ka sa dalawang lalaking magkamukha? Ang isa ay body guard mo pero hindi ka nasasave masyado sa kanya dahil mas napapahamak ka pa, ang isa naman ay hindi mo bodyguard pero lagi kang sinasalba? At ang isa sa kanila ay nakatadhana t...