The hate is in the air

92 8 0
                                    

Chapter 4

“Talaga ginawa mo iyon?”tanong sa akin ni yaya Martha. Matagal ko na siyang yaya at para ko na ring nanay since busy si mom at dad sa work.

“Opo, nakakabigla nga noong bigla siyang umiyak kagabi eh, sa tingin niyo po bakit kaya?”

“Baka kasi natrauma siya dati” nasa kusina kami ngayon at nagluluto siya ng sinigang. Masarap ang sinigang niya promise!

“Yon nga po ang nasa isip ko eh, pero kasi ang nakapagtataka noong nagsorry siya sa kin dahil nga doon sa pangbabadtrip niya sa akin ay gusto niya raw akong protektahan, basta yon, ang labo niya”

“Hay ewan ko ang labo talaga minsan ang mga lalaking iyan. Tara luto na ito kain na tayo.” naghahain na siya nang pagkain namin nasa condo ko siya ngayon kasi miss niya daw ako hihi. Mula kasi nong humiwalay ako di na pinasama ni mommy si yaya sa akin kasi malaki na raw ako at ang inaalagaan na lang niya ay yong pogi at suplado kong kapatid.

“Ako na po” pagbukas ko si Angelo pala! shoot anong gagawin ko! Sinara ko ulit iyong pinto tapos inayos saglit ang sarili ko tyaka ko binuksan iyong pinto  "Hi! Anong ginagawa mo dito?”

“Binibisita ka, bawal ba? Sinong kasama mo?”

“Hindi naman, si Nanay Marta kasama ko, tara pasok ka” okay na okay nga eh! haha pinapasok ko siya. Ang bango niya!

“Andito ang mother mo?” - Angelo

“Wala yaya ko iyong si Nanay Marta, para ko na kasi siyang nanay kaya iyon ang tawag ko”

“I see,”nagpunta na kami sa kusina

“Ang bango ah” pumikit pa ito, ano ba yan kahit na nakapikit siya gwapo pa rin.

Ang gwapo mo talaga! Nakatitig lang ako sa kanya tapos dumilat siya at tumingin sa kin nagulat naman ako kaya nag-iba ako ng tingin nakakahiya nahuli niya akong nakatitig sa kanya,

“Hehe si nanay yang nagluto niyan, kumain ka na ba?”umiling ito sa akin nasa dining table na kami.

“Sakto hijo, saluhan mo na kami”nakangiting bungad ni yaya nito habang inihahanda ang mga kobyertos.

“Thank you po, by the way I bought a desert, I’ve heard that this is your favorite”nakatitig siya sa akin at alam niya talaga na ito ang favorite ko! Buko pandan!.

“Wow! Who told you?”kinuha ko ito at inumpisahan ng buksan. Hindi ko ito napansin kanina na dala niya busy kasi ako katititig sa kanya hahaha

“Danny”

“Danny? Who is he?”

“Daniel"natawa naman ako, si Daniella pala. Teka close na sila?

Nag-umpisa na kaming kumain nang may nagdoorbell na naman. Tumayo si nanay. “Ako na”

“Nadz! May isa ka pang bisita!” sigaw ni nanay.

“Sino kaya iyon mukhang madaming nakakaalala sa akin ngayon ah.”Tumayo ako upang i-approach kung sino mang bisita iyon. “Aby? What are you doing here?” gulat na gulat ako. Ano ba naman ito!!!

Napalingon si Angelo sa likod niya at napatayo na rin.

“Hey, what’s up?”ngumiti si Angelo sa kanya pero aba naman! Imbes na ngitian ang kambal niya sinungitan pa niya.

“Hijo tara makisalo ka na sa amin"yaya naman ni Nanay Marta sa kanya. Huhu say no emo!

Ngumiti lang ito kay nanay  “ Sge po," tyaka  tumingin sa akin si Nanay Martha naman bumalik na sa kusina which is also our dining area medyo maliit kasi ang condo ko.

My Boyfriend Since Birth (under renovation) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon