Date-aster

101 7 1
                                    

CHAPTER 5

“Ano ba Nadz, nahihilo na ako sa iyo, kanina ka pa ah, ano bang hinahanap mo?” tanong ni Nanay Martha sa akin kasi kanina pa ako halungkat nang halungkat ng gamit at panay din ang lakad ko

“ ’Yong diary ko po kasi eh, nawawala, ”

“Baka naman naiwan mo kung saan”

“Hindi ko nga po alam eh,” naiiyak na ako huhu

Ding-dong Dantes! I mean may nagdoorbell. Haha. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako kasi nakay Aby pala ang hinahanap ko, kinuha ko agad sa kanya, nakakainis.

“Binasa mo siguro ito no? anong nabasa mo?”

“Aba, aba, ‘di ka man lang magtethank you? Binuklat ko lang yan pero ‘di ko binasa kasi wala naman akong interes” nakapamulsa pa sya ang hangin talaga

Walang interes? Ibig sabihin ba wala siyang interes sa akin?! Wait nga lang my mind ano naman ngayon kung wala siyang interes?

“Bakit ako magtethank you, eh ikaw ang may kasalanan kaya nawala ko ito kung hindi mo ako kinulit eh, di hindi ito mawawala”

“Whoah! At ako pa ngayon ang may kasalanan? Sino ba naman kasing burara ang nakaiwan niyan? Di ba ikaw?” tapos tiningnan niya ako mula sa ulo hanggang paa. Ang creepy lang ha.

“Okay, ah ready to go for a date?”- Aby

Nakasuot kasi ako ng floral dress at nakadollshoes, tama siya may idedate ako ngayon

“Talaga” pagsasarhan ko na sana siya  ng pinto pero biglang hinarang ito ni Abby

“Hindi mo man lang ba ako papapasukin at pakakainin?” 

“Hindi, kulang ang pagkain eh, sorry, tiyaka para lang sa isang tao iyong pagkain para sa yaya ko lang iyon kakain kasi ako sa labas kasama si Angelo” tyaka nagbeep iyong cp ko

“What?!” huhu mangiyakngiyak na sabi ko habang basa-basa ang text ni Angelo

“Aha, mukhang hindi tuloy ah.” nakasilip pala ang mokong na to sa binabasa ko.“Sayang naman iyang ayos mo, yaya ni NBSB hiramin ko muna ang alaga niyo, tara” hindi na ako nakapalag nang bigla niya akong hilahin at ako naman parang wala din sa sariling nakasunod sa kanya

“Aray!” sambit ko kasi naman he was dragging me sa liit kong to hindi ako makakatakbo nang maayos.

“Sige pag hindi mo ako binitawan kakasuhan kita ng physical-” natahimik ako kasi bigla kaming pumasok sa elevator at ang mga babaeng katabi ko nakatingin sa amin. Ang haharot kala nila hindi ko pansin ang pagpipicture nila kay Aby at ang pag-irap sa akin. Kala mo naman tsk.

“Sorry ha?” Hindi ko siya pinansin nakakainis eh

“Baka kasi kumawala ka” hinawakan niya ang braso ko na hinawakan niya nang mahigpit kanina, hinaplos haplos pa niya ito, nakatitig lang ako sa kanya at hindi ako makapaniwala. Binawi ko naman kamay ko mula rito kasi ang awkward lalo na kung pinagtitinginan ko. Nang bumukas ang elevator ay hinawakan niya ang kamay ko, very gentle ang pagkakahawak niya sa kin, hinayaan ko lang na ganoon ewan feeling ko safe ako kapag ganoon. Nasa lobby na kami ng Condo building at nag-abang ng taxi, walang umiimik sa amin nang nakasakay kami di na rin siya nakahawak sa kin. Pagkababa namin, dumiretso kami sa isang restaurant na may pangalang “Starting Point”. Pati mga tao roon ay pinagtitinginan kami. Naghanap kami ng magandang pwesto at nang nakahanap na ay umupo na kami. Tinawag niya ang waitress para tingnan ang menu.

"Good evening Sir!" Halos mapilas na ang lips ng waitress sa pagkakangiti tsk. Kay Abby okay siya may pa-goodevening sir pang nalalaman pero sa akin ang cold niya kulang na lang sumayad ang nguso niya kapag ako ang tinatanong niya.

My Boyfriend Since Birth (under renovation) :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon