Abby's Pov
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Umaga na pala at mataas na ang araw. Teka nga bakit ba ako nakahiga dito sa lapag at sino itong. Naitulak ko siya.
"Hoy! Bakit magkatabi tayo? " tanong ko sa babaeng ito na naglalaway pa at pupungas pungas na bumangon.
"Ano ba?! Ang ingay mo eh kita mong napuyat ako kababantay sa iyo buong magdamag! " tyaka humiga ulit siya.
Ano ba ang nangyari kagabi?
Bumangon na ako at naghanda ng almusal parang ang bigat ng ulo ko.
Huhugasan ko na sana iyong bigas nang may pumukpok sa ulo ko.
Amazona talaga ang babaeng ito.
"Bakit ka nagluluto? Baka mabinat ka! Bumalik ka sa kwarto bilis! "
Tinulak tulak niya ako papasok ng kwarto.
"Ok naman ako -" di ko na natuloy kasi
"Ang tigas ng ulo! Sino ba amo mo dito? Di ba ako? "
Napakamot na lang ako ng ulo at tumuloy na sa kama.
Wait lang may sakit ako? Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko. Eh siya kaya ok na? Ah kaya pala sa side table ay may palanggana at bimpo. Pero bakit sa sahig kami natulog ang pagkakaalam ko sa kama kami.
Mga ilang minuto rin ay naluto na ang breakfast. May alam din pala ito na gawin eh.
"Bakit mo pa inihain dito sa kama? Pwede namang sa kusina na lang ako kumain."
Hindi niya ako pinapansin.
"Say ahhh" sinusubuan niya ako. Para talaga itong sira.
"Ang tigas talaga ng ulo mo ano? Ah sabi eh.. Sige na wag na maarte"
Sa pimimilit niya ay napapayag niya ako.
Nakatingin ako ngayon sa kanya habang hinihiwa naman niya iyong apples.
Napapangiti ako habang pinagmamasdan siya.
Napakathoughtful pala niya. At sa hinaba haba ng panahon ng existence ko sa mundong ito ngayon lang ulit ako nakatikim ng pag-aalaga na dati ay sa yaya ko lang nararanasan.
"Anong ngingiti ngiti mo? " tanong niya.
"Hmmm wala" iniwas ko ang tingin sa kanya.
Awkward. Bakit ko ba nararamdaman ito. I feel uneasy when I'm with her.
To break the silence I asked her "So ok ka na ba? "
"Hmmm yap pag first day lang ako nagkakaganito"
Niligpit niya ang pinagkainan namin at naligo na siya.
Umaayos na ang pakiramdam ko.
"Abby! " napabangon ako nang marinig ko ang boses niya at paglabas ko may tatlong lalaki ang nadatnan kong hawak siya sa braso.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Since Birth (under renovation) :)
Ficção AdolescentePaano kung nainlove ka sa dalawang lalaking magkamukha? Ang isa ay body guard mo pero hindi ka nasasave masyado sa kanya dahil mas napapahamak ka pa, ang isa naman ay hindi mo bodyguard pero lagi kang sinasalba? At ang isa sa kanila ay nakatadhana t...