CHAPTER 3
[Condo building]
Nasa elevator ako. Bumukas ang elevator at lumabas na ang iba pang nakasakay. Sumara ulit ito at I started to sing
“Happy Shalala it’s so nice to be-”
“Inspired?”
Napatili ako sa narinig ko. Dahil ang alam ko ay ako lang ang natira sa elevator. Napapikit ako at nagsign of the cross “You are not real, ghosts are not real,”
“Hahahahaha well, I am real!” ani ng nagmamay-ari ng boses nito. “Awooooo Ms. NBSB--- ahhahahahahahhhahaa” ang lakas ng tawa nito. Nakakalokang multo may gana pang tumawa. Huhu I'm scared na talaga!
Wait nga lang multo? tumatawa? Lumingon ako nang dahan-dahan sa may ari ng boses na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin.
“How dare you!”patuloy pa rin ang paghampas ko sa kanya. Nakakahighblood! “Kahit kailan talagang emotot ka!”
“Aray tama na!!!”hinawakan niya ako sa braso at na out of balance pa kami, kaya iyon booom napasandal na lang siya sa wall ng elevator na sapo-sapo ang baywang ko habang ako naman ay napakapit sa leeg nya. Shoot we're so closed! Isang ihip na lang ng hangin magkakadikit na lips namin. TING! sabi nong elevator bumukas ito at sakto namang may nag-aabang sa labas. Tinakpan nong nanay yong mata ng anak niya kasi naman para talaga kaming nagmemake-out! Geez. Itinulak ko siya at lumabas na sa elevator I can feel my cheeks burning. Nakakahiya!
Abat nakasunod pa talaga sa kin ah!
“Why are you following me?”
“I’m not following you”
Hinarap ko nga. “Eh, bakit ka andito tiyaka noong lumabas ako ng elevator bakit lumabas ka din? Di ba mayroon naman kayong bahay dito sa Ayala?!?”
“Sinong nagsabi sa iyo na nakatira ako doon?” tumaas ang kilay nito hindi lang nahalata masyado kasi natatakpan ng buhok niya. Emo kasi, hanggang ngayon nakikiuso pa eh mohawk na uso.
Then a thought snapped on my brain cells.
“So, dito ka nakatira?”
“Obvious ba?”
Dumeretso na ito sa unit niya. Magkatabi lang pala kami ng condo unit. For real?!
“Don’t tell me you are my new neighbour?”
“Naubusan na kasi ako ng unit pero huwag kang mag-alala di kita mumultuhin Ms. NBSB” kinindatan pa niya ako tyaka pumasok sa loob. The nerve!
“Ang kapal talaga ng mukha niya!!! Eishhh”
************************************************************************************************************
[Kennedy’s/Aby unit]
Dingdong.................dingdong
“Ano ba yan? Ang aga-aga may nambubulabog na! Sandali!” napatayo ako sa kama at nagpunta ng banyo para magmumog. SIyempre baka mahimatay iyong nagdoorbell pag naamoy hininga ko. Joke! Nang buksan ko ang pinto bumungad sa akin si Lizza Rodriguez ang aking bestfriend na gusto kong maging girlfriend hihi.
“Good Morning!” she smiled at me. That smile, hay shoot nakakabakla naman oh. Pumasok na ito sa loob. “May pasalubong ako sa iyo oh.” Inangat nito ang dala niyang supot ng pandesal. Thoughtful talaga
“Ang aga mo ah, anong meron?” pumunta na ako sa dinning table at inumpisahang kunin ang pandesal. Nakatitig lamang ako sa kanya habang pinagtitimpla niya ako ng kape. Parang mag-asawa lang eh
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Since Birth (under renovation) :)
Teen FictionPaano kung nainlove ka sa dalawang lalaking magkamukha? Ang isa ay body guard mo pero hindi ka nasasave masyado sa kanya dahil mas napapahamak ka pa, ang isa naman ay hindi mo bodyguard pero lagi kang sinasalba? At ang isa sa kanila ay nakatadhana t...