"Hindi masayang habang buhay na maghintay sa bagay na walang kasiguruhan."
------"Bakit kung kelan wala na siya atsaka ko lang maiisip na mahal ko siya." Tinaasan ko ng kilay ang kaibigan ko.
"Hindi mo aayusin tong story mo?Ayusin mo to." Sabi ko sa kanya. Sinu bang matutuwa sa ganung ending?
"Ano ba naman to si Rhian, kumalma ka nga." Sagot niya sakin. Hindi nga kasi, hindi nga kasi pwede.
"Ayusin mo to, hindi kita pauuwiin ng buhay." Biro ko at tumawa naman kami. Nilubayan ko siya at itinuon ang sarili ko sa pagfa-facebook.
Scroll ..
Scroll ..
Scroll ..
Nasa Cebu siya ngayon? Dun nga pala siya nag-aaral. Dalawang taon nadin pala, dalawang taon na kaming walang kasiguruhan sa kung ano na ba talaga kami. M.U.? Malanding ugnayan o mutual understanding.
Natawa ko sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko, Malapit na, malapit na siyang bumalik sa pinanggalingan niya.
"Hi?"
"Hello."
"Kamusta na?"
"Ayos lang."
Hanggang sa tuluy-tuloy na ang chat namin. Nakakamiss din pala. Nakakamiss din palang kausap siya, andami din naman kasi naming ginagawa, masyadong busy. Hindi naman mawawala na may mga pagkakataon na kailangan munang makalimot dahil sa maraming bagay diba?
Kung malalaman to ni Papa, siguradong lagot na.
"Nay? Naaaaayyyyy! Ibalik niyo pa yung kaluluwa ni nanay sa katawan niya" Natawa ako sa kalokohan ng isang kaibigan at anak-anakan ko. Masyado na palang malayo ang narating ng isip ko.
"Hayaan mo yan si Rhian, iniisip niya pa si ano." Sagot naman ng bestfriend ko at tinitigan nila ko ng nakakaloko.
"Tapusin mo na yan story mo, ayoko niyan. Ang pangit ng ending." Sagot ko at nanahimik na muna sa tabi.
Kung tutuusin dapat kong ipagpasalamat sa bestfriend ko kung pano kami nagkakilala, kundi dahil sa kanya hindi magtatagpo ang landas namin. Dapat nga ba kong magpasalamat o dapat ko siyang ibigti? kasi hindi naman na ganun kaganda ang pagtatagpo namin ngayon.
Matagal narin, matagal narin akong naghihintay para malaman kung ano nga ba talaga kami. Naghihintay na sa kanya manggaling na may 'kami'. Pathetic ba? Ambisyosa? Ilusyunada? Nevermind. Mahirap ma stock sa isang relasyon na walang kasiguruhan. Mahirap.
Nagbalik tanaw ako sa mga bagay na nangyari, napaisip lang ako. Kung wala kayang siya magkakaroon ng kami? Kung di siya dumating sa buhay ko dalawang taon na ang nakararaan magiging ganito kaya ko? Matututo kaya kong maghintay.
"Iniisip niya nanaman si ano. WALANG POREBER." Sabi ng anak anakan kong abnormal. "Hindi ko siya iniisip, wala kong paki sa kanya." Sagot ko pero alam naman nating di yun totoo.
"Nag move on nako." pabulong kong sabi. "Ay naging kayo? award, pak na pak pala this girl. Sayo na ang crown nay." Natatawang sagot niya at umaktong ipinapasa sakin ang invisible na korona. Kapag di ako nakapagpigil dito gigilitan ko mg leeg to.
Wala namang masama kung iisipin ko siya diba? Panira lang talaga sila ng moment. Wala lang talaga silang magawang matino.
Hindi ko maiwasang maging masaya habang naalala ko ang mg bagay na pinagdaan namin, marami naman talagang nangyayari sa dalawang taon diba? Yung mga masasayang ala-ala, yung malungkot pero nalalagpasan din naman.
Hindi ko namalayang napapangiti nalang pala ako sa mga bagay na naaalala ko. Nakakatuwa naman kasi talaga, nakakatuwang magbalik tanaw sa mga bagay na pinagdaan namin. Yung mga problema na kinukwento niya sakin at ganun din ako sa kanya.
Hindi naman kasi lahat nabibigyan ng pagkakataon na magkaramdam ng ganito ka espesyal na bagay. Yung iba kasi tinitake for granted lang. Hindi pinahahalagahan. Natuto narin akong magdaydream, Hay nako. Ang hirap din pala ng ganito.
"Kinakain na ni nanay yung mga sinabi niya kanina. Tuwang-tuwa siya oh, ang sarap ipasundo sa mental at ipadala sa mandaluyong." Tumaas naman ang kilay ko sa narinig ko at tinawanan lang nila ko. "Hayaan mo na yan si Rhian, hayaan mo siyang mabaliw." Sagot ng bestfriend ko. Kung di kolang kaibigan ang dalawang to, ibinitin ko na sila sa puno.
"Shut up na nga ko. Kakainin nako ni nanay ng buo." Nagtawanan nanaman silang dalawa. Mga baliw talaga.
Binalewala ko nalang sila hanggang sa may isang post na nahagip yung mata ko. Post ng girlfriend ng lalaking mahal ko. Girlfriend? Oo, kaya nga hindi ko alam kung may label ba kami. Hindi ko alam kung totoo ba yung kung anu mang meron samin.
Nawala ang ngiti ko at napalitan ng inis at sakit. Hindi ko alam kung anong iisipin ko, ang gulo ng utak ko. Nakakatawa no?
Ramdam kong pinariringgan ako sa post na to. Kung iisipin matagal na dapat silang wala pero ayaw lang bumitaw sa kanya ng babaeng to. Kelan kaya siya mapapagod? Kelan siya titigil sa paninisi ng iba dahil sa nagihing treatment sa kanya?
Aminado naman siyang siya ang unang nagloko, siya yung unang hindi nakuntento. Hindi ko kasalanan na umekstra sa buhay nila kung kelan nagkakalabuan na ang relasyon nila. Siya nalang naman yung hinihintay naming bumitaw.
Mukhang hindi pa siya napapagod at wala siyang balak mapagod, bawat letra ng post nato ay nagsisilbing bala na tumatama sa utak at sa puso ko. Siguro kung bala nga ito ay patay nako ngayon.
Heto nanaman ako at nagbabalik tanaw sa bagay na hindi ko alam kung tama pa ba. Kelan kaya ako magiging masaya? Yung permanente, yung walang extra. Yung saya na hanggang mamaya nandyan pa hindi yung saya na bigla nalang mawawala.
Sabi nga nila, lahat ng bagay may kapalit. Mali ba talagang magmahal? o sa maling tao lang talaga bumukas yung mata ng puso ko? Hindi ko narin kilala ang sarili ko.
Mahirap din palang maghintay sa mga na bagay-bagay at pati narin sa taong hindi mo alam kung may plano ba talaga sa inyo.
"Ayoko na" sabi ko sa sarili ko. Ayoko nang maghintay, ayoko nang maghintay sa wala.
Siguro nga, oras na para magmove on. Oras na para ipagpatuloy yung buhay ko na hindi naghihintay sa kanya.
Mahirap palang maging masaya.
YOU ARE READING
Ang Blog Ni Gams
Short StoryAng blog ni Gams, Ano nga bang nilalaman ng blog ni Gams? Ano nga bang dadamin ang nakapaloob sa bawat titik na isinusulat niya at ng kwentong inilalathala niya? Karapat-dapat nga kaya siya sa posisiyong ninanais niya?