Chapter 3: "Tama na."

7 0 0
                                    


"Sa buhay, dapat alam mo kung kelan ka lalaban at kung kelan ka susuko."
-------

"Carlo, Bakit ngayon kalang?" Napalingon ako sa tabi ko. Hindi ko namalayang katabi ko na pala ang teacher ko. Lumingon ako sa may pinto at nakita ko ang kaklase kong si Carlo na papasok ng silid.

Agad kong ibinalik ang tingin ko sa cellphone ko, Nagreply na siya, Makalipas ang labing pitong oras. Nagreply din siya, "Goodmorning." Tanging reply niya pero di mawawalang napangiti ako ng labis.

Ang sabi nila ay hindi totoo ang mga sinasabi niya. Sino nga bang maniniwalang totoo siya kung sa isang mundo sa loob ng computer lang kami nagkakilala. Sa facebook.

"Mahal kita Dashel." Ang tibok ng puso ko, hindi maipagkakailang sobrang bilis nito. Sa sobrang bilis ay sinigurado ko nang ilalaan ko ang buong buhay kong kasama siya.

Tayo lang diba? Tanong ko sa isip ko, pinlano ko na ang buhay kong kasama siya. Pinlano ko naring pumunta sa Baguio kung san siya nakatira, pati narin ang magiging anak namin. Nakakatuwang isipin diba? Sinong magaakalang mababaliw pala ko sa kanya.

Gwapo? Tsek. Matalino? accelerated siya bes. Tsek na tsek. May dugong german. Sabi nila walang permanenteng relasyon sa virtual world pero carry lang. Masaya naman ako, kuntento ako sa kung anong meron kami.

Kuntento ako sa atensyong pinupunan niya, sa atensyong binibigay niya sakin. Kuntento ako, kuntentong kuntento ako sa kanya at sa relasyon namin.

Sabi nga nila, live your life to the fullest. Siguro eto na yung panahon para maging masaya ako, para isipin ko naman yung bagay na magpapasaya sakin. Oras na para isaalang-alang ko naman yung sarili ko.

"Alam moba kung anong ginawa mo sakin? Tinawag mo pa kong ate." Para kong sinampal sa narinig ko, nakalimutan ko. Nakalimutang naging sila, hindi dapat--- pero diba dapat maging masaya naman ako.

"Hindi kita dapat hinayaang pumasok sa buhay ko, di ako dapat pumayag na mapalapit sayo." Hindi ako kumibo, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya. Guilty, yun yung nararamdaman ko.

"Kalimutan mo na ko." Para kong binuhusan ng tubig ng bigla siyang tumayo at akmang aalis. Hinawakan ko ang braso niya at pinigilan ang pagtulo ng luha ko. "I told you, let me heal you. I'm sorry ate. I'm sorry." Yun nalang yung tanging lumabas sa bibig ko.

"Why would I? Ikaw na yung dahilan kung bakit ko gustong mawala sa mundong to." Huminga siya ng malalim, nanginginig na ang buong katawan ko. "Sana di mo nalang ako pinigilan nung gusto ko nang mamatay." Dagdag niya at tuluyan ng umalis.

Naiwan akong tulala sa isang sulok, nawalan nanaman ako ng isa sa mga mahahalagang tauhan sa buhay ko. Nawalan ako ng bestfriend, ng ate, ng kaibigan. Dapat ko parin bang isipin kung anong magpapasaya sakin?

Pinunasan ko ang mga luha ko mg makita ko ang chat niya. "Hi" kusang ngumiti ang mga labi ko. "Kamusta? Kumain kana ba?" Tanong niya, "Oo, ikaw ba?" Tanong ko, pinawi niya lahat ng sakit.

Gusto kong tapusin kung anong meron kami, pero desidido nako, desidido nakong piliin yung kaligayahan ko. Yung magpapasaya sakin, tama na siguro yung pagiging ano ko.

Huminga ako ng malalim at nagsimula nang maglakad, ano nga bang pwede kong gawin? Tinignan ko kung may reply na siya. Ngunit wala, mawawala nanaman ba siya? Maghihintay nanaman ako.

Mabilis na lumipas ang oras at wala paring reply galing sa kanya. Walang paramdam, lahat wala.

Isang linggo na ang lumipas pero wala parin. Isang text lang na magiging busy siya, ano nga namang magagawa ko? Accelerated siya, natural lang na lagi siyang busy sa mga bagay-bagay.

Hindi ko nakakalimutang magchat sa kanya para ipaalala ang mga bagay. Para ipaalalang wag niyang kakalimutang kumain, wag siyang magpapagod at kung ano-ano pa. Ganun ko siya kamahal ee.

Isang post ...

Isang post ang gumulantang sa mundo ko. Isang post na nakatag sa kanya. "Happy 3rd Monthsarry." Third monthsarry, dalawang buwan na pala kaming naglolokohan.

Akala ko ba iniwan niya na siya, Oo nga pala. Suicidal siya, hindi niya siya kayang iwan dahil sa sitwasyon niya. Sa diko mabilang na pagkakataon, rumagasa nanaman na tila tsunaming humahalik sa lupa ang mga luha ko.

Hanggang kelan? Hanggang kelan ako aasang wala nang sila? Hanggang kelan ako aasang tatapusin niya ang mga bagay-bagay tungkol sa kanila? Hanggang kelan ako maghihintay?

Ako naman yung sinasabi niyang mahal niya diba? Bakit di niya siya magawang iwan para sakin? Yun ba ay dahil sa sitwasyon ng babaeng yun? O ako talaga ang nagsisilbing puppet na pupuno sa mga pagkukulang niya?

Napasulyap nanaman ako sa mga bagay na napag usapan namin. Siguro nga, totoong ako ang mahal niya. Siguro hindi lang siya makawala sa tanikala ng babaeng yun. Siguro nga kailangan ko lang talagang magtiwala sa kanya.

Ito naman yung gusto ko diba? Ang maging masaya. Sadyang may kapalit lang ang mga bagay, pagsubok lang to. Pagsubok lang kung gaano ako o kami katatag, pagsubok para malaman kung gano namin kamahal ang isa't-isa.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko, umiyak nanaman ako. Nakakatuwang isipin. "Kakayanin koto." sabi ko sa hangin na umaktong walang nangyari.

Nagpatuloy ang mga bagay, ganun parin. Nawawala siya, Matalino siya okay? Kaya kailangan nitang tutukan ang pag-aaral niya, para samin. Para sa kinabukasan niya, kailangan niyang magsikap para magkaroon ng magandang kapalaran sa hinaharap.

Napangiti ako sa mga usapan namin, binabasa ko ito tuwing namimiss ko siya. At bawat minuto ng buhay ko, yun yung nararamdaman ko. Bawat oras na dumadaan kulang pag wala siya.

Nahagip ng mata ko si ate, tama parin ba? Nawalan ako ng kaibigan. Nawalan ako ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ng dahil sa kanya, ng dahil sa taong di ako siguradong mahal ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Muli, pumatak ang mga luha ko at ito na ang huling papatak ito ng dahil sa kanya. "Ayoko na, tama na." Chat ko sa kanya at dun ko nga tinapos ang katangahan ko.

Nabulag ako na ito ang magpapasaya sakin, ngunit hindi. Mali pala ang akala ko. Maling-mali.

Ang Blog Ni GamsWhere stories live. Discover now