"Yung bagay na inakala mong tatagal, pansamantala lang pala."
------"Oy ikaw naman." Binalik ako sa wisyo ko ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko.
"VICKY, TAPOS NA SILA IKAW NAMAN, KAILANGAN NAMING MALAMAN KUNG GANO KASAKLAP LABSTORY MO KASI NGA WALANG FOREVER." Kumurap ako ng ilang beses atsaka tumawa ng malakas kasabay ng mga kaklase ko.
Ako na pala ang susunod, ikukwento ba kita? O mananahimik nalang ako dahil isa ka sa mga pangit na pahina sa buhay ko.
"Ganito kasi yun, itago natin siya sa pangalang siya." Panimula ko.
"ANONG SIYA!? PANGALAN ABA." Ang babaeng hindi marunong kumalma.
Dumating na ang teacher na hinihintay namin, dalawang oras narin pala kaming naghihintay para sa kanya.
Ngunit di ko inaasahan na kasama niya 'siya'. Kung sabagay, hindi dapat parehong kurso ang kinuha natibg dalawa. Maling-mali.
Hindi ko maiwasang mapangiwi ng makita ko siya, bumabalik ang mga ala-ala na dapat ay matagal nang binaon sa limot, pinaliit niya ang mundong ginagalawan, sumikip din ang mundong to para saming dalawa.
Dapat hindi ako nagtiwala sa kaibigan, hindi dahil kung alam ko lang na masasaktan ako sayo sa bandang huli hindi na kita kinausap.
"Hi?Ikaw si Vicky diba?"
"Sino to?"
"Ako yung kasama ni ano kanina, okay lang ba kung makipagkaibigan ako sayo?"
Diyan nagsimula ang lahat-lahat. Nagsimula sa kalokohang hindi ko dapat pinahintulutan.
"Vic?" Nilingon ko ang kaklase ko at nginitian siya at sumenyas na ayos lang ako. Hindi ko sinasadyang tumingin sa kanya at nagtama ang mga tingin namin.
Masakit parin pala, masakit parin sakin ang makita ka. Matapos ng lahat ng bagay na iniwan mo sa isip ko.
Magiisang taon na pero mahirap. Mahirap lalo na pag nasanay ka sa mga bagay na meron kayo dati.
Bawat text at tawag mo sakin ay napakahalaga, yung limang oras sa telepono, yung walang katapusang 'kamusta araw mo?', 'kumain ka naba?', 'goodmorning.', 'goodnight'. at marami pang iba.
Hindi ko inakalang isususmpa ko pala ang bawat salitang yan. Kahit minsan hindi ko inintindi yung sinasabi nilang walang poreber at bente tres.
"Okay ma'am, thank you po." Sabay sabay naming sabi kahit na lumilipad ang isip ko. Hindi ko maiwasang bumalik sa mga panahong meron pang tayo, hindi lang ikaw at ako.
"Vicky." Lumingon ako, sabi ko na nga ba at iyon yung boses na matagal kong hinintay na marinig.
"Kamusta?" Dagdag mo at tila naiilang ka pa. Ngumiti lang ako at akmang sasagot ng biglang may yumakap sayo. Maganda siya, mukhang nasa kanya yung mga katangiang hindi ipinagkaloob sa isang tulad ko.
Tumango nalang ako sayo at naglakad nang palayo dala ang milyun-milyong bato sa puso ko. Hindi ko na naiwasan ang pumatak na nga ang mga luha ko. Napaupo nalang ako sa isang sulok yakap ang mga binti ko.
"Hindi naman mahirap maghintay, ikaw ba? mahihintay mo ba ko?"
"Dun nalang din kaya ko pumasok sa school na papasukan mo? iisang course lang naman kukunin natin ee."
"Gusto ko sa pagdaan ng panahon, tayo parin yung magkasama. Walang magbabago."
Totoong laging nasa huli yung pagsisisi, bigla ka nalang nawala habang ako naman patuloy na naghintay. Pinatunayan mong nakakalipad ang tao, iniwan moko sa ere.
Gusto kong magalit sayo pero alam kong may mali rin ako. Gustung-gusto kitang sabunutan sa harap ng bago mo pero hindi ko magawa.
Sana kahit simpleng 'tapusin na natin to.' sinabi mo, sana di moko pinaasa, sana hindi mo na sinimulan kung di mo pala kayang panindigan.
Alam mong takot ako diba? Takot akong magaya sa kanila pero pinagkaloob ko parin yung puso ko sayo. Binigay ko sayo ng buong-buo at nagkamali ako.
Buti nalang at wala nang tao dahil kanina pa ang uwian. Hindi parin humihinto ang mga luha ko, kasabay ang sakit na isang taon ko nang iniinda.
Ayokong makikita siya, ayokong malapit siya, ayokong nakatingin siya kabaligtaran ng dati na gusto ko bawat segundo ng buhay ko andyan siya.
Sabi mo maghihintay ka, pero hindi. Napagod ka agad at nawala na parang bula, walang pasabi, walang warning, walang kahit na ano.
Masakit palang magkaroon ng kapalit, mahirap palang huminga kapag kasama yung taong nakasakit sayo ng sobra, nakakamanhid pala kapag nasa paligid lang siya. Para kang may nakakahawang cancer na ayaw mong nakahawa sa iba kaya iiwas ka.
Lahat talaga ng bagay may kapalit, lahat ng bagay may katapusan, wala ng siguro talagang forever. Isa lang yung kahibangan ng tao, bakit ba kasi tayo naiinlove kung kailangan din nating masaktan sa huli?
Agad kong inayos ang sarili ko at naglakad narin palabas ng campus. Kapag sinuswerte ka nga naman, nandun siya sa kabilang kanto kasama yung bago niya. Ang saya-saya mong tignan, naramdaman mo rin kaya yan nung tayo pa yung magkasama? Naging masaya ka kaya sakin kahit konti?
Wala akong karapatang masaktan, nanligaw kalang. Nanligaw ka ng limang buwan at nawala kana.
Umasa ako, umasa ako na totoo lahat. Mahilig kayong mangako pero laging napapako, mahilig magdrawing pero mahirap magkulay.
Yung bawat hatid at sundo, siguro nga hindi totoo yung nararamdaman mo para sakin, kasinungalingan lang ang lahat.
Panu mo nagagawang umarte na parang walang nangyari, yung parang ayos lang lahat satin, walang nakaraan na naganap, pano mo nagagawang ngumiti tuwing nagkakasalubong tayo? Pano mo nagagawang maging okay samantalang ako hanggang ngayon umiiyak parin pag naaalala yung mga salitang binitawan mo, yung mga bagay na nagawa mo.
Siguro dapat ko na ring ipagpasalamat na naging part ka ng magulo kong mundo, na naranasan kong umibig at ibigin. Dapat na kitang kalimutan, dapat ay maging masya rin ako sa buhay.
Atleast may natutunan ako, natutunan kong mas pahalagahan yung mga tao sa paligid ko.
At natutunan kong may mga taong tulad mo.
Mga taong ...
Pansamantala lang ...
YOU ARE READING
Ang Blog Ni Gams
NouvellesAng blog ni Gams, Ano nga bang nilalaman ng blog ni Gams? Ano nga bang dadamin ang nakapaloob sa bawat titik na isinusulat niya at ng kwentong inilalathala niya? Karapat-dapat nga kaya siya sa posisiyong ninanais niya?