Chapter 2: "Sana."

6 0 0
                                    

"Hindi tanga ang taong naghihintay sa taong mahal nila, sadyang marunong lang sila magpahalaga sa mga taong hindi alam ang halaga nila."

-----

"Hindi" Maikling sagot sa tanong ko, kakamulat palang ng mata ko ng makita ko ang maikling reply nato. "Tanga siya, di niya kayang maghintay." reply ko.

Lunes na pala ngayon, may pasok na. Agad-agad akong bumangon sa kama ko ng mapansin kong may nahulog sa kabinet ko.

Panyo, ang panyo niya na iningatan ko mula pagkabata. Mali bang hanggang ngayon hinihintay ko parin siya? Mali bang hanggang ngayon ay nagpapakatanga parin ako sa kanya?

Hinanda ko na ang bihisan ko at agad pumasok sa banyo, ang lamig ng tubig. Ipinikit ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga ngiti niya, mga panahong magkasama kami, mga panahong hindi siya ganun kalayo sakin.

Hindi kagaya ngayon. Malayo siya, malayong malayo. Sana, natatandaan niya parin ang mga pinagsamahan namin. Childhood sweethearts. Minsan, nakakainis ang mga lalaking di marunong maghintay.

Mga malalaking duwag. Mga walang maipagmamalaki, pano nila nasasabing mahal nila ang isang tao kung di nila kayang maghintay? Ako kaya, kelan ako mapapagod maghintay sana may hinihintay parin ako.

Minsan, naiisip ko ng tumigil. Hindi dahil sa pagod nako kundi dahil sa nawawalan nako ng pag-asa, pag-asang may dapat pakong hintayin. Pag-asang baka bukas, makamit ko na ang isa sa mga bagay na hinahangad kong labis.

Agad kong sinukbit ang bag ko at nagsimulang maglakad papasok sa paaralan. Iniisip niya rin kaya ako? Ano na kayang ginagawa niya sa oras nato? Marahil ay natutulog pa siya.

Ang lamig ng hanging dumadampi sa balat ko, ramdam ko ang bawat paghampas nito na tila hindi alintana ang madilim na daan.

"Carlo, mahihintay mo ba ko?" Heto nanaman ang mga katagang paulit-ulit na umiikot sa isip ko. "Huh? Aalis kaba?" Nagtatangkang tanong ng batang ako. Ano nga bang malay ko? Hindi ko alam na ganito pala katagal.

Kung iisipin, swerte ang mapapangasawa niya, nasa kanya na ang lahat. Wala kanang hahanapin pa. Maganda, matalino at mabait na tunay. Nanabik nakong makita siyang muli at sana'y wala paring nagbabago.

Minsan, sumasagi sa isip ko kung naaalala niya pa yung mga ala-alang meron kami dati. Kamusta na kaya siya? Sila?

Napadaan ako sa isang playground at doon, ibinalik ako sa panahong yun. Panahong kailangan naming maghiwalay, panahong tinangay na ng hangin at nagsilbing eroplanong papel.

Ang panyo, panyong ibinigay niya kaya hanggang ngayon pinanghahawakan ko parin ang sinabi kong maghihintay ako. Maghihintay ako kahit malipasan pako ng panahon, maghihintay ako hangga't may araw na sumisikat at may bagong umagang dumarating, maghihintay ako.

Napahinto ako ng mamalayan kong naglakad pala ako palapit sa isang swing, ano nga bang kakiba sa araw nato? Marahil ay dahil ito sa usapan namin ng isang kaibigan ko kagabi. Paano nga bang mula sa MMK ay napunta na sa iba ang usapang iyon?

Marahil ay-- hindi ko talaga kayang kalimutan siya at hindi ko kayang hindi tuparin ang mga katagang binitiwan ko. Sariwa, nanatiling sariwa ang mga ala-ala na tila kanina lang ito naganap.

Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng malalim na paghinga, ano na kayang itsura mo ngayon? May nagbago kaya? Marahi ay mas maganda kana ngayon. May boyfriend kana kaya? Nakalimutan mo na ba ako?

Nakalimutan, pang ilang tanong naba ito mula pa kaninang paggising ko? Marahil pag nagkita tayo ay ibang-iba kana. Ilang taon na nga ba ang lumipas? Matagal na panahon narin pala talaga.

Ganun parin ang mabilis na pagtibok ng puso ko tuwing naiisip ko ang pangalan niya, ang mga ngiti niyang bumubuo ng araw ko. Ramdam ko parin ang mga paru-parong lumilipad sa loob ng tiyan ko.

"Oy! Hindi ka parin nagbabago. tumayo kana diyan." Ang boses na yun? Posible ba? Iminulat ko ang mga mata ko, hindi ako maaaring magkamali.

Nagbalik siya, "Kelan kapa umuwi?" Tanong ko sa kanya ng makabawi ako sa pagkagulat na nandito na siya, siyang siya. Ang mga mata niya, walang nagbago. Hindi ko maiwasang mapangiti, nandito na nga siya.

"Nakikinig kaba?" Tila ibinalik ng tadhana ang kaluluwa ko sa katawan ko. "Kamusta na?" Ang tanging bagay na lumabas sa bibig ko, kung kaninang inuusal ko ang pangalan niya ay mabilis na ang pagtibok ng puso ko, mas mabilis ito ngayon.

Mukhang may nagsimula ng dragrace sa loob ng dibdib ko. Ang makita siya, marahil ay malapit nakong mamatay o patay nako at langit ito. Ngunit hindi, ito parin ang playground na malapit sa bahay namin.

"Oy, Carlo. Kanina kapa di nakikinig sa mga kwento ko" usal niya at naupo sa swing sa tabi ko. "Ikaw? Kamusta ka naman na? Ang laki mo na." Tila mapang-asar na sabi niya. Malaki na nga ako kung titignan, malapad narin ang katawan ko.

Napangiti nalang ako habang kinukwento niya ang mga nangyari sa kanya mula nung umalis siya, ang bagay na di ko inaasahang mangyayari pala. Ang makausap siyang muli, ang makita siyang ganito kasaya.

Sana'y di nato magtapos, sana'y hindi na siya umalis ulit. "Hinintay kita, hinintay ko ang pagbabalik mo." Nakangiting sabi ko, namumula ang mga pisngi niya at tila alam niya na ang ibig kong iparating. "Sa loob ng mga taong lumipas, hinintay ko ang pagbabalik mo." Pagtutuloy ko.

"Wag ka nang mawawala, baka di ko na kayaning maghintay pa." Tumingun ako sa mga mata niya, "Alam moba? Mahal kita." Bakas sa mga mata niya ng pagkagulat sa mga salitang binitiwan ko.

"Hoy Carlo, late kana sa klase mo." Naramdaman ko ang kirot ng ulo ko, "Ikaw talagang bata ka, dito ka pa talaga natulog." Ang nanay ko, panaginip lang pala ang lahat. Panaginip lang, gawa lang ng mapaglaro kong isip.

Sana naging totoo nalang, sana nga ay nandito kana,

Sana ...

Sana ...

Sana pag dumating ang araw nayun.

Sana kaya kong hawakan ang mga kamay mo at tumitig sa mga mata mo.

Sana kaya ko paring bitawan ang mga katagang ...

"Mahal kita."

Ang Blog Ni GamsWhere stories live. Discover now