"May mga bagay na hindi pinahihintulutan ng tadhana, hindi dahil ayaw nito sayo pero dahil alam nitong makakasakit ka sa iba."
--------------"Siya ba?" Tanong sakin ng kachat ko. Siya nga ba? Syempre, hindi siya ang tinutukoy ko. Pano na nga ba kami napunta sa usaping to? Hindi ba dapat ay tungkol sa libro ang usapan namin.
Huminga ko ng malalim habang iniisip kung anong ire-reply ko pero,-- Biglang sumulpot sa isip ko kung ano nga ba,paano ko nga ba siya nakilala? Ang alam kolang ay kaklase ko siya pero wala naman akong pakielam sa kanya o sa kanila.Ngayon taon, ito ang pinakabago, nakakatuwang isipin.
"Ate." Napalingon ako sa kakambal ko, Bakit ate? kasi mas matanda ako, gagawin paba nating kumplikado? pwede rin naman pero magsasayang lang tayo ng panahon.
Tinaasan ko siya ng kilay at naglakad palapit sa kanya ng may ituro siyang bagong barkada niya ata. "Magpapatulong daw siya sayo." Tinignan ko lang siya, sakin? hindi ko nga siya kilala.
"Wala ba siyang kaklase?" Sagot ko, sinu nga ba kasi siya? "Kaklase natin siya." Bakit ako? "Wala nabang iba? Sige." Tipid kong sagot at lumapit na sa kinaroroonan ng mga bago kong kaibigan.
Bago? Oo, transferee kami kaya bago. Hindi naman siguro masamang makisalamuha. Lumakad ako, nagikot-ikot sa buong school, hindi ganun kalaki, hindi rin ganun kalawak. Tama lang.
Dun nga nagsimula hanggang ....
"Sabi ni ano, di mo daw nagawa kasi busy ka." Ano nga bang di ko nagawa? Aa. yung report pala, "Tungkol san ba yung report niya?" wala sa loob na tanong ko, tama lang naman siguro na gawin ko dahil umoo akong tutulong, tama?
"Itanong mo nalang sa kanya." Sagot niya, lumabas ako ng classroom, at dun nakita ko siya kasama yung bestfriend niya? Hayy, bakit nga ba napakahilig kong umoo? Minsan gusto ko naring putulin ang dila ko.
Kung di ko lang sinabi sa sarili ko na dapat kong gawin yung mga bagay na sinasabi ko, di na sana ako napapasubo sa mga ganito. Una, hindi ko siya kilala. Pangalawa, di ko siya kilala at pangatlo, wala kong balak na kilalanin siya.
"Yung report mo, ibibigay ko nalang sa Monday." Sabi ko at naglakad na pabalik ng classroom. Nagbukas ako ng facebook at mas mabilis pa sa kidlat na may friend request na, confirm agad, akala mong close talaga.
Nagsimula sa "Hey.", Unique ba? at hindi sa "Hi" nagsimula? Iniisip ko kung rereplyan ko ba dahil nasa loob ako ng classroom at ayokong mapagalitan kahit wala pa namang teacher.
"Kaka-add lang magkachat na agad." Sinalubong ako ng mapang-asar na ngiti ng mapalingon ako sa katabi ko. "Kayo yung nagbigay ng account ko?" Hindi nga ko nagkamali, mga lalaking to, puro kalokohan.
At dahil dun ...
Nagsimula sa report, akala ko tapos na yung mga chat na yon hanggang sa kalokohan ng mga kaklase ko o particularly ng dalawang kaibigan ko. Ilangan effect? meron.
"I like you." Tatlong salita, babae ako? Hindi ko itatangging pumitik yan sa dibdib ko, binalewala ko. Aaminin ko, gusto ko siya. Infatuated ako kasi ang tangkad niya at fetish ko yung height ng isang tao.
Pag nakakita ako ng babaeng mas matangkad sakin, naiinggit ako. Sabi nga nila, gusto ko daw atang maging poste.
Binalewala ko yung chat na yon, hindi naman kasi dapat seryosohin dahil una, di ko siya lubusang kilala, di ko rin siya laging kausap kagaya ng iba naming kaklase.
Yung "I like you." nasundan ng "Saranghae" atsaka "Nan naeun jinja johae." Idedeny kobang pumitik nanaman yung dibdib ko? Hindi. Korean words ....
Masyadong mabigat yung mga salitang yan, mabigat para paniwalaan. Sabi nga ng mga kaibigan ko, sila ang magdedesisyon sa lablayp ko? Pag tinamaan nga naman sila ng kalokohan at umoo sila dito kahit wala pang tinatanong.
Mula nun, bawat klase kong nandun siya awkward, yung tipong ayokong lilingon sa likod dahil nandun siya. Hanggang sa di na ko nakatiis. Pinupush narin kasi ako ng dalawang loka-loka kong kaibigan.
Tinanong ko yung mga kaibigan niya kung meron ba, ang sabi nila wala, may nililigawan? May sumagot ng wala at may sumagot ng ewan. Siguro nga, pwede naman kung saka-sakali. Wala naman siguro kong maaapakang tao.
pero ..
Dun ako nagkamali, "Iza,Wag ka nang magchachat kay ano kasi hawak ng iba yung account niya." Sino siya? Anong role niya sa buhay niya? Hindi ko naman na siya chinachat.
Aa. Kinalat nga pala nilang nanliligaw siya kahit hindi. "Umiyak siya, Nabasa niya yung chat niyo. Iniscreen shot niya pa nga ee." Napatanga ako sa narinig ko, Nagpaiyak ako? nagpaiyak ako ng taong di ko kilala at walang masamang ginawa sakin.
Ramdam kong may kung anong pumisil sa puso ko, nakakaguilty. Sabi ko nga, di magiging mabait sakin ang kapalaran. Buti nalang, buti nalang at hindi pa ko nahuhulog sa kanya, kung irarank yun ng 1-100, siguro mga nasa 10 o 15 palang.
Araw, linggo yung lumipas. Naisip kong kausapin siya, yung babae, pakiramdam ko naging kabit ako dahil sa matatalim na tingin na natatanggap ko, sa sobrang talim siguro patay na ko ngayon. Matapos ko siyang paiyakin ang lakas ng loob kong kausapin siya.
Humingi ako ng tawad, tama lang naman yun diba? Tama lang na humingi ako ng tawad. Nagkamali ako, kundi ako malandi di siya dapat nasaktan. Deserve ko yung mga nakamamatay na tingin ng ibang kaibigan niya. Deserve kong masunong ng buhay sa mga isip nila.
Naging maayos naman yung pag-uusap namin, pero yung mga mata ng mga kaklase niya nung pagpasok ko? Ganun parin, walang nagbago. Tanggap ko, tama lang saking patayin ng paulit-ulit sa mga isip nila.
Ng dahil dun, nagsalita rin sila. Di niya naman daw yun nililigawan, may gusto lang talaga yun sa kanya. "Sakin ka maniwala." Sabi niya, pero hindi ... Hindi pwede, may masasaktan, may iiyak, may matatalo.
Binuksan ko ang mga mata ko, di naman siya ang tinutukoy ko sa mga sinabi ko kanina pero siguro dala narin na kaibigan niya ang kachat ko.
Buti nalang at di pumayag ang tadhana kung di may masasaktan ng dahil sakin.
"Hindi." Ang reply ko sa tanong na kanina pa naghihintay.
Siguro, wala pa ko sa tamang pahina para makilala ang taong para sakin.
YOU ARE READING
Ang Blog Ni Gams
Cerita PendekAng blog ni Gams, Ano nga bang nilalaman ng blog ni Gams? Ano nga bang dadamin ang nakapaloob sa bawat titik na isinusulat niya at ng kwentong inilalathala niya? Karapat-dapat nga kaya siya sa posisiyong ninanais niya?