"Hindi mali ang magkamali, ang mali ay ang ulitin mo ang ang mga bagay kung san ka nagkamali."
--------"Ang mahalaga pinatunayan mong naiiba ka sa mga lalaki diyan sa tabi." Nagmahal ka ng totoo kaya ka nasaktan. Bakit may mga taong mas pinipili ang bato kesa sa dyamante?
God, kayo napo ang bahalang magcomfort sa kanya. Huminga ko ng malalim, di din ako makapaniwala sa nangyari sa kanya. Sinong mag-aakala na marunong palang umiyak ang lalaking ko, sa pagkakatanda ko ay tinatawanan niya lang ang mga nakikita niya umiiyak. Natatawa rin kaya siya sa sarili niya dahil sa mga nangyari sa kanya?
Hindi maganda. Narinig kong tumunog nanaman ang cellphone ko. "Hello?" Sagot ko dito, "Kain tayo sa labas, libre ko." Sabi ng boyfriend ko sa kabilang linya. Lumingon ako sa wall clock at alas singko palang naman. "Sige." sagot ko at ibinaba na ang tawag.
Wala pa naman sina daddy, pwede pakong magpalusot pagdating ko mamaya, pwede kong sabihin na mag oover night ako sa bahay ng kaibigan ko o pwede ring may binilo lang sa bookstore. Hindi naman nila ko papagalitan.
Hindi naman sila naghihinala na may boyfriend ako dahil sa matataas naman ang grades ko, kahit anong sabihin ko sa kanila ay punaniniwalaan nila ako. Hindi sila nagduda kahit na minsan.
Nakita ko siyang naghihintay sa 7 eleven, napangiti naman ako ng mapansin niyang papalapit na ko. "Gem? Tara na," Sabi niya at tumango naman ako.
Dalawang oras na biyahe para mapunta kami sa lugar na walang nakakakilala samin. Hindi pwedeng malaman ni daddy na may boyfriend ako, sigurado akong di siya magdadalawang isip na patayin siya at itakwil ako.
Mahirap ang magkaroon ng tagong relasyon, kailangan niyong magtago sa mga mapanghusgang mata na nakabantay sa bawat kilos mo at pag nakita ng pagkakataon ay ipipintas sayo.
Nakarating na kami sa di masyadong mataong lugar, mukha tong malaking hardin na ginawang park. Ang daming batang naglalaro, Ano kayang magiging itsura ng mga anak namin? Magiging kasing cute kaya sila ng mga batang yun?
"Umupo ka muna, bibili lang ako ng pagkain." Naghanap ako ng bakanteng mesa at saktong napunta ako sa magandang view kung san ay katabi ng ilog. Pansin mong malapit nang lumubog ang araw dahil nagiging kulay pulang may halong kahel na ang tubig.
"Eto na oh," Inilapag niya sa mesa ang isang tray na may lamang pizza, ice cream at kung anu-ano pa atsaka siya umupo sa upuan sa tapat ko.
Naglakad-lakad kami, kumain narin kami ng hapunan dahil gabi narin, "Uwi na tayo?" Sabi ko. "Pagtapos na ng fireworks display." Sagot niya at hinintay namin na matapos ito. Ang gandang tignan ng ibang ibang kulay na lumilipad sa kalangitan.
Pagtapos ay naglakad na kami papuntang bus station pero, naiwan na kami ng huling biyahe kaya wala kaming pagpipilian kundi ang maghanap ng hotel na matutuluyan.
Pagpasok namin ay agad kong tinext ang daddy ko na mag oover night ako dahil debut ng isang kaklase ko nung high school. Hindi naman siya maghihinala.
Isang kwarto lang ang inupahan namin dahil may kamahalan ang presyo at di namin kakayanin ang magokupa ng dalawang kwarto. Dumiretso ako sa bintana habang siya naman ay umupo sa upuan malapit sa pinto at may tinawaga.
Napalingon ako sa bintana ng katapat naming apartment, isang masayang pamilya ang nakikita ko. Bakas na bakas sa kanila ang tuwa.
Ramdam kong may yumakap sa likod ko. "Gusto mo bang gumawa narin tayo ng replika?" Nanginig ang buong katawan ko habang ramdam ko ang hininga niyang humahampas sa leeg ko. Punung-puno ng pagnanasa, di ako nagpadala at kunwari ay natawa ako sa sinabi niya.
"Gem?" Nilingon ko siya at sinunggaban niya ko ng halik. Bumigay ang katawan ko at nangyari na nga ang bagay na kinatatakutan ko. Nakuha niya ang bagay na pinaka iingat-ingatan ko.
Ayaw man ng utak ko ay wala narin akong nagawa, nagising ako na nasa tabi ko na ang mga damit ko nakaupo na siya sa upuan sa tapat ng bintana.
Isinuot ko ang mga damit ko, "Uwi na tayo? kaya mo bang maglakad?" Ngumiti naman ako at tumango sa tanong niya. Tahimik ang buong biyahe namin pauwi. Walang umiimik pero hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko tila ba sinisugurado niyang pananagutan ang kung ano mang ginawa namin kagabi.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong naligo at nag-ayos dahil may klase pako.
Araw,linggo,buwan ang lumipas at wala namang nagbago sa relasyon namin. Siguro nga, hindi niya ko bibitawan. Ang unang beses nasundan pa, tila ba hinanap-hanap ito ng katawan ko.
Dalawang buwan nakong di dinadatnan at nahihilo kung minsan, nagsimula nakong kabahan. Mawawala ba sakin ang lahat? hindi pwede, hindi ako pwedeng mabuntis. Kinausap ko ang bestfriend ko at kinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari. "Kumprontahin mo siya." Yan ang payo niya sakin.
Saktong nung araw din nayun ay sinundo niya ko, huminga ako ng malalim at inipon lahat ng lakas nang loob ko. Hindi man ako sigurado ay dapat ko nang malamab ang magiging reaksyon niya.
"Gem?May problema ba?" Tanong niya ng tumigil ako sa paglakad. "Buntis ako," sabi ko at bakas sa mukha niyang di niya matatanggap ang pagkabuntis ko. "Ipalaglag mo." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, gusto niyabg ipalaglag ko ang sarili niyang anak? "May asawa ako. Patawad Gem." Lumipad ang palad ko sa pisngi niya kasabay ng pagragasa ng luha ko.
Lumipas ang mga araw at wala nakong contact sa kanya, desidido nako, palalakihin ko ang batang to kahit wala siyang ama.
Nagtungo ako sa ospital at nagpacheck up, naiyak ako sa resultang hindi mawawala sakin ang lahat, hindj ako itatakwil ni daddy. Maabot ko pa ang mga bagay na gusto ko. Hindi talaga ako pinabayaan ng Diyos kahit na kasalanan ang nagawa ko.
"Ang tanga mo." Sabi ko sa sarili ko ng malaman kong delay lang palang talaga ko. Naiiyak ako sa sobrang tuwa. Buti nalang.
Di ko na ulit hahayaang mangyari yun. Di na mauulit ang katangahang yun.
YOU ARE READING
Ang Blog Ni Gams
Cerita PendekAng blog ni Gams, Ano nga bang nilalaman ng blog ni Gams? Ano nga bang dadamin ang nakapaloob sa bawat titik na isinusulat niya at ng kwentong inilalathala niya? Karapat-dapat nga kaya siya sa posisiyong ninanais niya?