Chapter 4: "Laro lang pala."

9 0 0
                                    

"Ang mga karanasan mo noon ang magpapalakas sayo ngayon."
-----

"Ayoko na, tama na." Napatanga ako sa sinabi niya. Ayoko na? Hindi pa nga kami nagsisimula. "Ayaw ng parents kong magboyfriend ako, I'm sorry Jay." 

Paulit-ulit na naglaro sa isip ko ang mga salita niya. Tatlong buwan? Tatlong buwan ng panliligaw ko sa kanya. Tatlong buwan na ipinaglaban ko siya, bakit? May nagawa bakong mali? may naging kasalanan bako? anong pagkukulang ko?

Masakit, sobrang sakit. Masakit palang marinig yun mula mismo sa mga labi niya, ang sakit isipin. Nagagawa ko paring ngumiti pero hindi maipagkakailang ang sakit sa ulong ako ay biglang nanlumo.

Para akong pinaulanan ng bala, para kong pinapatay ng paulit-ulit habang patuloy na nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya.

"Jay?Ayos kalang pare?" Ayos nga lang ba ko? Naglakad ako palabas ng silid at mukhang ayaw talaga sakin ni tadhana at nakasalubong ko siya. Nagagawa niyang ngumiti habang gusto ko nang mamatay.

Pero yun naman ang gusto ko, ang lagi siyang masaya. Ang hindi siya malungkot alam kong makakasama yun sa grades niya.

Oo nga, kilala siyang miyembro ng school council. Siguradong matataas ang grades niya, pero ako? 75 lang kuntentong-kuntento nako. Nasa taas siya samantalang wala manlang akong ginagawa para abutin siya. Siguro nga, hindi talaga ko karapat-dapat sa kanya. Merong higit na mas makpagpapasaya sa kanya.

Natatawa nalang ako habang iniisip kong hindi ko nga magawang magsikap kaya pano ako magiging karapat-dapat sa kanya? Masyado akong ilusyonado.

Una, lagi akong napapagalitan dahil sa sobrang ingay ko pero siya? hindi. Pangalawa, mabababa ang grades ko pero siya? kahit di ko pa nakikita alam kong matataas yun. Pangatlo, gaya nga nang sabi ko nasa taas at ako masyadong mababa.

Ang sabi niya ayaw ng parents niya? Nalaman kaya nila kung anong klaseng lalaki ako? Nalaman kaya nila na mukhang isa ko sa mga taong walang pangarap sa buhay? Meron naman pero hindi ako sigurado.

Naaalala ko pa na tuwing lalabas ako ng classroom ay nakikita ko siya at iiwas siya ng tingin. Nakakatuwa, yung panahong binlock niya pa ang isa sa mga babaeng kachat ko. Yung tipong wala pang kami pero nagpalitan na kami ng account para sigurado. Yung mga panahong nagagalit siya kapag nakakakita siya ng ibang pangalan sa search box ko. Selos na selos siya at minsan nag-aaway kami dahil dun. Yung panahong nawalan ako ng cellphone at wala kong ibang ginawa kundi hiramin ang cellphone ng mga kaklase ko para lang i-chat siya. Yung usapang umaabot ng madaling araw.

Hindi ko namalayang nasa labas na pala ko ng paaralan. Siguro ay uuwi nalang ako.

Yung mga pagkakataong tumatakas siya sa kanila para pumunta ng SM dahil sinabi ko sa kanya, niyaya kopa nga siyang maglaro ng basketball sa arcade at itinuro ko pa yung isang babae at lalaking naglalaro rin pero hampas lang ang sagot niya sakin.

Yung mga panahong nag-aasaran kami, yung pagkakataong ibinilin niya ko sa barkada ko. "Ate, pakibantayan si Imao." yan yung sinabi niya, natatawa na nga lang ako nung kinukwento yun ng tropa. 'Imao' baliw na baliw sa engkantandia.

Yung panahong nagpapalitan pa kami ng "Iloveyou","kumain ka naba?", "Goodmorning", "Ingat ka." Mga panahong akala ko wala nang katapusan. Ang duwag ko at nagawa ko pang umiyak sa harap ng mga tropa ko. Nakakainis, ang alam ko lang ay sobrang sakit, sobrang sakit na nawala ang prinsesa ng buhay ko.

Kelan nga naman naging bagay ang pulubi at prinsesa? Hindi ito fairytale, nakakabakla mang aminin pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya, akala ko siya na talaga ang bubuo sa buhay ko. Akala ko siya na talaga ang nawawalang piyesa.

Lahat talaga ng bagay may mapait na katapusan, sana tinagalan manlang nila. Sana pagbigyan ulit ako ng tadhana kahit isang nakaw na sandali nalang. Sana pagbigyan akong patunayan ang sarili ko.

"Ayoko na, tama na"

"Ayoko na, tama na"

"I'm sorry Jay."

Nakakagago, kelan ba titigil ang mga salitang to sa panggagago sa utak ko? Ayoko na. Ayoko nang maramdaman ang sakit nato. Hindi na nakakatuwa. Tama na, parang awa.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at binuksan ang account ko. Nakabukas siya, gusto kong pindutin ang message button pero... Magrereply kaya siya? Gusto kong magmakaawa at humingi ng isa pang pagkakataon.

Ipapangako kong hindi ko na ulit yun sasayangin. "Comeback is real." Napahinto ako sa nabasa ko. Anak ng p*********.

Tanda ko pa ng mabasa ko sa account niya na pinagtabuyan niya ang taong to. Ang unang beses na may minura mura siya, yung oras na binigyan ko siya ng isang pagkakataon at pinapili saming dalawa.

Rumagasa ang luhang kanina ko pa pinipigil, mukhang ang saya nilang dalawa. Anong magagawa ko? Mas nauna siya.

Ibinalibag ko ang lahat ng nakita ko at sinimulang ihampas sa pader ang ulo ko, baka sakaling magising ako sa bangungot nato. Nakakainis, nakakapanlumo. Ano nga namang laban ko sa taong nauna sakin? Wala. Hindi ito nakakatuwa, hindi talaga.

Hindi ko matanggap, ang sakit. Dinoble hindi tinriple nito ang sakit na nararamdaman ko. Sana pinatay niya nalang ako ng tuluyan, sana di niya na pinatagal ang paghihirap ko. Dapat hiniling niya nalang na magpakamatay nako.

Wala kong magawa,wala kong laban. Wala kong lakas ng loob na sitahin siya. Hindi madaling kalimutan ang taong minsan nang humawak ng mundo mo.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang taong malapit sakin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, pano ko magsisimula? Saan? Kailangan ko ng makakaintindi sakin.

Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko at pinarurusahan ko ng ganito. Siguro ay miyembro ako ng isang sindikato nung nakaraang buhay ko kaya ibinabalik sakin to ngayon.

Sinagot niya, kinukwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kasabay ng paghikbi ko at pag-agos ng luha ko. "Ang mahalaga pinatunayan mong naiiba ka sa mga lalaki diyan sa tabi." Yan lang ang tangin sagot na narinig ko.

Hindi ko inaakalang babalik siya sa tomboy nayun at iiwan ako sa ere. Masakit, sobrang sakit. Hindi ko alintan ang pag apak niya sa pagkalalaki ko, hindi ko lang matanggap na sa kanya niya nakita ang bagay na wala ako.

Hindi ko naisip na laro lang pala ang lahat...

Rebound lang ako ....

Ang Blog Ni GamsWhere stories live. Discover now