Chapter 10: "Konti nalang."

4 0 0
                                    

Minsan, kailangan mong dumistansya sa taong mahal mo hindi dahil may mahal siyang iba kundi dahil gusto mong maging karapat-dapat para sa kanya.
----
"Pero hindi pa ngayon."

"Anong hindi pa ngayon Chris?"

"Hindi ko pa siya ngayon babalikan." Tumawa ako ng malakas kasabay ng paghampas nila sa braso ko.

"Bakit ba kasi naghiwalay pa kayo?" Hiwalay? hindi naman kami naghiwalay, kung tutuusin hindi naman lahat ng bagay natatapos sa mga salitang 'break na tayo' o 'maghiwalay na tayo'.

"Kasi nga we found the right love in the wrong time." Sagot ko, wag na magreact minsan lang ako mag english.

Tumawa ng malakas ang mga kumag atsaka dali-daling lumabas para maglaro ng basketball, ako? Iniisip siya, may pasok sila ngayon habang ako naman wala.

Totoo naman diba? Minsan nahahanap natin yung tamang pag-ibig sa maling panahon. Hindi kami naghiwalay dahil di na namin mahal ang isa't-isa. Atleast kaya naming patunayan na hindi porket wala nang label yung relasyon namin di na namin kayang mahalin yung isa't-isa.

Hindi din naman malanding ugnay-- este mutual understanding yun dahil minsan na siyang naging akin at hanggang ngayon akin parin naman yung puso niya. Walang nagbago, nawawalan lang ng oras sa isa't-isa. Natural lang naman yun para sa nag-aaral ng mabuti.

Ang kapal ng mukha no? Pero wala mahal ko siya, kailangan kong magsikap sa buhay para saming dalawa pero at the mean tim papetiks-petiks muna. Live your life to the fullest, you only live once.

Mas magandang ienjoy mona yung buhay mo ngayon para wala kang pagsisisihan sa hinaharap. Yun yung napagkasunduan namin, mas maiging sigurado na kami sa isa't-isa. Yung wala nang isusugal.

Mas magandang sigurado na kami sa isa't-isa, atleast kahit magkahiwalay kami kaya naming patunayan sa iba na hindi kami nakadepende sa isa't-isa at kaya naming mahiwalay sa isa't-isa ng walang pagdududa, walang doubt about sa relationship namin.

Mas maganda naman kasi yung ganung relationship diba? Yung relationship na sigurado, hindi basta-basta lulubog, yung kahit anong problema yung dumating di parin kami matitinag.

Ayoko rin na masaktan ko nanaman siya, baka mawalan na ko ng pagkakataon. Baka di nako biguan ng third chance nun. Mahirap na, diko na pwedeng pakawalan yung babaeng yun kapag naging kami na ulit.

Pero sa ngayon, kailangan ko munang hanapin yung sarili ko naligaw kasi sa north pole yung kaluluwa ko tas isinama ni peter pan sa neverland yung utak ko. Syempre di yun totoo, gusto kolang hanapin yung sarili ko at mas maging karapat-dapat.

Okay naman kami sa parents niya, tanggap naman nila kung anong meron kami basta daw alam namin yung limitasyon namin at alam namin kung ani yung tama at mali.

"Oy" Nakareceive ako ng text na galing sa babaeng mahal ko pero di akin-- este minsan nang naging akin.

"Oh, Ano? Namiss mo nanaman ako?"

"Ang kapal ng mukha nito, sino daw babae mo ngayon. Pakboy ka talaga. HAHAHAHA." Mga siraulo talaga mga tropa ko, siya lang naman yung babae sa buhay ko bukod kina lola at mama.

"Yung kapitbahay mo."

"Wala kong kapitbahay, sira."

Nagtuloy-tuloy lang kung conversation namin.

Naalala kopa yung nangyari samin dati.

"Tita? Ayos lang po ba sa inyo na maging kami ng anak niyo?"

"Oo naman Chris, basta iingatn mo ang anak namin. Alam niyo na yung limitasyon niyo, maging matalino kayo sa paghawak ng relasyon niyo. Ang gusto lang naman namin ay yung malaman namin kung san kayo nagpupunta at kung sigurado ba lahat ng lakad niyo, gusto ko rin sana malaman mo na hangga't maaari, iwasan mong saktan yang anak namin. Ipagkakatiwala namin sayo yung puso niya. Alagaan mo ha?"

Syempre ako naman, tango lang ng tango. Ayos na ayos yung relasyon namin, walang away, walang problema. Okay lang.

Hanggang sa nakakasawa na yung paulit-ulit nalang. Parang walang thrill yung relasyon namin. Ang boring, at dahil is ko sa mga hangal na nilalang na nabuhay sa ibabaw ng lupa.

Naghanap ako ng iba at yun, tinamaan ng magaling nahuli niya ko. Bingo! break na.

Akala ko wala lang, mas gusto ko kasi kapag may thrill, gusto ko yung nachachallenge ako. Nung tumagal, hinanap hanap ko rin siya. Hinanap hanap ko yung pag-aalala niya, yung mga messages niya, yung kakulitan niya.

Lumalala ako. Nakakatawa diba? nakakatawang isipin na naging ganun ako. Hanggang sa nakita ko nalang yung sarili kong umiiyak kasi ang tanga tanga ko, pinakawalan ko yung babaeng nagpahalaga sakin ng sobra.

Gumawa ako ng paraan para maging close kami ulit. Unti-unti kong binago yung sarili ko kahit alam kong tanggap niya kahit ano ako. Hindi ko siya binalikan, pero malapit na. Malapit na malapit na.

Alam mo yung pakiramdam na tuwing titignan mo siya mas lalo kang naiinlove? Kailangan na makita niyang di nako katulad ng dati, si na ako yung  lalaking lolokohin siya at ipagpapalit siya sa iba.

Siguro nga totoo talaga yung kasabihang makikita molang yung halaga nang tao pag nawala na siya sayo. Maraming mahilig magtapon ng dyamante at pumulot ng bato.

Maswerte ako, sobrang swerte ko kasi hindi lahat ng lalaki o tao nabibigyan ng isa pang pagkakataon, pagkakataon na itama yung mga mali, pagkakataon mas maging mature.

Sa maikling panahon na nawala siya sakin, nalaman ko kung ano yung naging pagbabago ko ng dahil sa kanya, yung pagbabago na di niya hiningi, yung pagbabago na huli ko na napagtanto na nangyari.

Tumingin ako sa langit, saksi ang mga ulap sa naging pagsisisi ko. Kaya ngayon, alam kong kailangan ko pang hulmahin na maigi yung sarili ko, gusto kong ipagmalaki ako ng babaeng mahal ko dahil may magandang bagay na meron ako.

Konti nalang, konting tiis nalang talaga.

Konting panahon pa, hihingin ko na ulit yung kamay niya. Alam kong hindi naman ako pababayaan.

"Oy! Ikaw naman." Napalingon alo sa barkada ko na bumato sakin ng bola. Sa ngayon, maghihintay nalang muna ko at manonood sa mga bagay na mangyayari samin. Yung mga bagay na magpapatatag ng kung anong meron kami.

Konti nalang, luluhod nako sa harap niya.

Ang Blog Ni GamsWhere stories live. Discover now