Makikilala molang ang isang tao kung hahayaan ka niyang pumasok sa pader na siya mismo ang bumuo.
-----"Lahat ng lalaki walang kwenta."
"Bakit lahat ba kami naging syota mo na!? Kahit ikaw nalang babae sa mundo di ako papatol sayo."
"MANAHIMIK NGA KAYO." Sigaw ko sa mga kaklase kong walang ibang ginawa kundi makipagtalo tungkol sa mga walang kwentang bagay.
"Oy nagagalit na si Jen, bitter yan." Tinaasan ko ng kilay ang kaklase kong hampaslupa. "Mukha bang nakikipagbiruan ako sayo!?" Sabi ko sa kanya atsaka nagpatuloy sa pagbabasa ng wattpad.
-----
"Jen? anong edad mo balak magsettle down?" Tumingin ako sa kaibigan ko. Magsettle down? wala kong balak.
"Wala kong balak,manahimik ka diyan." Hindi naman talaga sa wala akong balak pero kasi, nakakatakot. Nakita ko na kung pano sila umiyak dahil sa mga ex nilang mukha namang kabayo na binihisan.
Man hater ako, hindi ko itatanggi wala naman kasi silang ibang alam gawin kundi manakit lang ng mga babae, lagi lang silang nagloloko. Once a cheater, always a cheater. Sila yung tipo na kapag binigyan mo ng second chance, mauulit lang ulit yung ginawa nila kasi alam nilang patatawarin mo sila. Alam nilang kaya ka nilang manipulahin kasi mahal na mahal mo siya.
"Bakit ba kasi man hater ka?" Hindi ako kumibo sa tanong niya, hindi ba pwedeng ayoko lang magaya sa kanila? Hindi ba pwedeng ayoko lang na laslas at pag absent sa school ang ending ko pag nagbreak kami ng kung sino man?
Hindi ba pwedeng nasaktan na kasi ako ng kaisa-isang lalaking minahal ko sa buong buhay ko? Ayoko nang masaktan ulit ng isang bahagi ng populasyon ng mga lalaki.
Mangangako sila pero di nila tutuparin, sasabihin nila sayo na di ka nila hahayaang madapa pero sa huli sila din yung magiging dahilan kung bakit ka madadapa, sasabihin nilang di ka dapat matakot kasi poprotektahan ka nila pero yung totoo sila yung magiging dahilan para matakot kang harapin yung mga bagay-bagay.
Hinintay ko na matapos yung klase ko at dali-daling umuwi sa bahay namin.
"Jen? Kelan mo balak magpakilala ng manliligaw dito?" Tanong sakin ni lola, Takot siya, takot siyang tumanda akong dalaga pero yun naman talaga ang gusto ko, ayoko nang masaktan ulit.
"Wala ho la, wag na po kayong umasa." Sagot ko sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa ko. Kelan ba titigil si lola sa kakatanong kung may boyfriend bako o manliligaw? Sawang-sawa narin ako. Alam kong ayaw niya lang na tumanda akong mag-isa pero kasi ayokong magaya sa iba. Ayokong umiyak ng dahil sa lalaki.
"Iha, ayokong mamatay nang wala ka pang nobyo, hindi kaya masayang mabuhay mag-isa." Drama queen talaga ang lola ko.
"Sang pelikula mo napanood yan la?"
"Hindi ko alam, kinomersyal lang sa tv, akala ko uubra sayo. Hindi ka paba nakakamove on? Jen, napag-usapan na natin to diba. Kailangan mo nang kalimutan." Ramdam kong kumirot ang puso ko, pano ko nga ba makakalimutan yung bagay na yun?
Pano ko makakalimutan yung mga gabing wala kong ibang ginawa kundi umiyak? Pano ko kakalimutan yung mga araw na para akong patay na naghahanap ng ilaw? Pano? Kung may paraan lang para makalimutan yun siguro hindi ko to nararamdaman hanggang ngayon.
"La, nakalimutan ko na yun. Ayoko lang mag boyfriend." Hindi ko ugaling magsinungaling kay lola pero ayoko rin makitang nag-aalala siya, ayokong mawala siya ng dahil sa pag-aalala sakin. Ayokong pati siya mawala.
"Pauwi na pala ang mama mo." Napangiti naman ako sa sinabi niya, pauwi na si mama. Malapit na kaming magkita, malapit na. Pagkalipas ng dalawang taong magkikita narin kami.
------
"Paano mo maipapakita yung pagmamahal mo sa isnng tao?" Tanong ng teacher ko, minsan talaga napapaisip ako kung anong koneksyon ng pag-ibig sa subject na hawak niya.
Isa-isang nagsitayo ang mga kaklase ko at sinabi kung pano nila ipinapakita na mahal nila ang isang tao habang walang pumapasok sa utak ko. Kelan ba kasi naging bahagi ng kurikulum tong kalokohang to?
"Jen."
"Para sakin po, siguro maipapakita ko yung pagmamahal ko sa pamamagitan ng prayers atsaka dapat marunong ka magsacrifice." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya yan nalang yung nasabi ko. Huminga ako ng malalim at naisip ko nanaman siya.
Alam kong dapat magalit ako sa kanya dahil iniwan niya ko, pero hindi mawala sakin ang maisip kung kamusta na siya? Kamusta na ba sila ng bago niya? Masakit parin kasi, masakit maiwan sa ere. Masakit umasa na di mawawala yung taong pinahalagahan mo ng sobra.
Hindi ko namalayan na pumatak na pala yung luha ko. "Alam mo Jen, hindi masamang magshare ng problema." Dun kolang napagtanto na tapos na pala ang klase namin, natapos nang wal kong natutunan dahil sa puro flashback lang yung ginagawa ko.
Nagpunta kami sa isang ice cream parlor, sabi nga nila mapapagaan ng chocolate yung loob mo.
"Alam mo ba kung bakit ako naging man hater?" Hindi naman siguro masama na sabihin sa iba yung problema ko. Hindi rin naman masama yung magtiwala sa iba.
"Iniwan kasi ako ng kaisa-isang lalaki na pinagkatiwalaan ko." Sabi ko at patuloy na tumitig sa ice cream na hawak ko.
"Iniwan ka ng boyfriend mo? Aba, nasan? Bobombahin ko bahay niyan." Natawa ako sa sinabi niya at tumawa narin siya. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy o hindi na kailangan.
Huminga ako ng malalim. "Iniwan ako ng papa ko, iniwan niya kami." Napahawak siya sa bibig niya.
"Ang sakit kasi, ang sakit lang na yung lalaking inakala mong di ka iiwan yung mang-iiwan sayo." Pinipigilan kong tumulo yung luha ko.
"Pero Jen, hindi naman lahat ng lalaki kagaya niya. Hindi naman hahayaan ni God na mapunta ka sa taong kagaya niya."
Lumingin ako sa bintana "Alam ko naman yun, tanggap kong darating yung araw na maiinlove din ako, darating yung araw na darating yung knight in shining armor ko."
Ngumiti siya sakin at ngumiti din ako sa kanya. "Pero, hindi pa ngayon."
Alam kong darating yung taong hindi kagaya ng papa ko. Pag dumating siya, yun yung panahong hindi nako masasaktan tuwing mababanggit si papa.
YOU ARE READING
Ang Blog Ni Gams
Short StoryAng blog ni Gams, Ano nga bang nilalaman ng blog ni Gams? Ano nga bang dadamin ang nakapaloob sa bawat titik na isinusulat niya at ng kwentong inilalathala niya? Karapat-dapat nga kaya siya sa posisiyong ninanais niya?