Pagkatapos ng apat na oras sa harap ng computer natapos ko din. Natapos ko rin ang entry na ipapasa ko.Mga kwento na sumasalim sa iba't-ibang tao pagdating sa pag-ibig.
Pinaasa ..
Umasa ...
Nagmahal ng totoo ..
Natauhan ....
Nagbago ...
Ginustong maging sapat para sa minamahal ..
Nagdesisyong makalimot ..
Nilingon ko ang relo na nakasabit sa pader, Alas dose, alas dose na nang madaling araw.
Makuha ko man o hindi ang posisyong gusto ko, ang mahalaga ay may mapupulot ang mga magbabasa nito.
Sana, ang kwento nila Iza, Carlo, Dashel, Jay, Gem, Bryle, Rhian, Dean, Jen, Chris, at Vicky ay magsilbing inspirasyon sa iba.
Sana maisip nilang may mga taong nagbabago dahil sa mga naging karanasan nila noon.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.
Bukas ay isa nanamang bagong simula.
YOU ARE READING
Ang Blog Ni Gams
Short StoryAng blog ni Gams, Ano nga bang nilalaman ng blog ni Gams? Ano nga bang dadamin ang nakapaloob sa bawat titik na isinusulat niya at ng kwentong inilalathala niya? Karapat-dapat nga kaya siya sa posisiyong ninanais niya?