"Oh! Alis na ano pa ang hinihintay mo? Tsupee..." nakataas pa ang kilay ni Shan habang itinataboy ang boyfriend nito. Slash..Ex-boyfriend na pala dahil kaka-break lang niya dito."Please! Shan. Huwag mo namang gawin sa akin ito oh, mahal kita! mahal na mahal!" nagmamakaawang turan ng lalaki.
"Sorry! ka na lang, dahil hindi talaga kita kayang mahalin. Pasalamat ka nga at hindi ko na pinatagal pa ang relasyon natin. Para hindi ka na masaktan pa. Dahil talagang wala, wala kang aasahan sa akin!" aniya saka tumalikod sa kawawang binata.
"Shan, akala ko ba mahal mo ako kaya sinagot mo ako?" pahabol pa nito.
"Nuh! Akala mo lang iyon. Pero hindi. Hindi na ako masaya sa iyo kaya move-on ka na lang, bye!" anito na ipinagpatuloy na ang paglalakad.
"Grabe Shan, nabalitaan ko ang ginawa mo kay Justin, hindi ka ba naaawa sa tao?"
"Bakit naman ako maaawa eh, wala namang sakit? Saka tigilan mo nga ako Jasmin, dahil dapat lang sa kanila iyan, kung kaya nilang maglaro, kaya rin nating mga babae!" ani Shannaia.
"Ako ang kinikilabutan sa iyo Shan, bahala ka baka dumating ang araw na makahanap ka ng katapat mo!"
"At pag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin kong ako ang mananalo!" confident na sagot ni Shan sa kaibigan. Na noon ay bumalik na sa kanyang pwesto.
"Hay naku ano pa nga ba ang aasahan ninyo kay Shan, simula ng magdalaga iyan bitter na at ang tingin sa mga lalaki ay mga demonyo," nakangisi namang parinig ng isa sa kanilang katrabaho.
Napabuntong hininga si Shan at lihim na napangiti, sa taglay niyang ganda,.sexy at talino, isama pa ang tangkad ay walang lalaki ang hindi mapapalingon pag ito ay nasalubong. Ngunit para sa kanya ang mga ito ay laruan lamang.
Secretary si Shan sa Martinez Corp, at halos lahat ng kalalakihan ay naglalaway sa kanya.
Isa na ang binatang Boss niya na si Mulawin Martinez, weird man ang pangalan ngunit makalaglag panty naman kung mukha at katawan na ang pagbabasehan.
Nanliligaw din ito sa kanya. At balak na rin niyang sagutin.
"Shan, can you make me a cup of coffee!" napaigtad pa si Shan ng bumukas ang pinto ng opisina ng kanyang Boss na sagad kung makangiti sa kanya. Ginantihan din niya ito ng matamis na ngiti.
"Sure Sir!" aniya.
"Thanks! And I will appreciate a lot. If you joined me to drink coffee for a little while!" tila nang-aakit na sabi pa ng kanyang Boss.
Ipinakita naman ni Shan na tila nahihiya siya ngunit sa kalaunan ay tumango na rin bilang tanda ng pagpayag nito sa paanyaya. At pagkapasok pa lamang ng kanyang Boss sa opisina nito ay napangiti siya ng lihim. Dahil may naisip na namang kapilyahan. Aanhin ko ang ganda ko kung hindi ko gagamitin sa iyo! Sambit ni Shan sa isipan.
Ilang sandali lang natapos na siya sa pagtitimpla at agad inihatid sa opisina na amo.
"Sir, ito na po ang coffee ninyo!" aniya.
"Salamat! Have a sit Shana!" utos naman ng binata.
"Can I invite you for a dinner tonight? And I won't accept your No! For an answer!" nakangiti pang sabi pa nito.
"Sir Mulawin, kasi..."
"Shana kapag dalawa lang tayo pwede bang Mulawin na lang?" putol nito sa sasabihin niya.
"Hmmmp, sige saka sino bang may sabi sa iyong tatangihan kita?" nakangiti ring sagot ni Shana.
"Talaga? Ok! I will fecth you at 7:00 then!" masayang sabi ng binata.
"Sure, Sir- este Mulawin!" ani Shan at yumuko ito upang itago ang sumilay na pilyang ngiti sa kanyang mga labi saka humigop ng kape.
---
"Shana, tumawag si Gov. pinapauwi ka sa probinsya!" salubong ni Aling Cora kay Shan. Si Shan, ay anak ng isang Governador sa Nueva Ecija. Nagtungo siya ng Manila upang makaiwas sa ama, dahil kinasusuklaman niya ito, walang sinuman ang nakakaalam na mayaman talaga siya at anak siya ng Governador kundi si Aling Cora lang na simula ng sanggol pa lamang siya ay ito na ang nag-alaga sa kanya. Kaya ng maglayas siya sa kanila ay sumama ito sa kanya.
"Yaya! hindi ako uuwi doon, may date po pala ako mamayang gabi, susunduin po ako dito ng Boss ko!" ani Shan.
"Anak naman! iba na naman ba ito? Aba't dinaig mo pa ang mga artista ah, kung makapagpalit ka ng boyfriend. Matakot ka sa karma anak!" napapamulagat na bilin nito sa alaga.
"Yaya naman! Diba mas maganda ng ako ang nang-iiwan kaysa ako ang sasaktan?"
"Ay ewan ko sa iyong bata ka. Magpahinga ka na, sayang nagprito pa naman ako ng talong at tinapa! Akala ko dito ka kakain?"
"Yaya naman! Bakit, ngayon mo niluto ang mga paborito ko?" maktol na tanong ni Shan.
"Aba alam ko bang maglalagalag ka lang at mambibiktima na naman!" nakaingos namang tugon ng matanda.
"What ever Yaya..." sagot ni Shan at akma ng papasok sa kwarto nito ng may maalala," Yaya pag dumating pala si Bossing at tinanong kung ano ang kaugnayan natin. Tell him your my mother okay? I love you Yaya!" ani Shan at tumakbo nang papasok sa kwarto bago ba makapag protesta ang matanda.
Nasa restaurant na sila Shan at Mulawin. Kasalukuyan naring kumakain ng ungkatin nitong muli ang dinudulog na pag-ibig.
"Shannaia, huwag mo sanang mamasamain, may pag-asa ba ako sa iyo? You know the very first time I laid my eyes on you, I know that your different from other woman. Shan! I love you... I really do! And I'm happy to know na wala na kayo ng boyfriend mo!" ani Mulawin at ginagap ang kamay nito.
"Okay! Tatapatin na po kita sir ha. Actually kasi nakipagbreak ako sa kanya because of you. Your so iresistable! And I can't say no, everytime na ayain mo akong lumabas and it's unfair to him that I'm dating with someone. While we're on so, I decided na tapusin na lang kung ano man ang namamagitan sa amin. And one more thing sir, my answer is YES!" ani Shan at pilyang ngumiti.
"Yes...?" alanganing tanong ni Mulawin(Mawin).
"Yes! sinasagot na kita, tayo na!" ani Shan sa binata.
Pinigilan naman ni Mawin na mapasigaw sa sobrang kasiyahang nararamdaman sa mga oras na iyon. Dahil sa wakas sinagot na siya ng dalaga.
Lihim namang napapatawa sa isipan si Shan. Ngayon pa lang kasi iniisip na niya kung paano siya makikipaghiwalay sa kasasagot na nobyo. Napangiti siya sa kapilyahang iniisip. Sa ngayon sasakyan na muna niya ito.
Kinabukasan! Mabilis na kumalat sa kumpanya na kasintahan na ni Shan ang kanilang amo. At ang lahat ay concern sa amo dahil kilala nila si Shan wala itong sinasanto.
Pagpasok pa lang niya agad na siyang tinawag ni Mawin.
"Babe, coffee please!" lambing ng binata sa nobya.
"Sure Babe!"
Nakangiting nagtimpla ng kape si Shan saka nagtuloy sa opisina ng kanyang nobyo. At naabutan niya itong may kausap sa telepono.
"Yes Bro, I'm so fucking happy right now. Yes! she's so beautiful and I love her, so fucking much! Yeah... yeah, It won't happen that Bro, she love me and she won't hurt me! Okay, bye Bro my girlfriend is here already!" paalam ni Mawin sa kausap.
Ibig man tumaas ang kilay ni Shan sa mga narinig ay pinigilan na lamang niya.

BINABASA MO ANG
RAPE REVENGE BY: LORGEE RHY
RomanceSHANNAIA ROSE GALAPON, Charming, sexy at malakas ang sex apeal. Pinag-aagawan ng halos lahat ng kalalakihan. Naughty at kung magpalit ng boyfriend ay parang basahan. AANHIN KO ANG GANDA KO, KUNG HINDI KO GAGAMITIN SA IYO, iyan ang laging lumalabas...