"Babe, susunduin kita mamaya ha, kain tayo sa labas!" ani Mawin sa nobya ng naihatid ito sa apartment.
"No need babe, next time na lang may lakad pa kasi kami ni mudra mamaya, bukas na lang!" pagsisinungaling ni Shan.
"Okay sige kung iyan ang gusto mo, pwede ko naman kayong ipagdrive."
"No need babe, this is for the girls only!" matamis na ngumiti ito sa nobyo at saka tinakpan niya ng isang daliri ang labi nito upang hindi na makapag-protesta pa.
Isang mabini at mabilis na halik sa labi ang iginawad ni Shan sa nobyo bago ito umibis sa sasakyan.
Pagkapasok niya sa loob ng kanyang apartment ay isang bisita ang hindi niya inaasahan na makikita.
"Anong ginagawa mo dito Governador?"tanong niya dito.
"Iha, hanggang ngayon ba hindi mo magawang tawagin akong Daddy? Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin? At hanggang ngayon ba hindi mo parin nakakalimutan ang nakaraan? Kelan mo ba ako mapapatawad anak? Mahal na mahal kita at hirap na hirap na ako sa mga pinag-gagagawa mo."
"Kahit kailan hindi na mawawala sa puso at isipan ko ang nakaraan, at habang nabubuhay pa siya at patuloy ka parin sa pagpapakatanga hinding-hindi niyo makakamit ang aking pagpapatawad." Galit na sabi nito sa Ama
"Anak, matagal ng panahon iyon, kalimutan na natin, please come back, ako pa din ito ang ama mo kaya kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang mundo."
"Iyun na nga eh, ama ko lang kayo Gov, pero buhay ko parin ito, at habang nasa pamamahay mo pa rin ang babaing iyon hinding-hindi ako tutuntong doon, ayaw kong maging sobrang bastos Gov, pero makakaalis na kayo!" ani Shan.
"Please anak..."
"No..." Mabilis niyang sagot sa ama. So please leave me alone!" sigaw niyang turan dito.
Lulugo-lugong namang lumabas ng apartment ang ama nito, sa harap ng ibang tao, he's a strong man, kinatatakutan, pero pagdating sa kanyang panganay na anak ay hindi niya magamit ang kanyang power bilang Ama at bilang Governador, dahil alam niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit punom-puno ng galit at poot ang dibdib ng anak lalo na sa mga lalaki. Napabuntong-hininga na lamang siya saka tuluyan ng umalis kasama ng mga bodyguard na isa-isang nagsipaglabasan sa mga pinagkukublihan.
"Yaya, bakit naman po ninyo pinapasok ang tao na iyon? Alam naman po ninyo na hindi pa ako handa na harapin siya diba?" Tila nanunumbat na turan nito saka umupo sa may sofa.
"So ano ang gusto mong gawin ko? Ipagtabuyan ko ang Ama mo?" sagot naman ng matanda.
Hindi na lang kumibo si Shan. Dahil, oo nga naman hindi niya magagawang itaboy ang Ama niya lalo na't parang anak na rin ang turing niya dito. Sinipat niya ang kanyang pambisig na orasan, maaga pa may oras pa siyang mag-ayus.
"Yaya, aalis po pala ako mamaya ha, huwag na po ninyo akong hintayin dalhin ko na lang po ang susi ko para makapasok ako dito, aalis na po ba kayo?" tanong niya dito.
"Oo, pupunta na ako sa simbahan at ipagdadasal ko na rin na sana mawala na iyang parang yelong nakabalot sa puso mo ng makita mo ang daan ng pagpapatawad na bata ka. Dahil pati ako nahihirapan kapag nakikita ko ang Ama mong malungkot!"
"Yaya, siya ang pumili na maging ganoon, siya rin ang may kasalanan, at hanggang ngayon nagbubulag-bulagan parin siya sa babaing iyon!"
"Diyos ko anak, magulang mo parin sila at ina mo ang babaing gusto mong hiwalayan ng iyong Ama!"
"Wala kong pakialam Yaya, sa kanya lang ako lumabas, mas ikaw pa nga ang naging ina sa akin eh, kaya alam mo Yaya mawala na silang lahat huwag lang po ikaw, kaya huwag mo akong iiwan ha?" ani Shan at agad niyakap ang matanda.
BINABASA MO ANG
RAPE REVENGE BY: LORGEE RHY
RomanceSHANNAIA ROSE GALAPON, Charming, sexy at malakas ang sex apeal. Pinag-aagawan ng halos lahat ng kalalakihan. Naughty at kung magpalit ng boyfriend ay parang basahan. AANHIN KO ANG GANDA KO, KUNG HINDI KO GAGAMITIN SA IYO, iyan ang laging lumalabas...