Pagkababa ni Agil ng kotse, agad niyang pinagbuksan ng pinto ng kotse si Shan.
Walang imik na sumunod na lamang siya sa binata, hindi na rin siya magtataka kung paano nito nalaman kung nasaan ang apartment nila.
Pakatok pa lamang ng pinto ang binata ng bigla itong bumukas at tumambad sa harapan nila si Yaya Cora.
"Diyos ko po salamat!" anito at agad niyakap ang alaga.
"Kumusta ka anak? Nagugutom ka ba? May masakit ba sa iyo? Naku namang bata ka, ito na nga ba ang sinasabi ko sa iyo eh!" anito na hindi magkamayaw kakatanong at kakasuri sa katawan ng alaga.
Hindi naman makatiningin ng diretso si Shan sa Yaya niya kaya niyakap na lang niya ito ng mahigpit at hindi na napigilang mapahagulhol.
"Yaya, I love you, mahal na mahal ko po kayo, ikaw ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko!" sabi ni Shan ns humihikbi.
"Alam ko iyon anak, halika pumasok na sa loob at ipaghahanda kita ng pagkain..." ani Yaya Cora saka bumaling sa binata," Agila salamat ha at tumupad ka sa kasunduan natin, alam mo kung gaano ko kamahal ang alaga ko!" anito.
"May isang salita po ako Yaya, at lahat ng binitawan kong pangako ay tutuparin ko, babalik po ako dito bukas para sunduin kayo, mauuna na po ako para makapagpahinga iyang alaga ninyo!" ani Agil saka tumingin kay Shan.
Agad naman nag iwas si Shan ng tingin kahit pa gusto niyang tanungin at sumbatan ang lalaki, napag-pasyahan na lang niyang tumahimik at ang Yaya na lang nito ang tatanungin niya.
"Aalis na ako," anito kay Shan na tango lang ang isinagot ng dalaga ni tignan ito ay hindi nito nagawa, dahil tila ba may kung anong pwersa sa pagkatao nito na nakakapag-panginig sa kanya.
"I said I'm going!" ani Agila at lumapit kay Shan.
"O-oo, bakit kailangan mo pang mag paalam?" ani Shan na pilit pinapatatag ang boses.
"Dahil gusto ko, pack all your things dahil hindi na kayo dito titira!" wika ng binata.
Napaangat ng tingin si Shan sa mukha nito.
"Sino ka ba para manduhan ako ha? Hindi kami sasama sa iyo!"
" Don't dare me Shannaia, if I say you will come, you should come, understand?" mariing sabi ng binata.
"Eh-kasi naman, bakit ba kasi... bakit mo ba ginagawa ito?" ani Shan at tumingin sa paligid, hindi niya namalayan na wala na pala ang Yaya niya at naririnig na nitong gumagalaw ito sa kusina.
"Wala ng marami pang tanong, just do what I said!" anito.
Gigil na gigil ang dalaga bakit ba itong lalaki na ito tila isang hari kung mag- utos sa kanya at kung hindi siya nagkakamali ito pa nga ang may atraso sa kanya dahil dinukot siya at pinagsamantalahan tapos ito pa ang mukhang galit, aminado naman siya na hindi niya ito masisisi kung bakit galit ito sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ni Mawin, pero siguro naman bayad na siya pero bakit ngayon para na lang siyang tau-tauhan nito.
"Nakahanda na ang pagkain, Agil bago ka umuwi iho kumain ka muna, gabing-gabi na at siguradong hindi ka pa kumain!" aya ni Yaya Cora.
"Yaya, ako po ang gutom at si Mr. Martinez baka po hindi kumakain ng pagkain natin kaya aalis na po siya!" sagot ni Shan.
"Pinapaalis mo ba ako?" paangil na tanong nito.
"Hi-hindi..." mabilis na sagot nito.
Napangiti naman ng lihim si Yaya Cora, ngayon panatag na ang loob niya na kung mamamatay siya ay nasa mabuti ng kamay ang alaga.

BINABASA MO ANG
RAPE REVENGE BY: LORGEE RHY
RomanceSHANNAIA ROSE GALAPON, Charming, sexy at malakas ang sex apeal. Pinag-aagawan ng halos lahat ng kalalakihan. Naughty at kung magpalit ng boyfriend ay parang basahan. AANHIN KO ANG GANDA KO, KUNG HINDI KO GAGAMITIN SA IYO, iyan ang laging lumalabas...