CHAPTER 3:

2.9K 73 3
                                    



"Hi Babe! Pasensya na ha. Si kuya kasi sinipot ko pa sa labas. Ipapakilala na sana kita kaso mukhang nagmamadali at parang badtrip na naman ang isang iyon." ani Mawin.


"Okay lang iyon! Wala sa mood na sagot niya dahil naiinis parin siya sa lalaking nakabungguan kanina.

Wala pang lalaki ang hindi nabighani sa ganda niya, at wala rin ni isang nagsuplado sa kanya iyon palang ang kauna-unahan.

"Bakit nakabusangot ang nobya kong maganda?"

"Eh, kasi may antipatiko akong nakabungguan kanina. Siya na nga ang nakabangga sa akin. Siya pa ang may ganang sungitan ako!" Galit niyang kwento dito.

"Baka naman nagpapapansin lang sa iyo yon babe. Alam mo na sa ganda mong iyan, inggit lang sila sa akin!" nakangising biro naman ng nobyo.

Napangiti na lamang si Shan.

"Babe, mahal kita, mahal na mahal, sa iyo ko palang naramdaman ito. Iyung tipong ayaw ko ng mawalay pa kahit saglit lang sa tabi mo!" matapat na pag amin ni Mawin.

Pilit namang ngumiti si Shan. Kahit pa gustong-gusto na niyang mapangiwi sa sinasabi ng nobyo. Dahil para sa kanya ay isang kakornihan lamang ito, parang gusto tuloy niyang kilabutan.

Hinawakan nito ang kamay niya at siya nama'y binigyan ng isang matamis na ngiti ito.

"Babe! Do you love me?"

Lihim na napangiti si Shan sa tanong ni Mawin.

"Kailangan pa bang sagutin iyan babe? What do you think? Anu ba ang nararamdaman mo sa pakikitungo ko sa iyo?" malambing na sagot ni Shan.

"Then, I guest it's a yes!" nakangiting pagkukumpirma nito.

Napangiti na lamang si Shan sa naging turan ng nobyo. Gusto niyang magrelax ngayon, kaya naman inaya niya ang nobyo na magpunta sa bar upang magdisco. Hindi naman siya tinanggihan ng huli. Dahil agad namang siyang pinagbigyan sa kanyang gusto.

Ganadong-ganado namang sumasayaw si Shan, dahil todo indak pa ito at sinasayawan pa niya ang nobyo na tawa nang tawa sa kanyang ginagawa.

Nang biglang mag ring ang phone ni Mulawin kaya hinila muna niya ang nobya upang maupo muna ito habang nakikipag-usap siya sa kanyang telepono.

"Where are you bro?"

"Nasa disco with Shan, why?"

"Just checking if where you are, mag-iingat ka at huwag kang magpapakalasing lalo na at mag da-drive ka pa!"

"Honey! sino ba iyang kausap mo, pwede bang ituloy na natin yung ginagawa kanina?"

"Shut up! Xina." mariing saway ng kapatid.

Napapailing na lamang si Mawin ng marinig ang background ng kanyang kausap.

"Bro, mukhang nagpapainit ka ah. See you na lang tomorrow at baka nabibitin na iyang kasama mo!" ani Mawin saka napahalakhak pa. Parang nakikinita na niya ngayon kung paano bulyawan ng kapatid ang kaawa-awang babae. Hindi naman niya masisisi ang mga babae sa gandang lalaki ba naman ng kanyang kuya imposibleng walang Eva ang hindi magnasa dito.

Napabaling ang tingin ni Mawin sa nobya ng may kausap itong lalaki.

Napakunot ang noo niya at nakaramdam ng selos.

"By the way, I'm Leo! Here's my calling card, bye." Mabilis na paalam ng lalaki ng mapansin nitong masama ang tingin ni Mawin sa kanya.

"Babe, sino yung kausap mo sa phone?"

RAPE REVENGE BY: LORGEE RHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon