CHAPTER 5:

2.9K 65 3
                                    



Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Shan sapagkat naalala niya ang pagdalaw ng kanyang mga magulang, muli na naman ay nanumbalik sa kanya ang lahat ng sakit na buhat ng pangyayari sa nakaraan.


Kailangan niyang gumawa ngayon ng paraan upang hindi matunton muli ng mga ito. Hihintayin muna niyang mag game-over ang laro niya kay Mawin at lilipat din sila kaagad ng malilipatan para hindi rin siya mahanap ng binata.

SUMAPIT ang araw ng Biyernes, maaga siyang sinundo ni Mawin, habang nasa biyahe siya pinili na lamang niyang pumikit upang isipin ng binata na natutulog siya, binalikan niya sa isip ang pag-uusap nila ng Yaya niya kahapon.

"Yaya, pag-alis po namin bukas ng umaga, maghanap po kayo ng lilipatan natin dahil aalis na tayo dito sa apartment na ito, narumihan na ito dahil sa pagtuntong ng mag-asawang Galapon, isa pa tatapatin ko na rin si Mawin na wala siyang aasahan sa akin, at pagbalik ko sa kumpanya na ni Leo ako magtratrabaho." ani Shan.

"Anak, ano ba iyang pinag-gagagawa mo, hindi ka ba naaawa doon sa tao, mukhang mabait at mahal na mahal ka! At ang mga magulang mo hanggang kailan mo sila titikisin? Hanggang kailan ba mananatiling matigas ang puso mo sa kanila?"

"Yaya, sa ngayon hindi ko pa po masasagot ang tanong mo, alam niyo naman po kung ano ang pinagdaanan ko, Yaya ni hindi ko alam ang kahulugan ng salitang pagmamahal, tanging ikaw lang Yaya ang nagpahalaga sa akin at hindi ako sinaktan, ako ang magtatanong sa iyo Yaya, kung ikaw ang nakaranas sa lahat ng pinagdaanan ko, magagawa mo pa ba silang lingunin manlang? Yaya hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa kanila."

Tumahimik naman ang matanda, siguro nga hindi pa napapanahon at malalim parin ang bakas ng sugat sa puso ng kanyang alaga, hindi niya ito pwedeng sisihin. Oh, di kaya'y diktahan ng kung ano ang dapat nitong gawin dahil isa siya sa naging biktima, ang masama lang dahil sa kagustuhan nitong mabawasan ang lahat ng sakit sa dibdib ay mas pinili nitong maghiganti sa lahat ng kabaro ni Adan upang iparanas ang sakit. Ang pinapangambahan lamang niya ay baka ito rin ang magiging dahilan ng ikapapahamak niya.

Niyakap na lamang niya ang kanyang yaya upang payapain ito.

Hindi niya namalayan na napaluha na pala siya habang nakapikit.

"Babe, are you okay? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Mawin ng makita nitong may luhang tumulo sa mata ni Shan kaya agad niyang inihinto sa tabi ang sasakyan.

"Ha? Wala naman nalulungkot lang ako!" pagkakaila ni Shan.

"Babe kung may problema ka, sabihin mo sa akin baka makatulong ako!" ani Mawin at hinawakan pa ang kamay ng nobya.

Ngumiti si Shan dito," wala akong problema, paandarin mo na ang sasakyan para maaga tayong makarating sa patutunguhan natin." ani Shan sa nobyo. Hinalikan muna ni Mawin ang kamay ng nobya saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Nagsuot ng shade si Shan kahit pa nasa loob siya ng sasakyan, dahil gusto niyang pagmasdan si Mawin, may isang bahagi kasi ng isip niya ang nagsasabing huwag niyang sasaktan ang binata dahil iba ito sa lahat, napabuntong-hininga na lamang siya dahil hindi niya alam kung tama ba ang kanyang gagawin na saktan ang binata , muli'y sumalakay na naman ang kirot sa kanyang puso.

Bakit ba kailangan pa niyang mag-alinlangan, naisip niya na katulad din ito ng iba, sa umpisa mabait but at the end lalabas din ang totoong kulay.

Pinilit ni Shan na makatulog upang mabawasan ang bigat na nadarama, hindi niya mawari sa sarili na kung bakit sa dinami-dami na ng kanyang hiniwalayan bakit parang tinatamaan siya ng konsensya para sa binata.

"NAPADALAW po kayo Yaya? May nangyari ba kay Shannaia?" nagaalalang tanong ng Governador ng makita ang hindi inaasahang bisita.

"Nagpunta ako rito na lingid sa kaalaman ng anak mo, anung klase kang ama ha? Hindi kita pinalaking ganyan kaduwag, sa ngayon wala pang nangyayaring masama sa anak mo, hihintayin mo pa bang may mangyari sa kanya bago ka kumilos? Armando, habang tumatagal lalong lumulubog sa hukay ang anak mo dahil sa kagagawan ninyong lahat, matanda na ako at hindi na magtatagal dito sa mundo dahil may sakit ako, ayaw kong iwan ang alaga ko na nababalot parin ng poot, sa ginagawa niya ngayon sa buhay niya, hindi malayong may bumawi sa kanya! Gumawa ka ng paraan, gamitin mo iyang kapangyarihan mo, at magpakaama ka naman sa kanya." naluluhang sabi ng matanda.

"Yaya, paano ko gagawin ang sinasabi mo kung magtatangka palang kaming lapitan siya ay ipinagtatabuyan na niya kami agad!"

"Hindi siya magiging ganoon kung hindi ka naging duwag Armando, kayo ni Aurora, kayo ang nagtanim ng galit sa puso niya kaya kayo rin ngayon ang umaani, gumawa ka ng paraan bago pa mahuli ang lahat, may taning na ang buhay ko at gusto kong bago ako pumanaw ay maayus na si Shan," saka matalim na tumingin sa kabababang si Aurora.

"Yaya, nandito po pala kayo? Kumusta po ang anak ko?" ani Aurora.

"Anak? Sinong anak ang sinasabi mo? Si Shan ba? Matanong kita, kailan ka naging ina sa kanya?" ika ng matanda.

Napayuko na lamang si Aurora sa sinabing iyon ng Yaya ni Shan.Dahil totoo naman ang tanong nito. Kelan nga ba siya naging ina sa anak niyang si Shan?

"Yaya, tama na po, nagsisisi na si Aurora, at maging ako, ginagawa naman namin ang lahat para mapatawad kami ng anak namin!" ani Gov.

"Hindi parin sapat, aalis na ako dahil maghahanap pa ako ng lilipatan namin,"

"Lilipat kayo ng tirahan Yaya?"

"Oo, para makaiwas sa inyo, iyon ang gusto ni Shan, pero ibibigay ko sa inyo ang address na lilipatan namin kung makahanap ako kaagad kaya nakikiusap ako, gumawa ka ng paraan para matigil na ang ginagawa ng anak mong kahibangan." anito saka tumayo na upang umalis.

"Ipapahatid ko na po kayo Yaya sa Manila." Pagpapaunlak ni Gov. sa yaya ni Shan, hindi nalang din siya umimik at pinaunlakan ito.

"Babe, nandito na tayo!" ani Mawin sa nobya.

"Wow ang ganda naman dito!" nasisiyahang papuri ni Shan.

Nasa mataas na bahagi ng bundok ang kanilang kinaroroonan kaya naman malaya niyang napagmamasdan ito. At ng mapadako naman ang kanyang mata paibaba ay may natanawan siyang bagay na kung hindi siya nagkakamali ay isa iyong hanging bridge na pwedeng daanan para makatawid papunta sa kabilang bahagi dahil ang ilalim nito ay tubig.

INAKAY SIYANG papasok ni Mulawin sa loob ng resthouse, tahimik lang naman si Shan.

Nakikita at nararamdaman niya ang kabaitan ng binata.

Napapikit siya ng mariin, sino nga ba siya? Siya lang naman ang babaing walang karapatang magmahal at mahalin. Dahil nababalot ang puso niya ng puro galit.

Ilang taon na ang lumipas, ngunit para sa kanya kahapon lamang iyon.
Mapait siyang napangiti, napag-isip niya na kailangan na talaga niyang tapusin ang lahat sa kanila ni Mawin, at dahil sa kabaitang ipinapakita sa kanya ng binata ayaw na niyang lalo pa itong masaktan kung magtatagal pa ang relasyon nila dahil baka sumbatan lamang siya ng kanyang konsyensya. Pero kahit ano pa naman ang gawin niya masasaktan at masasaktan parin niya ito.

RAPE REVENGE BY: LORGEE RHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon