Nagtungo si Agila sa opisina ng kapatid, nagbabakasakali na baka may makitang larawan o kaya'y impormasyon na pwedeng makita ng makilala ang babaing kinabaliwan nito.
Nagbulung-bulungan naman kaagad ang mga empleyado ng makita siya.
Marahil ay nagtataka ang mga ito kung bakit siya ang naroroon, at hindi ang kapatid.
Tatlong linggo na ang nakakalipas, mula ng mangyari ang trahedya sa pamilya Martinez, inilihim nila ang nangyari, tinapalan ng pera ang media, upang hindi na mailathala pa ang sinapit ni Mulawin Martinez.
"Anung pinagbubulungan ninyo? Get back to your work, now! Sineswelduhan kayo dito para magtrabaho hindi para mag tsismisan!" bulyaw ni Agila sa mga empleyado na nakita niyang nagbubulungan.
Agad namang tumalima ang mga empleyado na tila napahiya sa inasal ng binata, ibang-iba talaga ito kumpara kay Mawin, si Mawin ay masayahin at laging palabati sa mga empleyado, hindi katulad ni Agila na laging nakaangil, at laging salubong ang kilay.
PAGPASOK palang ni Agila sa loob ng opisina ng kapatid, naagaw na kaagad ng paningin niya ang litrato ng kapatid at ang kasama nito. May caption pang nakasulat na "She's my life" at arrow na nakaturo sa babae.
Napakunot-noo si Agila tila familliar sa kanya ang itsura ng babae, hanggang sa naalala na nga niya.
"Stupid Bitch!" ani Agila, hindi na niya kailangan pang kunin ang larawan, dahil hanggang ngayon ay sariwa pa ang mukha ng babae sa kanyang isipan.
Napakuyom ang kamao ni Agila at nag-iigtingan ang mga bagang dahil sa galit.
Napag-alaman din niya na papalit-palit ng nobyo ang dalaga.
" I will let you taste my revenge bitch!" ani Agila habang pinagmamasdan ang mukha ng babae, at kapag daka'y bumaling naman siya sa litrato ng kapatid.
"Ako ang maghihiganti para sa iyo, I will teach her lesson, na kahit kailan ay hindi niya malilimutan!" ani Agila habang nakatitig sa maamong mukha ng kapatid sa nasa larawan.
Napaisip siya, saan naman kaya niya ito maaaring makita.
Nagpagpasyahan niyang magtungo muna sa Supermarket upang bumili ng stock niyang mga pagkain.
SA APARTMENT naman nila Shan ay naubusan sila ng bigas.
"Yaya Cora, ubos na po pala ang bigas natin oh, sasaglit lang po muna ako sa supermarket ha?" paalam ni Shan.
Tumango naman ang matanda dahil busy ito sa pinapanuod na teleserye.
Dahil Sabado ng araw na iyon ay maraming tao, nabitiwan ni Shan ang bitbit ng bigas ng may biglang nakasanggi sa kanya.
"Oh shit, please be carefull naman, look what happend sa bigas na binili ko?" galit na sita ni Shan sa nakatalikod na lalaki na may hawak na trolley.
Napalingon naman ang lalaki sa kanya na nakabusangot.
Nanlaki ang mga mata ni Shan ng makilala ito.
"Ikaw na naman?"
Nagulat din si Agila dahil hindi niya inaasahang makikita ito dito, napangiti siya ng lihim. Dahil hindi na pala niya kailangan pang hanapin ang dalaga dahil nasa harapan na niya tadhana na gumawa ng hakbang para sa kanyang plano, nang maalala ang pakay ay biglang nanlisik ang kanyang mga mata.
"Shut up bitch!" mahina, ngunit mariing sambit ni Agila.
Natameme naman si Shan at biglang kinabahan. Ngunit pinanlabanan niya ang kaba at saka humarap sa kausap.

BINABASA MO ANG
RAPE REVENGE BY: LORGEE RHY
RomanceSHANNAIA ROSE GALAPON, Charming, sexy at malakas ang sex apeal. Pinag-aagawan ng halos lahat ng kalalakihan. Naughty at kung magpalit ng boyfriend ay parang basahan. AANHIN KO ANG GANDA KO, KUNG HINDI KO GAGAMITIN SA IYO, iyan ang laging lumalabas...