Mabilis na lumipas ang araw at buwan sa mag asawang Shan at Agila, ngayon na ang araw na aalisin ang sanggol sa sinapupunan ni Shan. Naging mahigpit rin ang ginawang pagbabantay ng mfa tauhan ni Agil sa kanyang asawa dahil alam niyang umaaligid lamang ang kanilang kalaban.
Tulad ng ipinangako ni Agila, sa nakababatang kapatid ng asawa ay pinasundo niya ito upang makita ang kapatid kapag nakapanganak na.
Habang nasa operating room si Shan, parang sinisilihan ang pwit ni Agila dahil hindi ito mapirme sa kinauupuan.
"Bro, naduduling na kami sa iyo, pwede bang lumubay ka nga, daig mo pa ang babaing hindi makaanak!" ani Mawin.
"Shut-up, kung wala ka lang magandang sasabihin!" ani Agila.
Ang pagtawa sana ng kapatid ni Shan ay hindi na natuloy dahil sa singhal ni Agila sa kapatid.
"You little girl, kapag mag-aasawa ka huwag ganyan kabagsik panigurado magkakaroon ka ng sakit sa puso, at iyong ate mo huwag kang msgtaka kung bslang araw malaman mong aatakin sa puso ha!" ani Mawin sa bata.
Tinignan lang ng masama ni Agila ang kapatid,kung wala lang siguro ang kapatid ni Shan dito malamang ay nabatukan na niya, dahil ksnina pa siya nito inaasar.
Nang lumabas ang doctor, halos takbuhin na ni Agila itong salubungin.
"Doc, kumusta ang mag-ina ko?"
"Congratulation, baby boy ang anak mo, healty at magandang bata, sa ngayon ilalagay muna siya sa encubator para makumpleto ang buwan na dapat sana ay basa sibapupunan pa ito ng kanyang ina, ang asawa mo naman ay tulog pa, maya-maya lamang ay ililipat na sa kwarto ang iyonh asawa, mauuna na ako at may pasyente pa akong pupuntahan!" ika ng Doctor matapos makipagkamay kay Agila.
Nag uumapaw sa tuwa si Agila, nilapitan niya ang doctor na bagmamadaling ilagay sa encubator ang anak niya,matapos itong malinisan.
Sinundan ni Agila ang anak hanggang sa maipasok ito sa nursery room, halos mapaluha siya sa saya at gusto ng sumabog ang kanyang dibdib.
"Kayo po ba ang ama ng bata?" tanong ng nurse na lumapit sa kanya.
Tango lamang ang kanyang naisagot.
"Ano po ba ang ipapangalan natin kay baby?"nakangiti pang tanong nito na halos hindi na kumurap, at halata rin ang pagpapacute.
"Eagle Martinez!" tipid na sagot ni Agila na hindi parin inihihiwalay ang tingin sa anak.
Hindi rin niya nsmalayang sumunod pala sa kanila ang kapatid ng asawa, at tuwang-tuwa rin itong pinag-mamasdan ang pamangkin.
"Hoy, bulilit bakit mo naman ako iniwan?" biro ni Mawin sa bata.
"Ssssh, kuya huwag kang maingay natutulog si baby!" sagot nito.
Naagaw naman ang atensyon ni Agila dahil sa boses ni Mawin, tibapunan niya ito ng matalim na tingin at sinagot lamang nito ng isang ngisi.
"Tol, baka gusto mong samahan ang asawa mo, ililipat na iyon sa kwarto niya, baka pag gising niyon ikaw unang hanapin, sabagay pwede rin namang ako, ako na lang pala ang magbabantay!" ani Mawin at akma ng aalis.
"Stay...bantayan mo na lang ang pamangkin mo dito, ako ang magbabantay sa asawa ko!" ani Agila.
Napangisi naman si Mawin, kahit papaano nasasaktan parin siya pero hindi na tulad ng dati, tanggap na niya pero hindi niya alam kung kelan maghihilom muli ang sugat sa puso niya.
"Bubulit, nagugutom ka ba?" ani Mawin sa bata.
"Kuya naman may pangalan po ako eh!" nakangusong sagot nito.
BINABASA MO ANG
RAPE REVENGE BY: LORGEE RHY
RomanceSHANNAIA ROSE GALAPON, Charming, sexy at malakas ang sex apeal. Pinag-aagawan ng halos lahat ng kalalakihan. Naughty at kung magpalit ng boyfriend ay parang basahan. AANHIN KO ANG GANDA KO, KUNG HINDI KO GAGAMITIN SA IYO, iyan ang laging lumalabas...