CHAPTER 15:

3.5K 90 0
                                    



"Baby...how do you feel now?"


"Nasaan si Yaya? Asan si Yaya?" tanong ni Shan habang umiiyak.

"Ssshhh...mag pahinga ka muna babe, bawal sa iyo ang ma stress!"

"Asan si Yaya, gusto ko siyang makita, saka paano nandito ako?"

"Pinasundan kita sa kaibigan ko, nagkataong nagpunta siya sa Condo at sinabi ng mga bodyguard na umalis kayo ni Yaya Cora, sobra ang pag-aalala ko kaya huwag mo na ulit gagawin ang umalis ng hindi ako kasama ha?"

"Paano mo nagagawang maging kampante ha? Bakit ba ayaw mong sabihin kung nasaan ang Yaya ko? Ligtas ba siya? Agila utang na loob kahit ngayon lang... pwede bang ako naman ang masunod, dalhin mo ako kay Yaya!" pagmanakaawa ni Shan.

Niyakap na lamang ni Agil ang asawa at pilit pinapakalma," sshhhh, fine dadalhin kita kay Yaya pero you need to take a rest first, baby matagal ng may sakit si Yaya at hindi na kinaya ng katawan niya, nasa Cathedral siya nakaburol, idadala kita doon but promise me, magpapakahinahon ka, dahil hindi ka pwedeng ma stress dahil my little Eagle na sa tummy mo!" ani Agila at hinaplos ang tiyan ni Shan.

Lalo namang napahagulgol ng iyak si Shan at yumakap na lamang sa binata.

"Pwede bang ngayon na? Please gusto ko na siyang makita ngayon!"

"I will not allowed you to go there unless if you take a rest, for the sake of our little Eagle, you will listen to me!" ani Agila at kinintalan ng halik ang noo ng asawa.

"Buntis ba talaga ako oh sinasabi mo lang?"

Napangisi ng malapad si Agila saka hinalikan ang dulo ng ilong ng asawa.

"Ano sa tingin mo ganoon ako kahina para hindi ka agad mabuntis? Well I'm Agila Martinez, sharp shooter yata ako, and you should know that by now!" ani Agila na may pilyong ngiti.

"Take a rest wifey later I will bring you there, I'm always beside you, no matter what I won't leave you!" ani Agila saka niyakap si Shan.

"Why you call me wifey?" ani Shan habang pilit nilalabanan ang antok, hindi rin niya maintindihan ang sarili dahil lagi na lamang siyang nakakaramdam ng antok.

"Because you're my wife baby, I'm sorry kung ginamit ko ang pagkakataon para maging asawa mo, marriage contract ang pinapirmahan ko sa iyo at iyon lang ang naiisip kong paraan noong una para makabawi sa ginawa ko sa iyo dahil sa pamamagitan noon may power na akong saluhin lahat ng mga nais mong gawin, may karapatan na akong gawin ang mga bagay na ikaw ang gumagawa, ang paghihiganti sa kanila, but you make a wrong move wifey, dahil ang nasasaktan mo ay ang mga inosente, but believe me, I won't blame you, I heartedly understand you, pero ako na ang gagawa ng lahat, just trust me and believe me!" mahabang paliwanag ni Agila.

Napangiti si Shan at tuluyan ng idinuyan ang kanyang kamalayan at nahulog na siya sa mahimbing na pagkatulog.

Napabuntong hininga si Agila iniwan niya ang tatlong miyembro ng sindikato dahil sa pangyayari kanina, buti na lamang at nasundanng kaibigan niya ang kanyang asawa at baka makapatay siya ng tauhan niya kung nagkataong may nangyaring masama sa kanyang mag-ina.

Nag-uumapaw ang kasiyahan sa kanyang dibdib ng mabatid na dalawang Linggo ng buntis ang asawa niya daig pa niya ang tumama sa Lotto kaya agad niyang iniwan ang tatlong pinaparusahan, at bahala na sila Raymond na gawing pulutan ang mga iyon, babalikan na lamang niya ang mga ito kapag naging okay na ang lagay ng asawa niya.

TAHIMIK NA umiiyak si Shan sa harap ng kabaong ng kanyang Yaya.
Sobra siyang mangungulila dito, kung tutuusin ito ang mas maraming hirap sa kanya kahit hindi siya nito totoong anak.

Mahal na mahal niya ang kanyang Yaya at hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas ng wala ito sa kanyang tabi.

"Babe, maupo ka muna please, huwag kang masyadong umiyak, kahit wala na si Yaya isipin mo na nandiyan lang siya, binabantayan kayo ni Baby Eagle, nandito rin ako aalagaan ko kayo ni baby."

Sumisinok na nagpaakay si Shan sa asawa na maupo sa silya na naroon.

"Dito ka lang ha, ikukuha kita ng tubig!" ani Agila sa asawa, tango lang ang isinagot ni Shan.
Kahit papaano ay nakaramdam din siya ng kaginhawaan dahil sa presensya ng asawa niya, at baka kapag ito ang nawala sa buhay niya ay hindi na talaga niya kakayanin pa.

"Condolence Iha,"

Napaangat ang tingin ni Shan ng marinig ang familiar na boses. Kita niya ang mag asawang Governor.

Hindi kumibo si Shan at ibinaba ang kanyang tingin, burol ng kanyang Yaya kaya gusto niyang manahimik.

"Anak, nandito kami ng Mama mo, pwede ka nang umuwi sa bahay ngayong wala na ang Yaya Cora mo." ani Gov.

"Please, leave me alone, not now please...huwag ngayon..." ani Shan na nanlalambot.

"Anak, patawarin mo na ako..."

"Hindi ba kayo nakakaintindi, sabi ko huwag muna ngayon, pakiusap..." sabi ni Shan ngunit hinawakan parin ng ina ang kanyang balikat," don't touch me, leave me alone...hindi ko kayo kailangan..."ani Shan at inalis ang kamay ng mga magulang na nakapatong sa kanyang balikat ngunit ganoon na lang ang gulat nila ng biglang sapuhin ni Shan ang tiyan," ahhhhh, ang sakit...Agilaaaa!" sigaw ni Shan.

Nabitawan naman ni Agila ang hawak na baso na may lamang tubig at agad nagtungo sa kinaroroonan ng asawa.

"Shit... wifey are you okay?"nag aalalang tanong ni Agila at biglang pinapawisan ng pagkuin niya ang asawa at may maramdamang malagkit ng likido sa bandang puwitan nito.

"Raymond ang sasakyan bilisan mo!" sigaw ni Agila sa tauhan.

Para namang itinulos sa kinatatayuan ang mag asawang Galapon.

Nang makarating na sa hospital si Agila ay agad nilang inasikaso ang asawa nito. Palakad-lakad siya at hindi mapakali, sa tanang buhay niya ngayon lamang siya nakaramdam ng takot.

Inabot din ng ilang oras bago lumabas ang doctor sa E.R," Mr..Martinez..."

Agad namang lumapit si Agila sa Doctor at hindi maipinta ang mukha na naghihintay sa sasabihin nito na tila ba nagpapahiwatig na kailangang maganda ang sasabihin ng doctor kung hindi baka magsisisi ito na siya ang naka assign kay Shan.

"She and the baby is okay now, dala ng sobrang stress kaya siya dinugo, at makasama ito sa bata, hihina ang kapit nito at maaaring mawala siya sa inyo. Kailangan ninyong mag ingat, I suggest na idala mo siya sa lugar na makakalanghap siya ng sariwang hangin mabisa iyon sa kanyang kalusugan, another bleeding you may lost your baby, so please be careful next time!" sabi ng doctor at agad ding umalis bago makasagot ang binata.

Nakahinga ng maluwag si Agila ng malamang ligtas ang kanyang mag-ina, ngunit napakunot ang noo niya ng mag vibrate ang kanyang phone at nang mabasa ang mensahe doon.

"Son, we need you here as soon as possible, its about Mulawin, nagising na siya at gusto na niyang umuwi diyan, please do something he is not yet completely recovered.

Namutla si Agila sa nabasang mensahe ng Ama na nasa America, paano niya sasabihin sa kapatid na asawa na nito ang babaing mahal nito at ngayon ay mahal na niya at hindi na niya papayagan pang mapunta sa iba.

Napabuntong hininga si Agila, ang kanyang mag-ina ay kanya lamang at hindi niya hahayaang mapunta kahit pa sa kapatid pa niya.

RAPE REVENGE BY: LORGEE RHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon