CHAPTER 2:

3.2K 78 2
                                    



"Babe, ito na ang kape mo," nakangiting lumapit si Shan sa nobyo.


"Come here Babe!" ani Mawin sabay tapik nito sa kanyang hita senyales na gusto niyang doon maupo ang nobya.

"Sure Babe!" sagot naman niya saka naupo sa hita ng nobyo.

"Sana lagi na lang ganito araw-araw, ang makita ko ang magandang mong mukha na laging nakangiti na siyang kumukompleto sa araw ko!" nakangiting turan ni Mawin at saka siniil ng halik ang labi ng nobya. Sinabayan at tinugon narin ito ng dalaga, nag-eenjoy na siya sa halik ng nobyo ngunit ng maramdamang gumagapang paitaas ang kamay nito ay bahagya siyang lumayo.

"Oppps! Babe, may limit ang kamay!" maarteng bulong nito.

"Sorry Babe! Na carried away lang ako. Pero, promise hindi ko naman gagawin ang mga bagay na hindi mo gusto. Kasi mahal na mahal kita!" ani Mawin na pilit kinokontrol ang pagnanasang nabubuhay sa loob ng katawan.

"Fine, you can touch me anywhere but it's should not exceed below the belt!" nang-aakit na bulong nito sa kanya.

"Shit babe! Stop it. Your turning me on, baka hindi ko na makontrol ang sarili ko?" medyo hirap na bulong ni Mawin dito. Ngunit sadyang sinalakay na naman ng kapilyahan itong si Shan. Kaya ang ginawa ay siniil niya ng halik ang nobyo at idinikit ang may kaumbukang hinaharap sa tapat ng malapad na dibdib ng binata na lalong bumuhay sa pagnanasa nito.

Habol hininga si Mawin ng maputol ang halikan nilang magkasintahan. Humihingal pa ito na sumasagap ng hangin. At dahil buhay na ang init at pagnanasa sa kanyang katawan. Kaya naman hindi na niya mapigilang yakapin pang muli ng mahigpit ang nobya saka muling pinaglapat ang kanilang mga labi.

Gumapang muli ang kanyang kamay pataas at ilang saglit lang ay natagpuan na nito ang pakay.

Hinayaan na lamang ni Shan ang nobyo sa ginagawa nito sa kanya Ni hindi man lamang siya makaramdam ng pananabik. Siguro nga ay bato na talaga siya dahil wala man lamang siyang maramdaman na kahit ano sa ginagawa ng nobyo. Nang makita niyang tila hirap na hirap na ito at hindi na makontrol ang sarili ay inawat na niya dahil baka kung saan pa ito mapunta.

"Babe, lumalamig na ang kape mo!" ani Shan at agad tumayo.

May pagtutol man ang kalooban ni Mawin ay wala naman siyang magagawa. Dahil baka magalit pa sa kanya ang nobya at ayaw niyang mangyari yon.

"Wait Babe! Give me 5 minutes to calm!" sagot niya dito na hinihingal pa. Nakaramdam din siya ng pananakit ng puson.

"Shit! Babe punta muna ako ng comfort room!" ani Mawin.

Napangisi naman si Shan ng makapasok sa loob ng banyo ang nobyo.

"Pare-pareho talaga kayong mga lalaki, mga hayok sa laman!" bulong ni Shan at biglang nanlisik ang kanyang mga mata. Dahil sa bigla niyang naalala ang masalimuot na nakaraan.

"Bro! Anong kailangan mo dito?" madilim ang mukha na tanong ni Agila sa nakababatang kapatid nito.

"Bro, naman hindi ba pwedeng namiss lang kita kaya ako nandito?"

"Ano ang kailangan mo? Pwede bang sabihin mo na kaagad nang makaalis kana at naaabala mo na ako!" pagsusungit ni Agila (Agil) sa nakababatang kapatid.

Tumawa lamang ito saka tinapik ang likod ng kapatid.

"Bro! I think kailangan mo ng magkaroon ng lovelife ng sumaya ka naman. Lagi na lang kasing lukot iyang mukha mo!" pang aasar nito.

"Bakit ko naman kailangang magkalovelife? Eh, hindi naman ako bokya mga babae na nga mismo ang pumupunta dito sa condo ko sa isang tawag lang!" aniya sa flat na tono.

RAPE REVENGE BY: LORGEE RHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon