Nabigla si Gov. Armando Galapon sa bilis ng pangyayari, siya namang pagpasok ng mga pulis.
Dagli-dagli nilang nilapitan ang Ginang na hinahabol ang paghinga.
Inalis ni Armando ang pagkakayakap ng asawa sa anak nila, hindi naman nag aksaya ng panahon si Agila, agad nitong nilapitan ang anak at kapatid ng asawa na kahit ibig magsalita ay walang boses na gustong lumabas.
Hinubad ni Agila ang suot ng long sleeve saka isinuot sa bata, kinalong niya ang sanggol, na tila nakakilala dahil tumigil ito sa pag-iyak. Mahigpit na niyakap ni Agila ang anak, at kapagdaka'y hinaplos niya ang mukha ni Avina na panay ang tulo ng luha na nakatingin sa ina.
Gusto man nitong isigaw ang pangalan ng ina ay hindi niya magawa.
Binuhat ni Armando ang asawa at isinakay nila sa ambulansya na dala ng mga pulis.
Awang-awa naman si Agila kay Avina na hindi na makapagsalita.
Kalong ng isang kamay ni Agila ang anak at ang isang kamay naman hawak ang kamay ni Avina.
Tirik naman ang mata ni Luis na wala ng buhay dahil sa tama nito sa noo na galing sa baril ni Agila.
"Swerti ka paring hayop ka dahil namatay ka ng hindi nahihirapan, pasalamat ka buhay ang anak ko dahil kung nagkataon kahit sa impiyerno hahabulin kita!" ani Agila sa bangkay saka dinuraan.
Inakay na ni Agila ang bata pasakay sa kanyang kotse upang maipatingin sa magaling na espesyalista. Ganoon na rin ang anak baka nagkaroon ng pilay. Laking pasasalamat din niya kay Avina dahil sa batang edad nito ay mas minabuti pa nitong protektahan ang kanilang anak.
At gagawin niya ang lahat makapagsalita lamang itong muli.
HINDI NAMAN magkamayaw ang mga doctor sa pag-asikaso kay Aurora dahil ang bala na tumama sa likod nito ay malapit sa puso.
Nagkakaproblema rin sila sapagkat wala silang mahanap na ka match ng dugo nito.
HINAYAAN na muna ni Agila si Avina sa hospital na pag-aari ng kanyang kaibigan na titingin sa bata, dahil sa pagod nito at trauma sa pangyayari ay agad itong nakatulog.
Iniuwi na muna ni Agil si Baby Eagle sa kanila, sakto namang nagising si Shan.
"Oh God ang baby ko!" anito at mabilis na tumakbo sa pintuan ng makitang may kalong ang asawang sanggol.
"Baby, buti ligtas ka dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung tuluyan kang nawala!" ani Shan na humahagulgol.
"Ssshhh, babe tama na huwag ka nang umiyak, padedehin mo na si baby dahil kanina pa iyan gutom na gutom!" ani Agila.
Natigilan naman si Shan saka tumungin sa anak na nag umpisa nanamang umiyak.
"Ssshhh, padededehin kana ni Mommy baby, huwag ng umiyak!" ani Shan at naupo sa kama.
"Ikaw, lumabas ka muna dahil dedede ang anak natin!"
"No, I wont gusto ko ring makita kung paano siya dumede!"
"Agila please gutom na ang anak ko!"
"Anak ko rin, kaya titignan ko kung padededehin mo siya ng maayus!" pilyong tugon nito.
"Agila naman eh..." angal pa ni Shan.
"Wifey baka nakakalimutan mong hindi kana buntis at naglilihi, hindi na uubra sa akin iyang kilos mo, hmmmp!" ani Agila.
"Now, papasusuhin mo ba iyang anak natin oh hahayaan mong magutom..." ani Agila na siyang pagpalahaw ng iyak ng sanggol," oh gusto mong tulungan pa kita na padedehin iyang baby natin?" ani pa nito at ngumisi.

BINABASA MO ANG
RAPE REVENGE BY: LORGEE RHY
RomantikSHANNAIA ROSE GALAPON, Charming, sexy at malakas ang sex apeal. Pinag-aagawan ng halos lahat ng kalalakihan. Naughty at kung magpalit ng boyfriend ay parang basahan. AANHIN KO ANG GANDA KO, KUNG HINDI KO GAGAMITIN SA IYO, iyan ang laging lumalabas...