CH 13

325 5 1
                                    

(General)

pagdating ni Paul kila Jongdae eh sinalubong niya ng reklamo si Dani. Pano ba naman kasi… napaka-ganda ng rason ng kaibigan niya para papuntahin siya dun sa bahay ng boss niya na pagkalyo-layo…

"HA??? PINAPUNTA MO KO DITO PARA GUMAWA NG KAPE!?” sigaw ni Paul

"eh kasi tol!! Hindi ako magaling gumawa ng kape! Ikaw ang expert dun!” sabi naman ni Dani

“punyeta ka. Alam mo yung dapat natutulog na lang ako ngayon!?” sabi ni Paul. Medyo banas na banas ang lolo mo kasi nga inaantok na at pagod.

“sorry naman! Pero wala akong choice teh! Kung wala lang akong utang diyan, nilason ko na sana yan. Kaso wala eh…” sabi naman ni Dani.

Totoo naman e, kung wala siyang utang kay Chen eh hindi niya gagawin yang mga inuutos sa kanya. MATAGAL NA KAYANG TAPOS ANG THREE WEEK TRAINING NILA.

"leche ka talaga.” Nagmamaktol na sabi ni Paul…. UY! Nag-rhyme! Haha!

Ok. Baliw.

“san na ba yung kitchen?” tanong ni Paul

“gagawin mo na yung kape?” tanong ni Dani

“ay hindi. Magc-CR lang ako. San yung kitchen??” pamimilosopo ni Paul

“tangang tanong prend.” Dagdag niya pa kaya sumimangot si Dani.

Nagpaturo sila sa maid kung pano pumunta ng kitchen kasi nga dakilang walang sense of direction tong si Dani kaya di niya maalala… oo guys, ganun talaga siya kalala.

“pucha, ilang araw ka na dito di mo pa din memorize?” tanong ni Paul

“anlaki kaya!” sagot ni Dani kaya napa-sigh na lang si Paul.

Kitchen…

“so ano ba iinumin niya?” tanong ni Paul

“malay ko. Sabi niya kape daw e..” sagot ni Dani kaya hinampas siya ni Paul

“di mo man lamang tinanong? bobits.” Sabi ni Paul

“eh umalis kaya siya kaagad! Di ko naman alam kung san siya pumunta after…” sabi ni Dani kaya napa-sigh ulit si Paul..

“gawan mo na lang ng Latte. Or Americano.” Suggest ni Dani kaya tumango na lang si Paul. Tutal kumpleto naman sa gamit sila Chen eh pwedeng-pwede…

Habang gumagawa siya ng kape eh pinapanuod lang siya ni Dani…

“ay tol alam mo ba bat niya ko tinawag dito?? Maliban sa utus-utusan at bwisitin ako?” tanong ni Dani. Oh kalma teh! May hugot e!

“bakit?” tanong ni Paul sabay pour ng kape sa tasa.

“pinapagawa niya ko ng homework niya.” busangot ni Dani

“weh? Akala ko di yan nags-school?” tanong ni Paul

“ayun nga, akala ko din. Online school daw amputa. Siya na. pero guess what kung anong subject yung pinapagawa niya??” sabi ni Dani at base sa mukha niya eh hindi siya masaya.

MALAMANG. Favorite subject niya yung gagawin niya eh..

Napaisip naman si Paul habang nagpupunas ng kamay..

“math?” tanong ni Paul tas lalong dumilim yung mukha ni Dani. HAHA!

“OO PUNYETA.” Sagot ni Dani tas bigla siyang ngumiti. Na-sense naman ni Paul na may balak nanaman na kagaguhan yung kaibigan niya, at ramdam niya na kung ano yun kaya inunahan niya na sa pagsasalita si Dani.

My 18 year old Boss (EXO Chen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon