(General)
AYON!!!
Mukhang natupad na ang Danielle at Chen couple !!! hahaha!! Sa wakas!
Achuchu... kalande ng mga to... pero syempre di dun nagtatapos ang storya na to.
"here." Sabi ni Chen sabay abot ng isang maliit na cloth kay Danielle. Nagliligpit na kasi ang mga tao sa bahay dahil halos lahat sila eh tulog na. Ang gising na lang eh sila Chanyeol, Luhan, Chen at Danielle.
"ano to?" tanong ni Danielle
"regalo ko. I don't want to get you anything overwhelming-----at least not just yet, kaya yan muna." Ngiti naman ni Chen. Binuksan naman ni Danielle yung cloth at nakita niya ang isang napaka-cute na pusa. Para siyang phone accessory, merong diamond dun sa mata nung pusa na kulay green. Hindi mahilig sa pusa si Danielle pero pag galing kay Chen eh okay lang.
"para kapag malungkot ka, or namimiss mo ko, yan na lang tignan mo." sabi naman ni Chen habang nakayakap sa kanya. Napangiti naman si Danielle dahil dito, medyo mukhang pusa nga naman si Chen dahil sa lips niya.
"may regalo din ako sayo. dapat nung pasko pa pero di ko mabigay." Sabi naman ni Danielle tas binigay ni Chen ang isang naka-wrap na regalo. Kinuha naman ni Chen yun tas pagbukas niya eh isang box ng panyo ang sumalubong sa kanya. At!! Armando Caruso ang peg!! LUMELEVEL UP SI DANI SA REGALO A!!! HAHAHAHA!!
Anyway, ngumiti naman si Chen dahil sa halong tuwa at kilig.
MALANDE IN SHORT. DE JOKE HAHAHA!! Pero kasi, ngayon lang nakaramdam ng ganitong kasaya si Chen, sobrang lakas talaga ng tama sa kanya ni Danielle. HABA NG HAIR NI GIRL!!!! HAHAHAHA!! DE.. SERYOSO NA.
"kelan pasukan niyo?" tanong ni Chen
"sa 7 na." sabi naman ni Danielle tas ngumuso si Chen. AYON O!! Nag pa-cute ang loko! Hahaha!
"di ba pwedeng mas late? Ang aga naman..." sabi ni Chen tas nag roll ng mata si Danielle.
"hindi. College. Sorry. Haha! pero para naman di tayo magkikita, I still work at Gateau." Sabi ni Danielle
"alam mo, I can pull you out of that, your debt has already been paid anyway." Sabi ni Chen tas napatingin si Danielle. HINDI PA NAMAN NIYA NABABAYARAN YUNG 15M AH!!
"ha? Wala pa kaya sa 1 million yung ipon ko, mga 12k pa lang ata yung nasa bagong bank account na inopen ni Sehun para sakin..." sabi naman ni Danielle tas nag shake ng head si Chen.
"hindi mo na kelangan bayaran yun. Actually, matagal ko ng napalitan yun." Bulong ni Chen pero narinig ni Danielle kaya naptingin siya bigla.
"WHAT??" tanong niya
UH-OH. LAGOT KA NGAYON KIM JONGDAE.
"UHMMMM... HAHA?" tawa ni Chen pero sinamaan siya ng tingin ng girlfriend niya. WOOPS! LAGOT HAHAHA!!
"EXPLAIN." Sabi ni Danielle tas nag cross ng arms. Napalunok naman si Chen pero napa-sigh siya.
"kasi.. yung vase, di naman siya 15 million talaga." Simula niya
"HA!!? EH MAGKANO YUN!?!" tanong ni Danielle na sobrang gulat at medyo inis na din.
"mga 15 thousand lang yun." Sabi ni Chen tas nung tumingin siya kay Danielle... DAN DAN DAAAAAAN!!! Naguusok na yung taenga ni Danielle sa sobrang galit. Bat kasi sinabi ni Chen na 15Million yun!?! WTF??!
"BAT SABI MO 15 MILLION!?" sabi ni Danielle
"E-EH KASI!!! Nung sa una gusto lang kita pagtripan... kasi pikon ka... and... uhm..." sabi ni Chen sabay look away
BINABASA MO ANG
My 18 year old Boss (EXO Chen fanfic)
FanfictionPaano kung yung taong kinaiinisan mo eh maging boss mo? maka-survive ka kaya kung araw araw eh gusto mo siyang patayin? ganyan ang nangyari kay Danielle. ung taong kinaiinisan niya dahil ubod ng yabang at katamaran ay naging boss niya hanggang sa m...