CH 25

292 4 0
                                    

(General)

November na… and that means end na ng sembreak…

Awwwwww… ang bilis namaaaaaaaaan!!! May pasok na ulit and second sem na…

Pero anyway, after ilang araw pa naman ang pasukan… ngayon eh nasa Laloma Cemetery si Danielle kasi nga November 1 at bibisitahin niya ang parents niya…

And guess who kung sino kasama niya?

“andaming tao.” Sabi ni Jongdae.

Yep. Sumama siya kay Danielle. Wala lang, trip niya lang samahan yung tao. Tsak kasi wala din siyang magawa sa bahay.

“duh.” Sabi naman ni Danielle kaya sumimangot si Jongdae.

Naglakad sila sa may bandang dulo nung cemetery. Sobrang dami talagang tao pero pag dating dun sa bandang dulo eh wala na masyado kaya nakahinga na ng maluwag si Jongdae.

“malapit na ba tayo?” tanong niya

“andito na tayo.” Sagot naman ni Danielle tas tumigil sa magkatabi na puntod.

“what the…” sabi bigla ni Danielle kasi may naka-sindi na kandila at may dalawang bulaklak dun sa puntod ng magulang niya.

Sino naman yung nagiwan nun dun? Eh wala nga siyang kilala niyang relatives kasi nga tinaboy sila.

“may problema ba?” tanong ni Jongdae sa kanya

“nakakapagtaka lang… sino naman kaya nagiwan nito dito?” sabi ni Danielle tas naglingon-lingon.

“baka naman relatives niyo?” tanong ni Jongdae

“ang pagkakaalam ko, hindi nila alam na namatay na sila mama…. We cut off all ties nung pinalayas sila.” Sagot naman ni Danielle.

Napaisip siya kung sino kaya ang nagiwan nung mga bulaklak, at pano nila alam kung nasan yung puntod?

Lumuhod na lang si Danielle dun sa tapat ng puntod tas nagsindi nung kandila. Nagdasal naman siyang ilang minuto…

“Ma, Pa. hi. Kamusta na kayo? Grabe. Ngayon na lang ako ulit nakabisita. Sorry ha? Dami ko kasing ginagawa… tsaka… andami din nangyari nung mga nakaraang month.” Simula ni Danielle

“alam niyo ba? Bad news… nasunog na yung apartment natin… pero, naligtas ko naman ung mga dapat iligtas… sorry ah… di ko nabantayan yung bahay natin… ang dami pa namang pinagdaanan nun.” Dagdag niya tas napansin ni Jongdae na parang naiiyak na siya.

“grabe un. Akala ko katapusan na ng mundo kasi… san na ko titira? Pano na yung mga memories na iniwan niyo ni papa para sa akin? Un na nga lang ang nagkapag-papaalala ng mga masasayang pagsasama natin tapos mawawala pa…” sabi ni Danielle na di na napigilang tumulo yung luha.

Nakita naman to ni Jongdae at lumambot yung puso niya. hinaluhog niya yung panyo niya sa bulsa pero bago pa niya iabot eh nagsalita nanaman si Danielle.

“pero alam niyo ba ma? Andaming tumulong sakin… etong kasama ko? Siya si Jongdae. Isa siya sa tumulong sakin. Sa kanila na ko nakatira ngayon. Okay lang naman un di ba ma?” sabi ni Danielle kaya natigilan si Jongdae.

“sa totoo lang, hindi ko alam kung ano gagawin ko kung wala tong taong to. Kahit anyabang niya, kahit pinapahirapan niya ko eh siya pa din ang tumulong sa akin sa huli.” Ngiti naman ni Danielle

Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ni Jongdae dahil sa mga naririnig niya. feeling niya eh eto yung mga moment ng mag bf at gf kung kelan pinapakilala nila ang isa’t isa sa mga magulang nila…

Though di sila mag bf at gf eh parang ganun na nga ang nangyayari…

“bantayan niyo din siya ha? Katulad ng pagbabantay niyo sakin…” tapos ni Danielle tas nginitian si Jongdae na naka-freeze pa din dun…

My 18 year old Boss (EXO Chen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon