(GENERAL)
BOOM PANOT!
Anyare na mga friends? HAHAHA!
Sorry nawala si author, medyo nawalan ng motivation e, di pa din naman motivated pero pwede na din. HAHA! Gulo ko no?
Well anyway, anyare na sa birthday surprise ni Paul?
Mukhang mas lalo ata silang na-surprise sa biglaang dating ng girlfriend niya hahaha! Pero nakakagulat naman kasi talaga, wala naman plano umuwi tong si Krystal ng Pilipinas pero SURPRISE!
At isa pang surprise na di inaasahan ng lahat....
MAG KAKILALA SI KRYSTAL AT YURI!
Worse, MAG BEST FRIEND PA SILA!!
Nako nako... pano na yan Paul?
"sure ka na talaga diyan tol?" tanong ni Danielle kay Paul. Ilang araw na din nakalilipas mula nung birthday ni Paul. Papunta na si Danielle ng Gateau kasama si Chen pero tumawag nanaman si Paul sa kanya na di siya makakapunta.
"oo tol, kelangan ko asikasuhin si Krys, ako ang guide niya habang andito siya." Sagot naman ni Paul
"o sige. Sasabihan ko si Ate Yuri." Sabi ni Danielle at binabaan na si Paul. Napabuntung-hininga----woo lalim!-----naman si Danielle
"bakit?" tanong ni Chen sa kanya habang nagddrive
"di nanaman masusundo o hatid ni Paul si Ate Yuri. Kelangan siya ni Krystal e..." sagot naman ni Danielle
"ow. Hanggang kelan ba yung Krystal na un dito?" tanong ni Chen pero umiling si Danielle, di niya din alam e...
"malay ko." Sagot lang ni Danielle sabay tingin sa labas ng kotse. Alam ni Danielle na gusto ni Yuri si Paul, halata naman e, pero ngayon at dumating si Krystal at nalaman nilang mag best friend pa ang dalawa..... ABA MATINDENG GULO TO.
"tayo na lang mag sundo kay Ate mamaya from her work." Sabi bigla ni Chen
"o sige." Sagot naman ni Danielle. Pano na kaya to?
(Danielle)
Hey guys. Lilinawin ko lang... di naman sa ayaw ko kay Krystal, sa totoo nga eh malapit sa akin yang babae na yan kasi syempre, best friend ko si Paul tas siya yung girlfriend so parang best friend ko na din siya.
Ang sa akin lang kasi eh parang may nasesense ako na iba pag si Paul at Ate Yuri na ang magkasama, so hindi naman siguro masama kung kahit kaunti eh feeling ko may gusto sila sa isa't isa, or kahit isa sa kanila eh may gusto sa isa d ba?
AH BASTA! Sa tingin ko pabor ako sa kung sino man piliin ni Paul sa kanilang dalawa, pero ang tanong eh kung may pag pipilian ba?
Di ko din alam kasi di pa naman nag kkwento si Paul sa akin. Eh di naman ako ung tipo na manggugulo kung ayaw niya sabihin.
Anyway, malapit na birthday ni Luhan. Nasa Japan siya ngayon pero uuwi siya sa 19 tapos sasalubungin namin birthday niya haha! si Sehun naman nung 12 ang birthday niya, di ko na nilagay dito kasi nakalimutan ko HAHAHA!!
Pero de, nag celebrate naman kami nun and guess what?
ANG HAYOP MAY NILILIGAWAN!! HAHAHA!! Nakakagulat nga e! kaklase niya daw, di ko naman kilala kasi sa iisang subject ko lang naman siya kaklase. Nakalimutan ko na nga yung pangalan ng nililigawan niya e hahaha!!
Pero alam niyo ba? Ewan ko kung ako lang yung nakapansin pero medyo naging distant si Luhan at Sehun sa akin. Well si Luhan oo kasi busy siya pero si Sehun, busy din... sa panliligaw -____-

BINABASA MO ANG
My 18 year old Boss (EXO Chen fanfic)
FanfictionPaano kung yung taong kinaiinisan mo eh maging boss mo? maka-survive ka kaya kung araw araw eh gusto mo siyang patayin? ganyan ang nangyari kay Danielle. ung taong kinaiinisan niya dahil ubod ng yabang at katamaran ay naging boss niya hanggang sa m...