(GENERAL)
OH GUYS… MARCH NA.
HAHAHA!!
Oo, ganun kabilis…
Wala naman masaydong nangyari after nung Valentine’s Day… nagdate lang si Chen at Danielle sa isang restaurant, busy kasi si Chen paguwi niya… may inaasikaso pero nung mga nakaraan eh wala naman siya sa Gateau…
NAKO NAKO… san kaya nagpupunta tong si Chenito??
Nangangaliwa??
HAHAHAHA!! DE JOKE LANG…
Pero seryoso… kahit si Danielle eh nagtataka kasi tuwing nasa Gateau siya, wala si Chen, pag itetext niya naman eh sasabihin may meeting. Tas pag dating niya sa bahay eh lagi siyang may dalang briefcase, dati naman hindi siya nagdadala ng ganun…
Ano kaya meron??
Anyway… bago natin punteryahin ang sikreto ni Chen, dito na lang muna tayo sa school nila Danielle kasi mukhang may important announcement.
Desservir and Boire Academy…
“ay. bat ang lapit lang?” tanong ni Rochelle
“yan kasi ang napagusapan ng faculty, kasi daw madami ang naaksidente at namatay sa mga malalayong lugar ngayon. And we would not risk the student’s safety.” Sabi ng prof nila sa Tourism
“ow. Sayang naman.” Sabi ni Rafael
“sayang! Gusto ko mag-Palawan e.” sabi ni Paul
“siguro next year.” Sabi ng prof nila.
Napagdesisyunan na kasi ang tour nila guys, at malapit lang ang pupuntahan nila.
Laguna, Batangas, at Tagaytay.
LAYO SHET!! HAHAHA!!! Pero mukhang madami naman silang gagawin na activities kaya siguro, sulit na din yun.
“pass the waivers mga anak…” sabi ng prof nila kay Rochelle at Ann, yung mga representatives ng class pag dating sa announcements.
Nakaupo lang sila Danielle, as usual, magkasama sila ni Kyungsoo… madalas na silang magkasama ngayon sa school, kasi simula nung ginawa talaga nila Ryan eh hindi niya na iniwan tong si Kyungsoo.
Nakabalik naman na ng school yung mga unggoy nay un kaya extra ingat si Danielle sa baby boy niya. HAHAHA!!! Ginawang anak or kapatid si Kyungsoo, ewan ko ba dito sa babae na to…
“TOL!!” sigaw bigla ni Paul tas hinampas si Danielle.
“ARAY PUTA!! ANO BA?!” sigaw ni Danielle habang kinukuha yung inaabot na waiver ni Rochelle.
“TIGNAN MO TO!!!” sigaw nanaman ni Paul.
Yung totoo brad?? Nakalunok ng megaphone??
Tinuro naman ni Paul yung waiver kaya tinignan ni Danielle…
What: Educational Tour 2014
When: March 7-9 2014
Who: 1ST-3RD YEAR STUDENTS
Where: Laguna, Batangas, Tagaytay
Remarks: This Educational Tour is for the students to know more about the different points in other local areas, it is to familiarize them to different local cuisines and engage them in outdoor activities.
Others: Educational Tour 2104 is sponsored by Gateau Enterprises and HaHa Tours Corporation.
“GATEAU!?” sigaw ng malakas ni Danielle kaya napalingon lahat sa kanya.

BINABASA MO ANG
My 18 year old Boss (EXO Chen fanfic)
FanficPaano kung yung taong kinaiinisan mo eh maging boss mo? maka-survive ka kaya kung araw araw eh gusto mo siyang patayin? ganyan ang nangyari kay Danielle. ung taong kinaiinisan niya dahil ubod ng yabang at katamaran ay naging boss niya hanggang sa m...