PROLOGUE

6.8K 201 15
                                    

"Dapat talaga sa mga kabit ay sinusunog sa impyerno," tila nanggigigil na sabi ni Tita Rose habang hinahagod ang likod ni Mommy.

Tahimik lamang ako sa kabilang tabi ni Mommy. Nagyuko ako ng ulo at pilit na binabalewala ang mga naririnig ko.

"Hindi ba nila naiisip na naninira sila ng pamilya? Wala ba silang awa sa mga naaapektuhan? Salot talaga ng lipunan ang mga imoral na 'yan! Mga walang awa sa mga kapwa nila babae at sa mga anak na nawawalan ng maayos na pamilya. Madami nang buhay ang nasira dahil sa pang-aagaw nila. Napakadaming lalaki, bakit sa may asawa pa sila nagpapakamot ng kati nila?!" patuloy na talak ng tiyahin ko.

Napalunok na lang ako at pinigilan ang mapaiyak. Hindi dapat ako ang naaapektuhan. Hindi naman para sa akin ang mga sinasabi nila.

"Ilang taon na kami ni Robert, Ate. Ngayon pa ba kami masisira?" umiiyak na sumbong ni Mommy at yumakap sa kapatid n'ya.

Kanina ay nahuli ni Mommy si Daddy na kasama ang isang babae na kumakain sa isang restaurant. Hindi pa naman sigurado pero nag-conclude na sila na kabit ni Daddy ang babae.

"Ayon nga, Rita! Malalaki na ang mga anak n'yo kaya puwede na kayong maghiwalay. Ano? Sa lagay ba ay patatawarin mo na lang ang asawa mo? Paano kung matagal ka na pala n'yang niloloko? Sinabi ko naman na kasi sa'yo na sugurin na natin kanina! Ingungudngod ko talaga ang makating babae na 'yon. Hahalik s'ya sa lupa na kasing dumi n'ya!" gigil na sabi ni Tita Rose.

"Mommy, Tita, baka naman po nagkakamali lang kayo? Bakit po hindi n'yo muna kausapin si Daddy?" mahinahon na sabi ko.

"Hestia, given the fact that your father lied when your mother called him and asked him where he is, was enough to conclude that he's having an affair with that woman!" Tita Rose insisted.

I chose to keep my mouth shut.

People won't see logic when they're mad. Walang silbi ang pagpapaunawa ko sa kanila sa ngayon. They wouldn't listen to any explanation.

Tita kept on ranting about mistresses and how disgusting they are. And each insults coming from her felt like a stab in my being.

Because I am one of the jinx she's talking about. I am a mistress.

I let myself be a mistress. All because I am in love with a married man.

I love Travis Lawrence Amante. And I am willing to be his mistress as long as he's mine.





_______________________

April 2, 2017
June 15, 2024 (edited)

Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon