21| Predicament

838 74 9
                                    




In three days I'm bound to go to New York. Nawawalan na ako ng pag-asa. Travis is nowhere to be found. Hindi n'ya sinasagot ang mga tawag at texts ko. Hindi rin s'ya umuuwi sa unit n'ya. Wala akong ideya kung nasaan s'ya.

I am beginning to be desperate. Pikit-mata na nagmakaawa ako sa HR manager na hindi ako aalis. Na kung puwede na bayaran ko na lang kahit habambuhay pa akong magtrabaho sa kompanya nila. Pero hindi pumayag. Kung hindi na ako aalis, kailangan na bayaran ko lahat. Ngayon agad-agad.

"Anak, ano'ng problema?" masuyong tanong ni Mommy isang hapon na naabutan n'ya akong tulala sa silid ko. I am looking at my statement of accounts.

Fuck. Lahat ng mayroon ako ay wala pa sa ten percent ng kailangan kong bayaran.

"Ang dami mo na palang ipon, Tia!," maligayang sabi ni Mommy nang makita kung magkano na ang nasa account ko. Dinampot n'ya ang isa pang bankbook at mas nanlaki pa ang mga mata n'ya. Higit doble nang nauna n'yang nakita ang mayroon d'on. "May ganito kalaki kang pera?" naguguluhang tingin n'ya sa akin.

"Joint account, 'My. College pa kami ni Travis nang sinimulan namin. Para sa pagpapakasal," I mindlessly explained. My lips trembled at the last word.

Nang makita ni Mommy ang mga luha ko ay agad n'ya ako'ng niyakap. "Anak, may problema ba kayo ni Travis?"

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na umiyak sa bisig ni Mommy.

"Ayoko nang umalis, 'My. Nagagalit si Travis," I sobbed. Every time I close my eyes, I can see Trav's anguish. "If I go, he'll leave me."

"Para naman sa future 'to, anak. 'Di ba nga s'ya ay umalis din para mag-aral sa ibang bansa? Gan'on din naman ang gagawin mo. Magandang oportunidad at pagkakataon ang ibinigay ng kompanya n'yo sa'yo, Hestia. H'wag mo palagpasin para kay Travis. Kung mahal n'yo ang isa't isa at para talaga kayo sa isa't isa, wala lang ang limang taon. At hindi naman na mahirap ang komunikasyon ngayon. Kami nga ng Daddy mo ay sulat-sulat at madalang na tawag sa telepono lang ang kumikasyon. Mabuti nga ngayon ay may internet na. Madali na lang 'yon," paliwanag ni Mommy sa akin. Ginagap n'ya ang mukha ko at pinatitig ako sa kanya. "Tia, may dahilan kung bakit ang utak ang nasa taas ng puso. Mas matalino ang utak kaysa sa puso. Isipin mo ang kapakanan mo. Ang kinabukasan, 'nak. 'Di pa lang naiintindihan ni Travis sa ngayon pero mauunawaan din n'ya 'yan kalaunan. Hindi tayo mayaman, anak, kaya ang mga ganyang pagkakataon ay 'di na dapat palampasin. Mas mabuti na magsakripisyo sa ngayon kaysa kapag may sariling pamilya na kayo. 'Di tulad ng sa Daddy mo. Halos buong buhay n'yo ng Kuya mo ay malayo s'ya. Para may magandang buhay kayong matamasa."

I have the same opinion as Mom's. Kaya nga tinanggap ko agad ang offer. Pero ngayon, 'di na ko sigurado sa katwiran na 'yon. Ang sigurado ako ay mahal ko si Travis. At ayoko na mawala s'ya. Hindi ko kaya.

"A-Ayoko nang malayo kay Travis," Iyak ko.

Mommy sighed. "Kung ano ang desisyon mo, anak. Susuportahan namin," nakangiting sabi n'ya.

After my talk with my mother I went to AGC. I need to talk to Travis.

"Travis Amante, please," I said to the receptionist. "I'm his girlfriend."

The beautiful woman looked at me, maybe contemplating if I'm telling the truth. "Mr. Amante hasn't showed up today. Wala po s'ya, ma'am," magalang na sabi n'ya matapos ako matitigan.

I nodded a little. "Alright."

I turned my back when I saw Terrence. He's on his white shirt and dark jeans. He's too young to be here and his clothes were out of place, but his aura screamed dominance. Bata pa, datingang negosyante na.

"Ate Tia," Terrence acknowledged me.

I tried to smile. "Hi, Tee."

"Kuya's on the mansion," he said right away. Mukhang may sasabihin pa s'ya pero naagaw ang pansin namin ng lalaki na bagong dating. He looks like an older version of Travis.

Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon