SOWON'S POV
6am at pauwi na ako ng Dorm namin. Galing akong gym. Nadatnan ko sa dorm na ni isa wala paring gising. Abat hindi ba nila alam na may photoshoot kami ngayon?
Isa isa kong kimalampag ang bawat pinto nila.
"PAGBILANG KO NG TATLO AT WALA PA NI ISA SAINYO ANG LUMALABAS ALAM NYO NA ANG GAGAWIN KO! ISA........"
EUNHA'S POV
Paksyet ayan na naman sya sa pagbibilang. "ISA...."
Dali dali na akong tumayo at lumabas ng kwarto. May panis na laway pakong nakapa malapit sa bibig ko. Naknang naman o. Bawas ganda!
YERIN'S POV
"ISA...." AIGOOOO!
*runs out*
Nadatnan ko si Sowon unni sa kitchen na mukhang kagagaling lang sa gym. Nakapameywang pa. Nandito na din si Eunha aba himala. Ang bilis bumangon. Pero laughtrip pota. Yung panis na laway nya sa pisnge na halata mong matagal ng nakakapit. Napatakip nalang ako ng bibig at pinipigilan kong tumawa. Napansin kong ganun din si Sowon unni.
YUJU'S POV
"DALAWA...." Oh damn! Padalawa na. Takbo Yuna. Takbo!
Naabutan ko sa labas sina Sowon unni Yerin unni at Eunha. Sina Sowon unni at Yerin unni halata mong nagpipigil ng tawa. Bakit kaya? Napatingin naman ako kay Eunha at boom. Puahahaha. Alam ko na! Kingina. LT.
SINB'S POV
ANO BA YAN! BILANG BILANG PA. AS IF NAMAN HINDI KAMI MARUNONG MAGBILANG. Btw ako nga pala si Hwang Eunbi, call me Sinb.
"ANO NA NAMAN BA TO--- HAHAHAHHAHAHAHAHA." potek. Laughtrip sa itsura ni Eunha unni. Pati sila Sowon Yerin at Yuju tumawa na din. Si Eunha naman nagwalk out lang. Hayuf. Hahaha. Nagkatinginan naman kaming lahat atsaka tumigil sa pagtawa ng marealized naming parang kakaiba ito. Ngayon lang kami nagtawanan ng magkakasama.
"Err. Unnies anong meron?" Sulpot ni Umji galing sa labas. May dala pang groceries.
"San ka galing Umji?" Tanong ni Sowon Unni.
"Duhh diba nagpaalam ako sayo kanina. Sabay pa tayong lumabas. Malamang naggrocery ako. Aigoo."
Inirapan naman ito ni Sowon unni. Palibhasa matanda na. Napakaulyanin. Bwahaha.
"Maghanda na kayo. May photoshoot tayo diba? Di nyo ba alam? Ako naman malalagot nito kay Manager nim e." Sabi nya at iniwan kami. Nagdire diretso na kami sa kanya kanyang kwarto.
UMJI'S POV
Nasa set na kami ngayon ng photoshoot. Syempre may mga cam dito. At may mga staff na hindi namin kilala. So ang ganap namin kunware sobrang close namin. Hays.
"Yuju unni hindi ayos yung bangs mo. Halika dito unni. Ayusin natin." Lumapit naman ito sakin. Kunwareng inayos ko yung bangs nya. Haha. Pero tinaas ko ito para makita yung malapad nyang noo atsaka palihim akong tumawa. Hahahaha. Napansin nya siguro yun at mahina akong pinalo sa braso atsaka yumakap.
"Lagot ka sakin mamaya sa dorm" bulong nya. Niyakap ko din sya.
"Okay im waiting!" At kumawala na sa pagkakayakap.
YERIN'S POV
Eto na naman. Manloloko na naman kami ng mga tao. Hinanap ko agad si Sinb syempre alam ko namang maraming fans ang nag aabang sa mga kalokohan namin ni Sinb e.
"Sinb yahh!"
"Ne unni" may hawak syang self cam. Lumapit ako dito at binack hug sya. Kita yun for sure sa cam.
"Annyeong bodi." Bodi ang tawag sa mga fans namin.
"Yah unni. Fast talk, Pagkain o Sinb?" Tanong nito. Ako naman napaisip.
"Ofc SinB" sabi ko dito at kiniss sya ng mabilis sa cheeks. At as usual mabilis nya itong pinahidan. Hahhaha. Thats SinB.
EUNHA'S POV
"Unni come here" tawag ko kay Sowon unnie. Here we go again. Kailangan na namang pakiligin ang mga Bodi.
"Wae? Oh Annyeong bodi" kaway nya sa cam ko. Inakbayan ako nito.
"Unni may napapansin ka ba nitong mga nakaraang araw?" Tanong ko sakanya.
"Bukod sa pagiging maganda mo lalo araw araw ano pa ba? Hmm. Wala na." Pambobola nito. Aigoo.
"Unni talaga e. Really? Aya!" Kunwaring kinikilig na sabi ko dito. Kinurit ko pa sya ng pabiro. Pero binaon ko talaga yung kurit. Nakita kong nagulat sya. At inilapit nya ako sakanya. Ang lakas ng pagkakahigpit nya ah. Ang sakit tuloy ng batok ko.
Around 5pm nung sinabi ng photographer na magpack up na daw. Nagpasalamat sya samin at ganun din kami.
Pauwi na kami galing sa Photoshoot. Nasa sasakyan kami ngayon. Bali ganito ang seating arrangement. Sowon Unni, Yennie tapos Yuju at Umji at kami naman ni Sinb sa may bandang likuran.
SOWON'S POV
Aishh. May naalala pala ako. Walang hiyang Eunha yan. Ang sakit sakit ng pagkakakurit nya malapit sa collarbone ko. Ang pula parin hanggang ngayon.
"Hoy Eunha! Akala mo hindi masakit yung kurit mo sakin kanina ha." Tiningnan ko ito ng masama.
"Ah yun ba. Aba akala mo ba hindi din masakit yung pagkakahila mo sakin? Hoy! Masakit yun ha."
"Ang liit mo kasi e!" Asar ko dito. At kita ko naman kung gaanong pikon na pikon na naman ito. Basta talaga sabihan syang maliit ambilis mapikon. Hahaha.
Dumaan nalang kami sa isang restaurant kung saan iniintay kami ni Manager para dun na magdinner. Madami pa nga ang nakakilala samin don e. May mga nagpapicture.
***
BINABASA MO ANG
OTP
FanfictionThis is a Fan fiction. Kathang isip. Fan na fan ako ng GFriend kaya ko to ginawa. Wag pakakaseryosohin and wag gagayahin. Charot! Hahahaha Inuulit ko ang mga pangyayari sa mga darating na chapters ay gawa gawa ko lang. Hindi ko na iniba ang pangala...