Chapter 3

154 10 7
                                    

UMJI's POV






"HOY UMJI AKALA MO NAKALIMUTAN KO NA YUNG GINAWA MO KANINA?" galit na galit na sabi sa akin ni Yuju pagkarating na pagkarating namin sa dorm.




"La? Anong ginawa ko sayo?" Patay malisya ko.





"HA! YUNG PAGTAAS MO NG BANGS KO AT PINAGTAWANAN MO PA YUNG NOO KO!"






"Pfftt. Unni nakakatawa naman talaga yang noo mo e. No wonder kung bakit natawa dyan si Umji. Galit na galit kasi yang noo mo." Singit ni Sinb.




"SHUT UP SINB! HINDI IKAW ANG KAUSAP KO!" sinamaan nya ng tingin si Sinb bago bumaling na uli sa akin.





"TANDAAN MO YUNG GINAWA MONG YUN. GAGANTIHAN KITA." pwe. Magaling lang naman sya sa salita. Ni hindi nya nga ako malapatan ng kamay e.





Dumiretso na ako sa kwarto ko. Solo lang ako dito. Supposedly diba na kapag girl group at magkakasama sa dorm dapat atleast sa isang kwarto magshashare ang 2 tao. Pero samin hindi. Tig isa kaming kwarto bawat isa. Jusko riot ang mangyayari kung share share kami.




"NANDYAN NA YUNG ORDER NA PIZZA!" Rinig kong sigaw ni Yerin sa labas. At dahil gutom na ako dali dali akong lumabas. Naabutan ko ding yung ibang members na nasa may kitchen na din.


"JOKE LANGG!" Sabi ni Yerin. Nakita ko naman kung paano sinamaan sya ng tingin ni Sinb at Eunha. Tas sinermunan naman sya ni Sowon unni.

Dealing with these weird and brat people? I can't!

(AN: Nangyari yan sa Vlive nila dati HAHAHA)


--
Nandito lang ako sa gilid ng park. Dito talaga ako pumuwesto sa pinasulok kung saan wala masyadong makakakita sa akin. Mahirap na.





"Enjoying the wind?" May nagsalita sa tabi ko. Hindi ko lang ito pinansin baka kasi isa sa mga sasaeng fans na namukhaan ako.



Sinilip nito ang mukha ko kaya napaiwas ako ng diresksyon.



"Umji from GFriend?" Nagulat ako ng may tumabi sa akin. Isang lalaki na ubod ng puti. Naka all black sya kaya naman lutang na lutang yung kutis nyang sobrang puti. Nakamask sya kaya hindi ko maaninag yung itsura nya.





"Suga, from BTS" inioffer nya yung kamay nya para makipagshakehands kaya naman inabot ko ito.




"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah? Wala kang kasama?"




"Papahangin lang. And yes wala akong kasama. Mahirap na kapag marami kami dito mas agaw atensyon." Palusot ko sakanya.




"You know what? Ngayon lang ako kumausap ng ibang group." Sabi nya. Naguguluhan naman ako. Kasi parang bigla nalang syang nagpakita dito at kinausap ako. Nakikita ko at nababalitaan ko din nga sa mga interviews nila na sya daw yung pinakamahirap iplease na member ng kanilang grupo.





"Bakit nga?" Tanong ko sakanya. Hanggang ngayon pala hindi parin nya tinatanggal ang mask nya. Ako naman naka cap lang. Hindi naman ako makikilala lalo na tago tong parte.




"Nakita kasi kita agad dito. Sa isip isip ko baka kailangan mo ng kausap."





"Paano kung hindi ako celebrity? Lalapitan mo parin ba ako?"


Tumango ito.



"Oo naman. Hindi kita agad namukhaan ha. Akala ko isa ka lang ordinaryong tao. Malimit din kasi akong maglakad lakad dito twing gabi and ngayon ko lang ikaw napansin dyan." Napangiti naman ako palihim.




Nilabas nito ang cellphone nya at tiningnan ang oras. "I need to go na. Hinahanap na nila ako. Babye. Ingat ka sa pag uwi ha." Tumayo na ito at nagsimula ng maglakad. Tiningnan ko lang itong makalayo kaya lang nakita ko syang bumalik ulit. Tiningnan ko naman yung inupuan nya baka kasi may nakalimutan lang ito pero wala naman.




"Uhm I know this sounds uncool, corni o what so ever, can I get your number?" Hindi sya mapakali at kakamot kamot lang sya sa kanyang batok habang iniaabot nya sakin yung phone nya. Sincd mabait naman sya kinuha ko yun at dinial ang number ko. Ngumiti naman ito at umalis na.




Naisipan ko na ding umuwi at lumalalim na ang gabi. Pagkadating ko sa dorm tulugan na sila. Bukod tanging si Eunha nalang ang nasa may salas at nanunuod ng tv. Ang pinapanuod lang naman nya ay cartoon. Jusme. Hatinggabi na cartoon parin.




Humiga agad ako sa aking kama at pumikit na. Hayss.



*beep*



Hinanap ko agad ang aking phone at tiningnan kung sinong nagtext.

From: 0972*******

Sana nakauwi ka ng safe. Goodnight. -Suga

Lihim akong napangiti bago tuluyang natulog.

***
Sinimulan ko na yung ship ng bawat members. Abangan ang mga susunod pa. ㅋㅋㅋ

OTPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon