SOWON'S
Sabado ngayon at wala naman kaming nakasched na gagawin so free kami today. Pwede naming gawin ang mga bagay na gusto naming gawin.
May sikreto kasi ako guys. Atin atin lang to. Kapag walang schedule ang tanging ginagawa ko lang is...
mag spazz. Totoo yan. Legit. May isa akong ginawang account na exclusive sa grupo namin. Pero nakapangalan yun as spazzer lang. Walang kaalam alam ang karamihan na ako mismo ang nag ooperate nun.
Nakakatuwa nga kasi marami na din akong followers at friends. And marami din akong nakakausap na mga fans don sa account na yun. Like sa mga gc, nalalaman ko kung ano ang mga gusto nilang sabihin. At natutuwa ako kasi ang kukulit nila. Mga kalog e.
*beep*
Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama ng biglang magpop ang isang notification sa youtube account na gawa ko din.
"Hey, small youtuber here. Sub to sub tayo? :)"
Inistalk ko muna ang channel nya at masasabi kong fan sya ng grupo ko. At teka..
Ano to?
Fan sya ng BTS?
At shipper sya ng... B-bang.. C..hin? Bang Chin? What the heck is that? Ano yun?
Nagbukas ako ng isang video galing sa channel nya at puro pictures namin at ng BTS ang nandoon. Puro edits lang sya pero mukhang makatotohanan.
"Sowon and Jin? SowJin? Wtf HAHAHA. Ang corny ha."
Natapos ko ang lahat ng mga video na nasa channel nya at masasabi kong nag enjoy ako. I mean ang galing nya mag edit. Mukhang legit yung mga pictures and videos na 'interaction' kuno namin.
Well to be honest naman, sa twing may music show at nakakasama namin ang iba't ibang grupo. Syempre hindi naman maiiwasan na hindi ka mapatingin sa kanila at bilang pagrespeto na din. Hindi ko akalain na ang simpleng pagtingin pala namin ay malaking epekto na sa mga shipper.
I love the effort ng ibang mga shipper. Kaya't hanggang sa abot ng aking makakaya, sinusubukan kong suklian iyon. Binabasa ko lahat ng mga comments tungkol sa amin, yung mga bagay na hindi naman ganon kahalaga pero binibigyan ko parin ng pansin. Para sa mga fans. Dahil kung wala naman sila, wala kami sa kinatatayuan namin ngayon.
One thing I wanted to happen, is mabuo na kami as a family. Not just a group, but a true family. Wala naman akong ideya kung paano? Siguro nung una, banas talaga ako sa mga kagrupo ko. Pero habang tumatagal naman, syempre naiisip ko din. Ano kaya kung kagaya kami ng ibang grupo? Yung mapa off and on cam ay close at nagmamahalan?
Nakss nagmamahalan? Big word. Enough this shit. I think I need to do something. Hindi pwedeng tatlong taon na kaming wala man lang pakialam sa isat isa.
BINABASA MO ANG
OTP
FanfictionThis is a Fan fiction. Kathang isip. Fan na fan ako ng GFriend kaya ko to ginawa. Wag pakakaseryosohin and wag gagayahin. Charot! Hahahaha Inuulit ko ang mga pangyayari sa mga darating na chapters ay gawa gawa ko lang. Hindi ko na iniba ang pangala...