Chapter 4

150 10 2
                                    

SINB's POV



"Hoy Sinbing tamad! Kakain ka na nga lang iiwan mo pa yung platong ginamit mo dito sa dining table. Sana kinain mo din pati plato!" Bunganga sakin ni Sowon. Sinadya ko talaga yun. Sya kasi ang nakatoka para maghugas ng mga pinggan. Bwahaha.



Inirapan ko lang ito at naglakad na papuntang salas. Binuksan ko agad ang tv.



Ang sasama naman ng palabas. Hmp! Pero pagtitiisan ko na itong palabas sa Trill. Kaysa naman nasa kwarto ako nakatulala lang dun.




*beep*



May nareceived akong text message. Kanino naman to galing.




From: 0986*******

Babe Please makipag usap ka naman sakin oh! Nakikiusap na ako. Kahit hindi mo na ako patawarin. Pakinggan mo lang ang paliwanag ko. Pleasseee😭😭



Hala? Nawrong send yata to? Tsk. Ano ba to babae o Lalaki? Kung makagamit ng emoji parang babae. Ibinaba ko nalang ulit ang phone ko at nanuod nalang ng tv. Kaya lang panay parin ang beep nito. Kulit ng kulit na makipagkita. Hays. Okay edi pagbigyan *evil laugh*





To: 0986*******

Sige magkita tayo. Pero yun na ang una at huli.




Geez! Hahahha. Okay di na boring!





From: 0986*******

Thankyou babe. Sa may ****** . 4pm hihintayin kita. Ingat ka, I love you😘😘💕




Yak! Ano ba yan. Ang hilig sa emoji. Babae siguro to. So since 1pm palang. Makatulog muna.




ZzzzzzzzzZzzzZzz





"*blink* *blink* *tingin sa wallclock* putspa 4:50 na." Napabalikwas ako. May kikitain nga pala ako. This gonna be fun!




5:15 ako nakarating dito sa place na pagkikitaan namin. Syempre nakadisguise ako. Simple lang din ang sinuot ko. Nakahood with mask tapos fitted jeans at nakasapatos lang. Sana walang makakilala sakin. Lagot ako neto kay Manager.



Umupo ako sa isang table na medyo tago. Kinuha ko ang phone ko at chineck yun. May 3 messages. Lahat galing dun kay Emoji. Hahaha. Oo emoji na tawag ko sakanya. Hilig kasi sa emoji e.




From: Emoji

Babe?

Nasan ka na?

Nandito na ako.





Kung nandito na sya pano ko malalaman na sya yun. Aha itetext ko pala.



On the way nako yan yung tinext ko. Luminga linga ako at tiningnan ko kung sino ang makakareceived nung message ko.




May dalawang tao ang may hawak ng cellphone. Isang babae at isang lalaki. Yung babae maganda naman sya. Kaya lang kapal ng make up. Tapos yung lalaki hindi ko masyadong makita yung mukha. Nakacap kasi tapos may mask pa.




Maya maya lang may dumating na isang lalaki at tinabihan yung babae. So hindi sya? Omo! Is it possible na yung lalaki to?




*beep*



Aish. Bat ang lakas magbeep ng cellphone ko. Napatingin tuloy yung lalaki dito sa puwesto ko. Tinitigan nya ako ng matalim. Bago parang may pinindot sya sa phone nya at nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag sya. Ako naman kabado na. Mukhang alam na nyang ako yun. Pinatay na nya ang tawag at naglakad papalapit sa akin.




OTPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon