sorry for being inactive for a very long period of time hehe babawi ako sainyo. sana may nagbabasa parin nito. hehe. enjoyyyy
not edited, bare with the errors and typo. :)
*****
YERIN'S
Kakarating ko lang sa bahay. Sinalubong naman agad ako ni Mommy. "Mabuti naman naisingit mo ako sa schedule mo ngayon." may halong pagtatampong pahayag ni Mommy. Tinawanan ko naman ito sakanyang inasal.
"Where's Dad?"
"Nasa farm nya. Maya maya lang ay parating na rin siya."
Nagpaalam muna ako kay Mommy para umakyat sa aking kwarto. Agad akong nahiga sa aking kama dahil sobra ko itong namiss. Ilang buwan din akong hindi umuwi dito sa bahay. Kaya naman grabe yung tampo ni Mommy sakin. Simula kasi nung mag artista ako e halos tuwing may special occasion lang ako umuuwi dito sa bahay kaya dun lang din kami nagkakaroon ng bonding.
*knock* *knock*
"Come in." Pahayag ko habang nakahiga at nakapikit parin ang mga mata.
"WAAAAH ATEEEEEEE!!!!"
Isang parang bata ang sumampa sa aking kama at dinagaanan ako. Halos hindi naman ako makahinga kaya pinilit ko itong ilayo sa akin.
"Eyrin naman masyado mo ba akong namiss?" Pang aasar ko dito. Si Eyrin ay ang nag iisa kong kapatid, 14 years old na sya pero kung umasta ay parang bata parin.
"Ate nasan na yung poster na pinapapirmahan ko sayo kay SinB unnie?" Excited na tanong nito.
Sinamaan ko muna ito ng tingin bago may kinuha sa aking bag na dala. "Syempre makakalimutan ko ba iyon?" Sabay abot ko sakanya.
"Thank you ate!"
"O ang kiss ko?" Pang aasar ko dito. Ayaw kasi nya ng physical affection kaya lagi ko itong inaasar sa ganun.
"Ate namaaaan!" She screamed as she walks out. Pero sinundan ko ito at nang mapansin nya ay bigla syang tumakbo. Naghabulan kami na halos natakbo na namin ang buong bahay.
Nang mapagod sya ay humiga sya sa may couch sa living room at ganun din ako bago sya niyakap ng mahigpit. "WAAAA NAMISS KITA EYRINNNNN."
"namiss din kita ate." bulong nito na ikinagulat ko. Kaya naman tiningnan ko siya at nakita kong medyo naluluha sya.
"Halaa ang drama mo naman. Anong problema?"
Bahagya kaming umupo pero nakayakap parin siya sakin at lumalakas na ang kanyang paghikbi.
"E kasi *hik* mas dumadami yung mga nababasa kong hates galing sa mga antis nyo. Marami ding nagbabanta *hik* sainyo."
Kahit medyo natatawa ako sa inasal nito dahil don kaya sya umiiyak ay mas pinili ko nalang na tapikin ang likod nito.
"Awee ang aking baby. Ano ka ba, okay lang yun. Ayaw mo nun, mas lalo kaming nakikilala? Atsaka nahihinaan ka ba sa ate mo?"
Tumingin ito ng mataman sa akin. "E pano kung bigla nalang may kumuha sainyo? Tas saktan si Sinb unnie?"
Halos mapanganga naman ako sa sinabi nya. "Sinb? Sinb parin? Hoy ako ang kapatid mo dito baka nakakalimutan mo. Bat mas nag aalala ka kay Sinb kaysa sakin?"
"Ah. Hehe" tas nagpeace sign lang sya.
"Bat ba mas gusto mo si Sinb? Mas mabait si Eunha don."
"magaling sya magsayaw at sobrang cool nya panuorin."
well totoo naman nga yun pero naman mygahd yung ugali mga mamsh. kung alam lang ng kapatid ko ang tunay na kulay ng iniidolo nya baka sa malamang hindi na nya ito suportahan pa.
BINABASA MO ANG
OTP
FanfictionThis is a Fan fiction. Kathang isip. Fan na fan ako ng GFriend kaya ko to ginawa. Wag pakakaseryosohin and wag gagayahin. Charot! Hahahaha Inuulit ko ang mga pangyayari sa mga darating na chapters ay gawa gawa ko lang. Hindi ko na iniba ang pangala...