Chapter 6

102 8 2
                                    

EUNHA'S

Kasalukuyan akong nasa practice room. Wala lang trip ko dito. Kesa naman sa dorm kasama yung mga walang kwenta kong kagrupo. Hindi naman sa sobrang hate na hate ko sila pero siguro papunta na din dun yun. Kasi naman nakakainis lang yung idea na magkakasama nga kami sa isang lugar pero hindi naman kami mga nag iimikan? Kaya talaga minsan naisip ko nalang na magpapansin lagi para naman makausap ko sila.

Dadating pa kaya yung araw na magiging close din kami sa isa't isa? Yung parang bonding na pinapakita namin kapag On-Cam.



"Hello po." Bati sa akin nung isang trainee. Nginitian ko ito atsaka naghello din dito.

"Hindi nyo po kasama ang mga kagrupo nyo?" Umiling ako dito. Napansin ko lang parang kasabayan ko sya nung nagtrainee din ako pero bakit hanggang ngayon trainee parin sya.

"Wait..." saglit kong inalala kung kilala ko ba ito o kung saan ko nga ba sya nakita.

"Fin?" Tanong ko dito at ngumiti sya.

"Finally nakilala mo din ako." Sagot nito habang natatawa.

"Hala sya sorry naman. Kamusta na? Di ka pa ba magdedebut?"

Lumapit sya sa akin at tinabihan na nya akong umupo sa couch. May dala syang snacks at inabutan nya din ako nito.

"Siguro 2 months after magdedebut na din ako sa wakas." Natuwa naman ako sa sinabi nya. Halata sa kanya na masaya sya.

"Mabuti naman kung ganun. Ilan kayo sa group?"


Saglit syang natahimik bago sumagot. "Solo debut ako."


Kung kanina masaya sya ay napalitan iyon ng lungkot. Siguro ay ayaw nyang magdebut as solo artist. Pero syempre wala naman syang magagawa dun. Artista lang sya.

"Wag ka ng masad. Alam ko namang kayang kaya mo yan. Ikaw pa." Pampalubag loob na sabi ko sakanya.

Lumingon ito sa akin bago ngumiti.

"I know. Pero syempre nag-audition ako dito at pumayag na maging trainee para idebut as a group. Gusto ko kasing maranasan yung ginagawa ng ibang girl groups. Look at you and your group. Ang ganda ganda nyong tingnan. Yung bonding ng group nyo napaka ideal. Nakakainggit nga kasi hindi ko yun mararanasan."


Saglit akong natahimik. Puro kasinungalingan lang naman yung nakikita nila e. Lahat yon pawang kathang isip lang.




"Uy natahimik ka?" Pukaw nito.




Ngumiti lang ako ng tipid. Gumanti din sya. At maya maya lang ay may pumasok na isang staff sa loob ng practice room at tinawag na ito. Naiwan na ulit akong mag isa.

"Hay" sobrang lalim ng pinakawalan kong buntong hininga bago nagsimula nalang ulit magpractice. Para madivert yung thoughts ko.


Umuwi na din ako sa dorm pagkatapos at naabutan kong nasa may living room nanunuod si Umji ng tv.



Cooking show. 



Hindi ko napigilang maupo sa pang isahang sofa at nakinuod din sakanya. Napansin ko namang panaka naka nya akong tinitingnan.



"What?" Mataray na tanong ko dito pero nasa tv parin ang atensyon ko.




"Hindi ko alam mahilig ka pala sa cooking show unni?


Tumingin ako saglit dito at bago tumango. "Akala mo siguro puro cartoons lang pinapanuod ko noh?"



Natawa syang bahagya. At iiling iling na tumango.




OTPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon